KAPWA nakaupo sa may upper deck sila Angie at Yanno. Magkadikit ang mga braso nila habang kapwa sila nakasandal. They're watching the sun set in an exclusive cruise. Sila lamang kasing dalawa ang naroon maliban sa navigator ng yate na solong inupahan ni Yanno.
"You know what I want the most other than seeing the sunset?"
Bahagya ikiniling ni Yanno ang ulo sa direksiyon ni Angie ng magsalita ito. Dahil doon ay halos nakadikit na ang ilong niya sa buhok nito. He closed his eyes. Her hair smelled like fresh flowers. "What?"
"Seeing the fireflies turn into extraordinary creatures as they illuminate the mangroves."
Niyuko niya si Angie. He wanted to see her face. "Gusto ko ring makita."
Umangat ang mukha ni Angie. Their eyes met. "You will."
He caught his breath. Kung ibababa niya ang mukha ay maglalapat ng tuluyan ang mga labi nila. She looks at him with her beautiful eyes. This is pure torture. Kaya naman si Yanno na ang naunang pumutol sa tinginan nila.
Itinutok niya ang atensyon sa unti-unting paglubog ng araw. The skies turned into mixture of dark blue. Habang lumulubog ang mga huling sinag ng araw ay nagiging kulay kahel ang malayong bahagi. Nagre-reflect ang kulay niyon sa dagat. Nanatili siyang nakatitig doon hanggang sa tuluyang mawala ang kahuli-hulihang sinag niyon.
Huminga siya ng malalim bago muling bumaling kay Angie. He was about to say something but her attention was focused on the other direction. Bumaling ito sa kanya.
"Halika, makikita mo na ang sinasabi ko sa iyo," hinawakan siya nito sa kamay at hinilang papunta sa gilid ng deck.
Gusto niyang itutok ang paningin sa direksiyon ng mga mangroves na itinuturo nito subalit naaagaw talaga ng magandang mukha ni Angie ang kanyang atensiyon. And she's still holding his hand. He could get used to it.
Pinuwersa niya ang sariling ibalik ang tingin sa mga puno. Malayo ng bahagya ang kinalalagyan ng yatch ngunit sapat upang matanaw pa rin ang mga mangroves. The trees have certain appeal that no other tree could posses.
They waited until the fireflies raised one after the other. Hanggang sa tuluyang dumilim ang paligid kung saan naroon ang mga puno. Ang mga alitaptap na lamang ang nagsilbing liwanag. Tila nagkaroon ng panibagong anyo ang mga puno. Such an extravagant sight.
Nangingiting bumaling siya kay Angie. Her eyes were dancing with amazement. Halos maari na niyang panoorin sa mga mata nito ang nangyayari sa mga mangroves.
He's subsiding in those beautiful eyes of hers. He clasped their hands tightly. Napalingon ito sa kanya dahil doon. Mula sa mga mata nito ay bumaba ang mga mata niya sa labi nito. Atubiling ibinalik niya ang tingin sa mga mata nito. Surprisingly, her eyes were on his lips as well. His breathing became ragged.
Unti-unting bumaba ang mukha niya palapit dito. Wala itong naging reaksiyon ng pagtutol. Tumigil siya ilang dali mula sa mga labi nito. He remembered what she said.
"May I kiss you?" bulong ni Yanno sa mga labi ni Angie.
Her eyes became hazy. "Wrong question."
Sa kabila ng nararamdaman ay napangiti siya. "Yeah, let me rephrase it. May I have your first kiss, Angie?"
She closed her eyes while nodding. He gently pulled her closer to him. His other hand slid on her nape and the other on her slender waist. His insides were rummaging with anticipation as he touches his lips to hers. It was pure bliss. Knowing this is her very first kiss bought him to an incredible height of passion.
Marahang gumalaw ang kanyang labi. He deepened the kiss as he slowly coaxed her bottom lip. He pulled her much closer. Her hands clutching his shoulder blades. Marahan niyang inilayo ang mukha rito. She opened her eyes. He couldn't get enough of those eyes and her sweet lips.
Bumabang muli ang mukha niya. This time, his lips landed on her temple. Gumapang ang mga labi niya patungo sa ilong nito at sa mata. He settled his lips on her cheek slowly kissing her.
"Yanno..."
His senses went wild. "Say my name again."
"Yanno," her breath fanning on his ears.
He cupped her face and claimed her lips once more.
AN: Due to two days of not updating, I'll post another chapter later today. Love you, guys! 😊
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...