"ANONG bulaklak ang napagkasunduan n'yo ni Eloisa na gagamitin sa kasal n'yo?" tanong iyon ni CJ kay Yanno.
Sa kubo sa may flower farm ay naroon silang lima. He's the only man in here kaya siguro kakaiba ang kanyang pakiramdam. O dahil lang siguro sa presensiya ni Amelie kaya siya ganoon.
Hindi kaagad siya nakatugon sa tanong ni CJ. Dahil ang totoo ay hindi pa nila iyon napag-usapan ni Eloisa. Para rito ay ipaubaya na lamang dapat nila iyon sa wedding planner. Subalit hindi nga sakop ng wedding planner na kanyang kinuha ang para sa mga bulaklak. Kanaway can provide for the flowers they needed. in here
"We've never really talked about it," pagtatapat na lamang niya.
"What is her favorite flower then?" tanong ni Elia.
He didn't know that either. He never gave Eloisa any flowers. She's not the flower type of girl. Ngunit kapag binibigyan naman niya ito ng bulaklak on a special occasion ay tinatanggap naman nito. Dahil sa hindi pagtugon ni Yanno ay naging grim ang expression sa mukha ni Tey. Nang magnakaw siya ng mabilis na sulyap kay Amelie ay blangko ang ekspresyon nito.
"Why are looking at me like that?" hindi mapigil na tanong ni Yanno kay Tey. She's freaking him out. Ayaw niyang umakto ng ganoon sa harap ni Amelie subalit hindi niya matiis.
"Why do you think I'm looking at you this way? Ni hindi mo alam kung ano ang paboritong bulaklak ng fiancée mo."
"Fine. Assorted. Kahit anong bulaklak naman ay gusto niya," taas-kamay na wika ni Yanno. Subalit sa kanyang isipan ay may mga salitang namumutawi.
Minsan gusto ko ang red roses, minsan naman ay wala akong ibang gustong tingnan kundi orchids. But I have a great penchant for daisies so...
I'm sorry, Eloisa. Bulong iyon ng isip ni Yanno.
"Alright," tugon ni CJ. Bumaling naman ito kay Amelie. "How about you?"
"I like pink roses," nakangiting tugon ni Amelie.
Kung naghahanap ng pagkakaiba si Yanno ay iyon na nga. Angie wouldn't settle for just any flower. While Amelie loves pink roses.
"Pink ang motif ng kasal namin ni Danny," dagdag pa ni Amelie.
"Gusto ko rin ang pink," komento ni CJ. "Kapag ikinasal ako ay iyon ang gagamitin kong motif."
They proceed into talking about weddings. Si Yanno naman ay nagpasyang tumayo at pumunta sa may gilid ng kubo. Tumanaw siya sa kalangitan. It was partly cloudy kaya't mas lalong lumamig ang panahon.
Again, it reminds him of the day when he met Angie.
Angie, Angie, Angie.
Bumaling siya sa mga nag-uusap. They were so into it maliban kay Teyonna na nakatingin sa kanya. Sumulyap siya kay Amelie. Wala siyang pakialam kung ano ang magiging reaksiyon doon ni Teyonna. Tutal naman ay alam na rin talaga nito na kanina pa niya tinitingnan ang dalaga. She was smiling. And again, si Angie muli ang tingin niya rito.
From now on, everytime he would look into in her eyes, he would be reminded of Angie.
He could feel the strange tightening inside his chest. It was violent. Nagpasya siya na umalis na ng hindi nagpapaalam. Siguradong hindi siya mapapansin ng mga kasama. Subalit malayo-layo na siya ng madama niya na may sumusunod sa kanya. Hindi siya lumingon upang tingnan kung sino iyon. Hindi mahirap hulaan na si Teyonna iyon.
At ng sumabay na ito sa paglakad niya'y nakatiyak nga siya na si Teyonna iyon.
Subalit hindi ito nagsasalita. Na labis niyang naipagpasalamat. He just wanted to go away. To go somewhere quiet and peaceful. He longed for the peace he was feeling before he saw Angie––or Amelie.
Malapit na sila sa may daan patungo sa piggery ng magsalita si Teyonna.
"Kung nagagawa mo pa rin na tumingin sa ibang babae ay hindi mo dapat niyayang magpakasal si Eloisa. Unfair sa kanya at sa iyo na rin."
He felt anger rising from his very core. Because she was damn right. Pero sigurado naman talaga siya sa sarili na gusto niyang pakasalan si Eloisa. Sigurado siya. And Tey has no right to speak to him this way. Hindi nito alam kung bakit nagkakaganito sa kanya. Wala itong alam sa nakaraan nila ni Angie kaya ganito na lamang ang tingin niya kay Amelie.
"And may I remind you, Yanno?" dagdag pa ni Tey ng tumigil ito sa daan patungo sa piggery. "We can't afford another scandal. Maysado ng malaki ang galit ni Lolo Jeronimo para dagdagan pa natin."
Habang tinatalunton ni Tey ang daan patungo sa pigerry ay nagpatuloy naman si Yanno sa paglakad pauwi sa kanyang bahay.
Ang ibig sabihin ni Tey ay ang mga desisyong ginagawa nilang magpipinsan mula pa noong mag-asawa si Raya ng biglaan sa batang edad na dalawampu at isa. Hindi dumalo ang elders sa traditional na piging ng pag-aalay. At dahil din doon ay wala na ang pagbibigay galang sa elders na sa tuwina ay ikatlong bahagi ng seremonya.
And thought the elders, most especially their Jeronimo de Gala doesn't approve of Micah, dumalo pa rin ito sa pagbibigay galang para sa mga elders. Because the eldest de Gala believed that Achaeus knows what he was doing. Kahit siya ay sang-ayon din doon. Kung mayroon mang pinaka-sensible sa kanilang angkan ay si Achaeus iyon.
Wala pa itong nagiging desisyon na hindi maganda ang kinalabasan.
Subalit pagkatapos ng kasal ni Achaeus ay iyon na rin ang pagtatapos ng pagdalo ng elders sa mga piging.
They attended Brien's wedding although they were all aware that their Lolo Jeronimo doesn't approve of Jaquelyn as well. Pero hindi lamang dahil kay Jaquelyn kaya't hindi na dumalo pa ang elders sa pagbibigay galang na ikatlong seremonya. Iyon ay dahil kay Brien. Simula ng magkaanak ito ng wala sa panahon at kumuha ng medisina ay naging malamig na rito ang kanilang pinakamatandang lolo.
Subalit hindi lamang kay Brien. Maging si Migo ay isa ring failure para sa kanilang Lolo Jeronimo sa kabila ng mga achievements nito. Having a failed marriage made it all. And then there's Dash. Malaking kahihiyan sa kanilang pamilya ang naging dulot ng eskandalo nito noon pa mismong ikawalumpung taong kaarawan ng kanilang lolo ilang buwan na ang nakararaan. Simula noon ay hindi na rin kinausap ng matanda si Dashiell. Gayunpaman ay patuloy pa rin ang transaksiyon ng rancho ng una at ng canning business ng kanilang pamilya.
At magandang senyales naman siguro iyon na hindi pa tuluyang nagsasara ng pinto ang kanilang lolo.
But there's there's another scandal just last month. Ikakasal na dapat si CJ sa anak ng isang businessman. And what did happen? Bigla itong nagpalit ng groom. Ang ipinalit nito ay si Sev Divero, kaibigan ng asawa ni Achaeus na si Micah. It was a whirlwind romance.
He was really happy for CJ. But the elders? Not really. Anupaman ang dahilan ng mga ginawang aksiyon ni CJ sa nakalipas na buwan ay isa pa rin iyong eskandalo at hindi maganda para sa reputasyon ng kanilang pamilya.
So far ay wala pa siyang nagagawa para i-displeased ang mga elders. At hangga't maari ay hindi niya gusto na makagawa ng ikagagalit ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...