Chapter 22
Naka-lagay na sa sasakyan ko 'yung mga kagamitan ko sa school—drawing table, drawing materials, books, and such. Lahat ng mga personal kong gamit ay nasa apartment na. Naka-bili na rin ako ng appliances at ilang furnitures na nasa apartment na rin ngayon. The last thing that I took from my room was my school bag.
Today, I'm moving out of this mansion.
And for some reason, Cassy was the only one left in the house. Hindi ko alam kung nasaan sina Raven at Sef. And Diego... siguradong umalis na naman 'yun dahil ayon sa kanya, makita niya lang ako, kumukulo na agad 'yung dugo niya.
"Are you sure about this?" Cassy immediately asked when she saw me walking through the stairs. "I can talk to Diego para 'di mo na kailangang umalis."
I stopped in front of her. Nakita ko sa mga mata niya na malungkot siya sa desisyong ginawa ko. I never really thought that this day would come. But then, there's a certain adage that says: life is full of surprises. At totoo 'yun.
I sighed.
Hindi ko alam kung paano ako magpa-paliwanag sa kanya—sa kanila. Palagay ko kasi, kahit anong explanation pa ang sabihin ko, ang iisipin pa rin nila ay aalis ako dahil kay Diego.
It's just that realizations dawned upon me.
Na hindi dapat ako laging naka-asa lang sa pamilya nila. I needed to stand on my own feet. Malaki naman na ako. Kakayanin ko naman na.
"I want you to know that it does not have anything to do with Diego. It was my personal decision," I said. "I want to experience new things in my life. And this is a part of that," I continued, smiling.
"Di ka na ba talaga mapi-pigilan?" malungkot niyang tanong.
I chuckled. "Malapit lang naman dito 'yung lilipatan ko. You can visit me in my apartment. I'll send you the address later."
She quickly spread her arms wide to envelope me in a warm and tight hug. "I will miss you!" Tears are slowly forming on her eyes.
"Anyway, I'm sorry if I've caused much trouble in this house. I don't want to cause a rift on your relationship with your siblings," I sincerely apologized.
"Ano ka ba! Hindi naman, e! Mali naman kasi talaga si Kuya Diego kaya hindi namin siya ito-tolerate nina Kuya Raven at Sef."
"But still, I'm sorry," I replied. "Sige na, I gotta go." I smiled.
Sinamahan naman niya akong maglakad hanggang sa pinto. Ngunit hindi ako tuluyang naka-labas dahil dumating si Raven. Agad namang kumunot ang noo niya nang mapansin niyang naiiyak si Cassy.
"Kuya! Thank God nandito ka na! Help me to stop him. He's moving out!" bungad ni Cassy sa kanyang kapatid.
Mukha namang nalilito si Raven sa sinasabi ni Cassy. Mabilis niyang itunuon sa akin ang kanyang atensyon.
"What does she mean? Lilipat ka?" tanong niya habang nagmu-mukha nang matanda dahil sa sobrang pagka-kunot ng kanyang noo.
I scratched my nape. "Yeah."
"Kailan?"
"Ngayon na, Kuya! He was all set and ready to go!" Cassy intruded.
"Bakit ang bilis naman yata?" asked Raven. "Nung Monday lang kayo nag-away ni Diego, ah. And today is Saturday... naka-hanap ka na agad ng lilipatan?"
![](https://img.wattpad.com/cover/150062016-288-k773384.jpg)
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #2) Lost Steps (COMPLETED)
Fiction généraleGab Nikko Ignacio is an orphan living with his four cousins. A day came, in the library, a girl named Ciarra Flojo caught his attention because she's reading the favorite novel book of his mom. She caught more of Gab's attention when she uttered the...