Chapter 02
#LostSteps02
My few weeks in college is good... so far. Especially because I am a part of the school band and I met new friends—my bandmates.
"We will be playing four songs in the competition tomorrow. So be prepared and take a rest," Sir Marlon said while nodding his head at us.
Laban na namin bukas. Buti na lang talaga may magaling at mabait kaming coach na gumagabay sa amin.
"Yes, Coach," we answered in unison.
"Sige. I need to go. Magpahinga na ah!" sabi ni Sir sa amin bago siya tuluyang umalis.
Pero nag-stay muna kami dito sa studio. Mamaya pa naman next class naming lahat, e.
"Saan nga ulit tayo magkikita bukas?" Julio, the pianist, asked. Ayan. Chat pa sa girlfriend. Hindi niya tuloy alam iyong mga sinabi ni Sir.
"Secret," Bryant answered. Tumawa naman kami dahil sa isinagot niya.
Tumawa rin si Julio. "Gago ka. Saan nga?"
"Libre mo muna ako bago ko sabihin sa iyo," lokong sagot ni Bryant. Gago rin talaga iyan, e. Akala mo sobrang naghihirap na sa buhay.
Hindi na pinansin ni Julio si Bryant at sa akin naman siya lumapit. May nalalaman pang yakap ang loko. Bakit ba ako napaliligiran ng mga gagong lalaki?
"Saan tayo bukas, Gab?" tanong niya.
"Sa caf. Bakit ba kasi hindi ka nakikinig?" sagot ko.
Nagkamot siya ng ulo saka ngumiti sa akin. "Secret din."
Napailing na lang ako. Kumuha ako ng pagkain ko sa bag na binili ko kanina pa sa caf. At syempre bilang mababait kong kabanda, binuraot nila iyong pagkain ko.
"Sana manalo tayo bukas," Louis said. Sarap na sarap sa pagkain ko ah. Akala niya siguro hindi ko napapansin na pasimple siyang kumukuha habang kinakausap niya kami.
"Kaya natin iyan!" Kent replied. "We will use our charms to win." He's wiggling his brows at us.
"Dami mong sinasabi. Basta ipanalo na lang natin," masungit na sagot ni Felix. Time of the month na naman siguro nito. Sungit, e.
"Sungit mo talaga, bro!" sagot ni Kent kaya natawa na lang ako.
Iyang si Felix kasi sobrang sungit. Daig pa babae, e.
When the bell rang, sabay-sabay kaming nag-ayos at umalis ng studio. Si Felix ang kasabay ko maglakad kasi kami iyong pareho ang building.
"Bakit ba ang sungit mo na naman?" tanong ko kay Felix nung kaming dalawa na lang ang naglalakad.
"Ang sakit ng ulo ko kay Mr. Lopez. Walang araw talaga na hindi siya nagpapa-quiz. Walang palya," pagod na pagod na sagot niya. Ramdam na ramdam ko iyong pagod sa boses niya.
I tapped his shoulder. "Ayos lang iyan. Makakaraos din tayo."
"Cancer talaga siya sa buhay ko ngayon!"
Tinawanan ko na lang si Felix. Nagrereklamo pa siya e sumusunod din naman siya sa mga pinapagawa ni Mr. Lopez.
Naghiwalay na kami ni Felix at pumunta na sa sarili naming room. Pagpasok ko naman sa room, sinalubong kaagad ako ng maingay na bibig ni Joshua. Hindi na talaga ako nagkaroon ng katahimikan dahil sa kanila.

BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #2) Lost Steps (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturGab Nikko Ignacio is an orphan living with his four cousins. A day came, in the library, a girl named Ciarra Flojo caught his attention because she's reading the favorite novel book of his mom. She caught more of Gab's attention when she uttered the...