Prologue
#LostSteps00
Spending a life with such regret sucks—my mom's favorite quote from her favorite novel book has a point. Presumably because every night I'd always dream about the most tragic day of my life and repeatedly regretting it.
But I know that having a regret wouldn't do me anything. So I made myself a promise that I will be a successful man for my family who died 13 years ago.
"What are you thinking about?" Raven asked. I looked at him and then I saw a hint of pity in his eyes. Huh. I didn't need that.
Tumitig ulit ako sa lapida ng mga kapatid at mga magulang ko. Today is their death anniversary...
"I just miss them." It's already been 13 years but I still miss all of them. Malamang. Pamilya ko sila. Kaya kahit ilang taon na ang nakalipas, ang sakit pa rin.
Raven tapped my shoulder. "Let's go," he said.
Siya iyong nag-drive pauwi sa bahay. Kung hindi ko lang naman siya sinuhulan, hindi niya ako sasamahan sa sementeryo.
Mabait naman si Raven. Mabait na medyo gago. Medyo nahawa na kasi siya sa kapatid niyang si Diego. Pero nasanay na rin ako kasi sila na iyong nakakasama ko simula nang mawala sila Mama. Nung nalaman kasi ni Tita Zel, kapatid ni Mama, na nasunog iyong tinitirhan namin dati ay siya iyong unang tumulong sa akin. Siya talaga iyong nag-asikaso ng lahat. Simula sa pagburol, sa kung saan ako titira, pati na sa properties namin.
Sila kasi talaga iyong kasama ko nung mga panahong sobrang lugmok ako sa kalungkutan at pangungulila. Sobrang laki ng tulong ng pamilya nila Raven sa akin kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila.
"Saan tayo pupunta?" I asked nang mapansin kong iba ang daan namin.
"You'll treat me, remember?"
Napailing na lang ako. "Kung 'di lang naman dahil doon hindi mo ako sasamahan," I replied.
He laughed. "Dude, no! Sasamahan naman talaga kita e kaso nauna mong sinabi na libre mo ako."
Nagpunta lang kami sa Starbucks bago dumiretso sa pag-uwi. Si Raven naman ay talagang binili niya iyong pinakamahal na kape kasi nga libre ko. Marami naman siyang pera at may mga cards pa tapos ganito. Kabwisit talaga.
Upon arriving home, dumiretso kami sa dining table para kumain na ng dinner. Nakipag-apir lang sa akin sina Diego at Sef nang makita nila ako.
"What will we do this summer?" Cassy suddenly asked while we were eating. She's the only daughter of Tita Zel, pangatlo sa apat na magkakapatid.
"I thought Japan and Korea?" Sef asked back.
"I thought ayaw mo kasi ayaw mo sa malamig?!" Diego shot back.
"I changed my mind. So, Japan and Korea?" he replied.
"Of course!" Cassy answered.
"Gab, sasama ba sila Joshua?" Raven butted in.
I shrugged. "Siguro. Kaladkarin naman 'yung mga 'yun, e."
"May isasama rin ako ha para marami tayo!" Diego said.
"Walang babae dapat ah! Iiwan ka namin kapag nagdala ka na naman ng babae mo!" Raven replied. Napailing na lang ako nang magsimula silang mag-asaran.
Wala kasi iyong parents nila dito kaya ang lalakas ng loob nilang ipakita iyong mga ugali nila. Nasa New York na naka-base sina Tita Zel at Tito Pat dahil sa business kaya kami lang at iyong mga maids ang nandito sa malaking bahay na ito.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #2) Lost Steps (COMPLETED)
Ficção GeralGab Nikko Ignacio is an orphan living with his four cousins. A day came, in the library, a girl named Ciarra Flojo caught his attention because she's reading the favorite novel book of his mom. She caught more of Gab's attention when she uttered the...