Chapter 13

36 5 0
                                    

Chapter 13

So, the audition day came, me and my bandmates are present in the audition room because Sir Marlon told us to be there.

Currently, nagpapa-audition para sa mga female singers. Kami naman ay nakaupo lang sa gilid habang pinapakinggan ang bawat kumakanta. Nang matapos naman ang pangatlong nag-audition, nagsimula nang magbulungan sila Bryant.

"Hidden talent niya raw 'yung pagkanta, 'no?" Louis whispered to us.

"Alam mo dapat nakatago lang iyon," sagot ni Bryant, dahilan ng pagtatawanan nilang apat, kasama na si Felix. Napagalitan tuloy kami ni Sir Marlon.

"Hay. If only I could wash my ears..." said Felix. Isa pa 'to.

"Ang basher niyo masyado!" singhal ko sa kanila. Napansin ko rin naman na medyo wala sa tono iyong huling kumanta kanina pero hindi ko naman nilait. 'Di tulad nila.

"Hoy hindi! Mga critic kami!" Louis defended, kaya nagtawanan ulit sila.

"Critic amputa," sagot ko naman na dahilan ng pag-hagalpak nila sa tawa.

"Tama na nga. Baka mapagalitan ulit tayo ni coach..." sabi ni Felix nang natigil na sa pagtawa.

Nang matapos na ang audition para sa female singers, mga acoustic guitar players naman ang sumunod.

"Um, my name is Javier Acosta, a third year Mass Communication student..."

"Ohhh, cool name!" bulong ni Kent sa gilid ko.

"Proceed," Sir Marlon replied.

Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang malaman ko na iyong lalaking ito at iyong lalaki sa church... ay iisa. And what shocked me the most is that Cia was just outside of this room. Nakatayo siya habang nakasilip sa glass door.

"Good luck!" she mouthed. Ang laki pa ng ngiti niya habang pumapalakpak. Nahagip naman ng mga mata ko na tumango sa kanya si Javier.

Wow. She came here to support her... friend. Sana all.

Hindi ko na pinatapos ang audition at nagdesisyon na akong umalis. Sa likod na pinto ako dumaan para hindi ako makita ni Cia. Habang naglalakad ay naiisip ko si Javier at si Cia. Hindi ko tuloy mapigilan ang mainis.

Pupunta na lang ako sa caf. Kakain na lang ako ng sisig. Para kahit papaano ay mabawasan ang inis ko.

Kung kelan naman gusto kong mapag-isa, saka ko nakita ang aking mga pinsan na maingay na nagtatawanan sa kanilang table.

"Gab!" sigaw ni Cassy habang winawagayway ang kanyang kamay upang lumapit ako sa kanila.

"Mag-order muna ako," paalam ko at agad na umalis upang pumunta sa counter. Pagbalik ko naman ay nagtatawanan pa rin sila, pero ngayon ay nandito na rin sa table namin sina Joshua at Chris.

"Uy, nasaan ka ba kanina? 'Di kita nakikita," tanong sa akin ni Joshua.

"Nasa studio. May auditions ngayon, e..."

"Ah, okay..."

"By the way, I heard that you're having a yacht party on your birthday?" Chris asked Cassy.

"Ay, oo nga pala. Magbi-birthday ka na nga pala, 'no?" lutang kong sambit. At hindi ko alam na may yacht party palang magaganap! Samantalang nasa iisang bahay lang kami nakatira! Hindi ako informed!

Inirapan lang ako ni Cassy. "Ang bilis namang kumalat ng balita! Matagal pa naman iyon!"

"Cassy 'yan, e!" sigaw ni Joshua kaya nginitian siya ng aking pinsan.

(S.P.U. Series #2) Lost Steps (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon