HABANG sumasayaw kanina sa entablado ay tila nakita ni Angelika ang mukha ni Yanno. Ngunit hindi niya inisip na totoo ito. Naisip lamang niya na marahil ay dahil sa tindi ng kagustuhan niya na makita na ang lalaki kaya tila nakikita na niya ito.
She really do wish he would be there to witness her first dance on the stage. And it just came true.
Nag-angat siya ng paningin subalit hindi tinangkang lumayo rito. Nakaangat pa rin siya dahil sa mahigpit na pagkakayap ni Yanno. Hinaplos niya ang mukha nito. Hindi tulad ng kanyang nakasanayan, ngayon ay nakaahit ito at walang facial hair. His hair was also shorter. And his face seemed thinner.
"You're thinner," pagsasatinig niya.
"Am I?" he asked coyly. "Oh, it must be because I haven't eaten much since you left," he said dramatically. Pinalungkot pa nito ng husto ang mukha.
She grinned. "Glad to hear that. What else?"
He grinned back. His face was inching towards hers. "And I think I've watched your A Walk To Remember for like a hundred times."
"Oh," tumaas ang kanyang kilay. "I thought it was depressing?"
Umiling si Yanno. "You know what's depressing? Iyong taon na pinagdaanan ko na wala ka sa buhay ko. Iyong nakaka-survive lang ako sa pag-asa na balang-araw ay magkikita tayong muli."
Hinagod-hagod niya ang dibdib nito. She could feel his beating heart. At nasasalamin niya sa mga mata nito ang dati na niyang nababasa roon. Devotion... Longing... Love...
"How did you know I'm here?" naisip niyang itanong.
"I just have to tell you that I've been aware sa pagsali mo sa Lines Ballet. I am the happiest person alive, well, probably the happiest person next to you. At kahit malungkot ako at reluctant sa naging pag-alis mo noon ay napunan niyon ang lahat. Dahil alam ko na tama ang naging desisyon mo na umalis para magtagumpay. And I love you more for that."
Her eyes became misty. Kung posible na mas lalo pa niyang mahalin ang lalaki na ito? Iyon mismo ang mangyayari.
"And I love you more for saying that," nakangiting usal niya. A tear escaped from her eyes.
He cupped her face and gives her a short but passionate kiss on the lips. "I really, really missed you, Angie."
"Me, too," maemosyong tugon niya. Then she wiggled free from his arms. Subalit pinanatili niya ang pagkakahugpong ng kanilang mga palad. "Magpapalit ako ng damit at pagkatapos ay mamasyal tayo. You have to see the New York City."
"Hindi ako nagpunta rito para lang makita ang New York City. Kaya ako pumunta rito ay para makita ka."
Her heart burst out with warmth. Ngunit kunwa'y pinatirik niya ang mga mata. "I know, Mr. de Gala. But I insist."
He groaned. She laughed.
Matapos niyang magpalit ng tights, jeans, shirt at sweater ay lumabas na sila sa bulwagan upang tumungo sa Central Park.
Her parents are not there for her big moment. Pero ayos lamang iyon. Sa nakalipas na taon ay napakalaking bahagi ang ginampanan ng mga ito upang makabalik muli sa normal ang kanyang buhay.
Their family tried to work everything out. May mga pagkakataon na tinatawag pa rin siya ng mga ito ng Amelie. Ngunit nagawa na nilang ma-overcome iyon. Sinuportahan siya ng mga ito sa gusto niyang gawin. They always, siya at ang kanyang mga magulang. They would sit down and talk for hours.
Ang dating hindi ginagawa ng kanyang mga magulang ay sinimulan ng mga ito. Nagtatanong na ang mga ito tungkol sa kanya. Her dreams, aspirations, goals. Lahat ng iyon. Their relationship was better than ever.
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...