SUOT ang isang dilaw na scarf ay lumabas na siya ng bahay at tumungo sa clubhouse.
Kanaway is unbelievably beautiful. Kung maririnig mo siguro ang pangalan ng lugar at ang description ay hindi ka maniniwala. Unless you'll step foot and see it with your own eyes. It was quite modern for a village near the mountains. But she liked it. Every little detail of the place.
Unang beses na pumunta sila rito ni Danny ay nagkaroon sila ng munting tour kasama ang pamilya de Gala na siyang nag-mamay-ari ng malaking bahagi ng lugar.
They went to the piggery. And then to the strawberry farm. Gayundin sa flower farm. And then to the clubhouse. She'll love to live in this place under normal circumstances.
Sa Maynila sila mas mamamalagi ni Danny. Which is a really good thing.
Pagtapat niya sa clubhouse ay tiningala niya ang dalawang palapag na kabuuan niyon. It was designed by Yanno de Gala. The guy who had a past with Angelika. At doon din pala ito sa clubhouse ikakasal in less than two weeks. Kung nalaman lamang niya ng mas maaga ay hindi siya papayag sa gusto ni Danny na doon din sila ikasal.
Close proximity with Yanno scares the hell out of her. Bago siya tuluyang nakatulog ay isang bagay ang kanyang napag-isip isip. For her and her dead sister's sake ay dapat siyang umiwas kay Yanno hanggang kaya niya.
At hindi mahirap ang bagay na iyon. Ang kailangan lamang niyang gawin ay tiyakin na wala si Yanno sa mga lugar na pupuntahan niya sa Kanaway. Afterall, the day after tomorrow ay sasama na siya kay Danny pabalik ng Maynila. There are some things they need to do para sa kanilang kasal. Like the wedding gown na ipina-rush nila pagdating pa lamang nila rito sa bansa. Gayundin ang damit ng bridesmaids na halos lahat ay manggagaling sa side ni Danny.
Ang tanging naroon lamang para sa kanya ay ang mga magulang niya at ang dating kaibigan ni Angelika na isang ballerina. Ng sabihan niya ito na isa sa mga kukunin bilang bridesmaid ay hindi ito tumanggi.
She doesn't have many female friends. But actually, wala siyang matalik na kaibigan na matuturing upang ibigay ang pagiging made of honor. So in the end, ang kaibigang iyon na lamang rin ni Angelika ang inalok niya. Na tinanggap naman nito. She doesn't need to worry about the matron of honor's task.
Kung si Danny ay magkakaroon ng bachelor party, siya naman ay walang bridal shower. Personal choice niya iyon. Dah sino naman ang a-attend kung sakali man na mayroon? Ang mga pinsan na babae ni Danny bagaman maganda ang pakikitungo sa kanya ay hindi pa rin niya kilala sa malalim na paraan.
Sa ngayon ay wala siyang ibang gusto kundi ang bumilis na ang mga araw upang makasal na siya kay Danny. Naayos na ng wedding planner ang invitations at ipapadala na lamang sa mga invited guests.
Sinubukan niyang pihitin ang seradura ng clubhouse. Nang bumukas iyon ay nakahinga siya ng maluwag. It was only eight in the morning. She hates to wake anyone up para lamang buksan ang clubhouse. Kung siya rin ay ayaw niyang maistorbo ng ganoon kaaga.
Nine o'clock pa naman ang usapan nila ng wedding planner. Talaga lamang gusto niyang tumungo roon ng maagad upang mapag-isipan na niya kung ano ang gustong maging kaayusan ng lugar.
Umakyat siya sa itaas kung saan naroon ang hall. Mas higit na maganda kaysa sa ibaba. Malalaki ang mga bintana at walang sara. Ang tanging takip lamang ay ang mga kurtina. Pagpasok niya roon ay napansin niya na tila may taong nakaupo sa pinakaunahang row ng mga upuan.
Gumawa ng ingay ang kanyang sapatos dahil sa patuloy na pagpasok niya sa loob. Dahilan upang lumingon kung sinuman ang tao na naroon.
She froze instantly. It was Yanno de Gala.
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...