"I'M SO excited."
Nangingiting tumingin si Yanno sa kanyang fiancée na si Eloisa habang kapwa nila inaalis ang kani-kanilang seatbelts.
"Yeah, me too."
Naroon sila ngayon sa isang kilalang boutique sa Makati para sa fitting ng wedding gown ni Eloisa. Pagkagaling sa office ng Figuerroa Realty ay nagpaalam siya sa kanyang uncle upang makipagkita na sa kanyang fiancée.
After they had lunch ay tumuloy na sila sa botique. Pagpasok sa loob ay sinalubong sila ng isang staff at pinaupo muna sa receiving area. Ngunit hindi pa man lamang sila nakakaupo ay may pumasok muli sa loob ng boutique. Two familiar faces.
His insides were flipping.
Not again...
It would so foolish to pretend he didn't notice them gayong sa iisang receiving area sila magsisiksikan. At mas lalong katawa-tawa kung magkukunwari siyang magbabanyo. And before he could even blink, Danny and Amelie were already looking at him.
"Mr. Figuerroa, Miss Amelie," pag-acknowledge niya sa mga ito.
"Mr. de Gala," balik ni Danny. "What a coincidence."
"Yes," he acted as pleasant as possible. "Oh... oh..." bumaling siya kay Eloisa dahil sa bahagyang pagsiko nito sa kanya. "This is my fiancée"
"Eloisa Garcia," mabilis na salo nito na inilahad ang palad kay Danny na tinanggap naman ito.
"Danny Figuerroa, a business associate."
"A pleasure to meet you, Mr. Figuerroa," malugod na wika ni Eloisa bago kay Amelie naman inilahad ang palad.
"Amelie Reyes," pakilala naman ng dalaga sa sarili ng tanggapin ang pakikipagkamay ni Eloisa.
"So..." agaw ni Danny. "We're here to see if the wedding gown fits Amelie just fine," anito. "How about you guys?"
"Same as you," maagap na salo ni Eloisa.
Nang tawagin na sila ng staff ay nagpasya silang apat––or si Danny at Eloisa lamang siguro na sabay na ang dalawang babae sa pag-fit ng kanya-kanyang wedding gowns.
Habang naghihintay sa paglabas ni Eloisa mula sa fitting room ay isang bagay lamang ang nasasaisip ni Yanno. Suko na siya.
Kung ano man ay gustong mangyari ng Diyos kaya nito ipinahihintulot na mangyari ang lahat ay wala na siyang plano na pag-isipan pa iyon hanggang sa mabaliw siya. Suko na siya.
"Isn't it really a great coincidence?" turan ni Danny na pumukaw sa daloy ng isip ni Yanno. "Mas mauuna kayong ikasal sa'min ni Amelie. Ilang araw lang ang pagitan. At sa iisang venue pa. And oh, I forgot to thank you sa pagpayag mo na doon din namin ganapin ang aming kasal."
"No big deal," pakibit-balikat na tugon niya.
Eksaktong ibinalik ni Yanno ang tingin sa unahan ay bumukas ang malalaking kurtina. Nakatalikod ang babaeng may suot ng wedding gown subalit tiyak niya kung sino iyon. At ng humarap na ito ay tila tumigil na sa pag-inog ang mundo ni Yanno.
It was Amelie. And she looks... she looks... he can't explain it in mere words. Ang puting wedding gown na suot nito na walang ibang ipinapakita kundi ang mga braso at leeg lamang nito ay lapat ng husto at bagay na bagay rito. Para siyang nababatubalani.
Unti-unti niyang pinakawalan ang pinipigil na paghinga. Dahil doon ay saka naman bumilis ng bumilis ang tibok ng kanyang puso hanggang sa halos sumakit na ang kanynag dibdib.
"You're so beautiful..." usal ni Danny.
Same as Yanno's thoughts. And more.
Mula noon hanggang ngayon ay ito ang pinakamagandang babae na kanyang nasilayan. Technically, iisa ang mukha nito at ni Angelika. So parang ganoon na rin.
Amelie was smiling shyly. And for a blinking moment ay tila ba nakita ni Yanno na tumingin ang dalaga sa kanya. O siguro ay guni-guni lamang niya iyon dala ng matinding kagustuhan.
Hindi niya gustong lokohin ang sarili. Sa mga sandaling ito ay walang ibang naghahari sa kanyang puso kundi ang kagustuhan na sana ay siya ang nasa kalagayan ni Danny. Sana ay siya ang nakatakdang kumuha sa mga kamay ni Amelie.
His heart was crying in agony. He can't help it.
Noon bumukas ang katabing kurtina at ang nakangiting si Eloisa naman ang naroon.
He's a real jerk. First class.
There she is, the woman he should marry. Subalit iba ang kanyang ginugusto. He fixed his gaze to Eloisa. She was wearing a mermaid-cut of dress. She looked like a dream. Humakbang siya palapit rito ng nakangiti.
"What do you think?" excited na tanong nito.
"I can't think," he said sincerely. "It fits you perfectly. You look amazing."
Ang akala ni Yanno ay ngingiti na ito subalit lumabi ito. "You don't think I'm beautiful?"
"You are. Of course, you're so beautiful." tuluyan na siyang nakalapit rito. He held out his hand to hers na tinanggap naman nito. "Let me see you." Inikot niya ito.
Umikot naman ito habang magkahawak ang kanilang mga kamay. She giggled when she finally faced him again. Kinabig nito si Yanno at hinagkan sa labi.
"Magpapalit na ako. Gusto ko ng makita ang mga singsing," excited na wika nito.
Tumango si Yanno. Hindi na rin siya makapaghintay na makaalis rito.
I CAN'T breathe.
Sa sulok ng mga mata ni Amelie ay hindi nakaligtas ang paghalik ng fiancée ni Yanno sa binata. Mas lalo siyang nahirapan sa paghinga. Gusto niyang isipin na iyon na nga ang rason kaya't naninikip ang kanyang dibdib.
But no... masikip talaga ang damit. Sa pagsusukot pa lamang niya niyon kanina ay hindi na siya halos humihinga.
"Are you alright?" may bahagyang guhit ang noo ni Danny.
"I can't breathe," tugon niya. "Medyo masikip ang damit."
"Really? Glad you had this fitted before the wedding. Nagkamali siguro sila sa pagkuha ng sukat."
Nagkibit-balikat lamang siya. "Or tumaba siguro ako..."
"That's not possible," mabilis na tugon ni Danny.
She thinks so, too. Ang masikip kasi talaga ay sa bahaging itaas lalo na sa dibdib. Hindi yata possible na nadagdagan ang bust size niya sa loob lamang ng ilang araw. Kung ito maaayos ay tiyak na namatay na siya sa suffocation bago pa man siya makarating sa altar.
Sinadya niyang tagalan ang pagbibihis. Hindi niya gusto na makita sila Yanno at ang fiancée nito sa muling paglabas niya. Abot-abot ang kanyang panalangin na sana'y wala na ang mga ito.
At dininig naman ang kanyang dalangin. Wala na ang dalawa sa kanyang paglabas.
Sinukatan lamang siyang muli para magawang i-adjust ng tama ang kanyang gown. Pagkatapos roon ay sa jewelry shop naman sila kung saan sila nagpagawa ng wedding band.
![](https://img.wattpad.com/cover/173596520-288-k639118.jpg)
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...