XXXIV

2.5K 73 0
                                    

SINALUBONG ni Angelika ng mainit na yakap ang mga magulang. Sinundo niya ang mga ito sa NAIA. She was teary-eyed ng maghiwalay sila ng mga magulang.

"You missed us?" tanong ng ina ni Angelika na si Carol Reyes.

"Yes, Mom," pagkuwa'y bumaling siya sa ama. "I like your haircut, dad," she was smiling.

Nangingiting hinaplos naman ni Frank Reyes ang buhok nito. "Thank you. And I missed you, too, anak."

She was both happy and worried. Bago magtapos ang araw na ito ay balak na rin niyang sabihin sa kanyang mga magulang ang katotohanan. Maaring hindi maganda ang kalabasan ng lahat. They might end up hating her. At tatanggapin niya iyon.

Mula sa airport ay dumiretso muna sila sa isang restaurant upang doon mag-dinner. Pagkatapos niyon ay tumuloy na sila sa hotel room na pansamantala nilang tutuluyan. That's the original plan.

Dahil bukas ay didiretso na sila sa Kanaway kasama si Danny. Iyon ay kung tuloy pa ang kasal nila. At dahil kanselado na nga ay isa pa iyon sa mga bagay na dapat niyang ipagtapat sa mga magulang.

"Hindi ba darating si Daniel ngayong gabi?" tanong ng ama ni Angelika.

Kahit minsan ay hindi pa nito tinawag ng Danny si Danny. Mas gusto nito ang buong pangalan ng lalaki. Ang mama naman niya'y hijo ang nakasanayang itawag sa lalaki.

Mula sa tabi ng bintana ay lumapit siya sa mga magulang na magkatabing nakaupo sa may gilid ng kama. She sinks to the floor and looked up to them.

Nagkatinginan ang kanyang mga magulang bago bumalik sa kanya ang paningin ng mga ito. "May problema ba, Amelie?" ang kanyang ina ang nagtanong na iyon.

Her lips started to quiver. Gayunpaman ay tinibayan niya ang loob.

"Mommy, daddy, nagkasundo po kami ni Danny na huwag na lamang ituloy ang kasal."

Ang kanyang ina ay kagyat na natutop ang bibig. Ang ama naman niya'y umawang ang mga labi.

"Amelie, anak––" napailing ang kanyang ina. Naupo din ito sa sahig at hinawakan ang kanyang mukha. "Ano ba'ng biro ito?"

"Hindi po ako nagbibiro," seryosong tugon niya.

"Pero hindi maaring basta na lamang niyo ikansela ang kasal ng hindi man lamang nagsasabi sa amin!" bahagyang mataas ang tinig ng kanyang ama. Tumigas din ang anyo nito. "Paano ang parents ni Daniel? Pumayag ba sila sa na kanselahin na lamang ng ganoon ang kasal?"

Walang ideya si Angie. Hindi na niya nagawang itanong kay Danny. Subalit wala rin siyang balak na sabihin iyon sa kanyang mga magulang.

"I'm sorry kung ganito po ang kinahinatnan ng lahat. Hindi ko nap o nasabi sa inyo ng mas maaga dahil ngayon lang namin napagdesisyunan ang lahat."

Umiling ang kanyang ina. "Kailangan niyong mag-usap muli. Hindi maaring magdesisyon kayo ng ganoon lamang."

"Tama," salo ng kanyang ama. "Kakausapin naming si Daniel. Hindi kami papayag ng mommy mo na hindi matuloy ang kasal."

"Pero nakapagdesisyon na po kami," tugon ni Amelie sa pirming tinig. Kahit siya ay nagugulat sa pagkapatag ng kanyang tinig kahit pa tila hinahalukay ang kanyang sikumura.

Mas lalong tumigas ang mukha ng kanyang ama. "Anong dahilan? Naghiwalay na ba kayo ng tuluyan?"

"Opo, naghiwalay na po kami," sinalubong niya ang paningin ng ama.

"You were happy..." naluluhang wika ng kanyang ina. "You've been together for so many years! At ilang araw na lamang ay ikakasal na kayo."

You have to tell them now, Angelika.

Sa kabila ng pagkabog ng kanyang dibdib at pangangatal ng kanyang labi ay nahanap pa rin niya ang kanyang tinig. "May ipagtatapat po ako sa inyo, mommy, daddy. And I hope... I hope you'll find it in your heart to forgive me." She blinked back the tears. Alam na niya ngayon kung paano sisimulan ang lahat.

"Four years ago, nangyari ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng pamilya natin," kapwa nagbago ang ekspresyon sa mukha ng kanyang mga magulang.

"We shouldn't be having this conversation, Amelie," anang kanyang ama. "Ang dapat nating pinag-uusapan ay ang tungkol sa inyo ni Daniel."

"Hayaan n'yo po muna sana ako na magsalita," puno ng pakiusap na tugon niya. "And if... if after everything at magagalit kayo sa akin ay tatanggapin ko." She realized she was holding her breath. Huminga siya ng malalim. "Sa pagbabakasyon namin sa palawan ng kakambal ko ay naaksidente kami. But before that, we were so happy. One of the happiest moments of my life." napapikit siya sa pagkaalala sa nakaraan. That day when Amelie told her that she was already engaged.

"My sister told me that she was engaged. Na niyaya siyang pakasal ni Danny. She showed me the ring and I was in awe. That was one of the most beautiful things I've ever seen. Kaya naman ng ipasukat niya sa'kin ay hindi ako tumanggi," she was talking very fast. Na parang kapag hindi niya binilisan ay mawawalan na siya ng chance na masabi ang lahat.

"At pagkatapos ay... may yumanig. I didn't know what happen next. Nagising na lang ako sa hospital room na wala ng paningin. Pero sa susunod na pagmulat ko ng paningin ay may nakikita na ako ulit. And you were calling me, Amelie. And Danny was there at my side. And I saw the grief in your face," naglalandas ang luha sa kanyang mga mata. "At nakatanim na sa inyong lahat na ako si Amelie at hindi si Angelika. At ng sabihin n'yo sa'kin na ibinigay ni Amelie ang kanyang paningin? That was then that I've really decided that I will be her."

Kapwa namumutla ang kanyang mga magulang. Kung hindi lamang siya tiyak na healthy ang mga ito at kapwa walang sakit sa puso ay hindi niya tiyak kung masasabi ang lahat ng ito.

"Mommy, daddy, I'm so sorry. Sorry, ako po ang naka-survive. And I'm sorry na nagawa ko kayong lokohin sa loob ng mahabang panahon..." parang dam na nabuksan ang kanyang mga luha. Hanggang sa matakpan na niya ang kanyang bibig dahil hindi niya magawang pigilan ang kanyang iyak.

Unti-unting napalis ang kabiglaanan sa mukha ng kanyang mga magulang. Ang pumalit roon ay sakit at hinagpis. Hanggang sa maluha na rin ang mga ito.

"Ikaw si Angelika?" ang kanyang ina ang naunang nagsalita. Tango lamang ang naging tugon ni Angelika. "Oh my, God! Frank..."

Ang kanyang ama na huli niyang nakita na lumuha noong mawala si Amelie ay luhaan ngayon. Kung magagawa lamang si Amelie upang mawala ang sakit na nadarama ng mga ito ay kanyang gagawin.

Nang unti-unting kumilos ang kanyang ama palapit sa kanya ay mariin siyang napapikit. Alam niya na kahit anong mangyari ay hindi siya sasaktan ng kanyang ama. Hindi lamang niya magawang salubungin ang paningin nito.

Ngunit sa halip na mga salita ay naramdaman niya ang mahigpit na pagyakap sa kanya. Napadilat siya sa labis na pagkabigla. Yakap siya ng kanyang ama.

"We're sorry, Angelika. We're so sorry..."

"Sorry we didn't ask you," ang kanyang ina naman iyon na hinahaplos ang kanyang buhok. "We're terrible parents."

Sa kabila ng pagluha ay sunod-sunod siyang umiling. "No. Never."

Pagkakataon (Kanaway Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon