Chapter 19
"Sigurado ka ba talaga na okay ka?" nag-aalalang tanong ni Felix sa akin. Pagod naman akong tumango. Pang-limang beses na yata niyang naitanong sa akin 'yan.
"Bakit ka umiiyak kanina?" tanong naman ni Louis sa isang malumanay na paraan.
"I just remembered something from my past," I answered.
He nodded his head. "I see. Pero naka-tulala ka lang sa apoy kanina habang umiiyak ka. Does it triggered you to remember something?"
Ang dami naman niyang tanong. Gusto ko na lang talagang mag-pahinga sa ngayon.
Ah, oo nga pala. Nursing student nga pala siya.
"Yes. But I'm fine now. Thanks for the concern..." I smiled. "I'm gonna take a rest," I continued. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko. Ngumiti muna ako sa kanilang lahat bago sila tinalikuran at naglakad papunta sa kwarto namin nila Felix.
Habang naglalakad ay suma-salubong sa akin ang malamig na hangin. Naalala ko tuloy iyong nangyari sa akin kanina.
It was a terrible breakdown right there.
This is why every time I'm on an island vacation with my cousins, we never really made a bonfire. Never. Because they knew that in just a mere sight of a fire could trigger thousands of memories in me.
I know I should've told my bandmates that a bonfire is just not good for me.
But I didn't want to ruin their night.
At ang akala ko kasi... wala na. Akala ko kapag naka-kita ulit ako ng apoy, hindi na sasagi sa isipan ko ang pangyayaring iyon. Pero mali pala.
And I don't want to blame anyone... or even myself. All I really want right now is to rest and to have a good night sleep.
On our next and last day, island hopping at pag-sakay sa banana boat lang ang ginawa namin. Iyon na lang kasi 'yung kaya namin dahil uuwi na rin kami mamayang ala-una ng hapon. Isang oras kasi iyong byahe namin sa bangka kapag papunta sa bayan tapos mahigit tatlong oras naman iyong byahe papunta sa Metro Manila.
"Kumusta ka na?" tanong sa akin ni Louis nang naka-sakay na kami sa bangka.
I smiled at him. "Okay na ako ngayon. Sorry pala kasi na-istorbo ko pa kayo kagabi."
"It's okay." He smiled back.
"I'm really worried about you last night, although hindi ko alam kung bakit ka umiiyak. Pero alam mo... first time kong makita na umiiyak ka," bulong naman sa akin ni Felix. Natawa na lang ako sa kanya.
May magandang dulot pala kay Felix iyong isla. Hindi kasi siya masungit sa amin ngayon, e.
Tinapik naman niya ang balikat ko. "Pero okay lang na umiyak ka. Huwag mong isipin 'yung sinasabi ng karamihan na kapag ang lalaki umiyak, bading. Tangina lang talaga ng mindset nila," dire-diretso niyang sinabi.
I let out a chuckle. "Ang daldal mo, ah."
"Saka na lang ulit kita susungitan kapag stressed na ulit ako sa acads."
"You're crazy." I shook my head.
Pinili kong matulog habang nasa biyahe. A smooth ride featuring a good music make it quite perfect. Nang na-alimpungatan naman ako ay nasa byahe pa rin kami. Agad kong tinignan iyong phone ko at nakita kong meron na akong signal. Nawala na 'yung antok ko kaya naisipan ko na i-text na lang si Cia.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #2) Lost Steps (COMPLETED)
Ficción GeneralGab Nikko Ignacio is an orphan living with his four cousins. A day came, in the library, a girl named Ciarra Flojo caught his attention because she's reading the favorite novel book of his mom. She caught more of Gab's attention when she uttered the...