Chapter 03
#LostSteps03
"I love that kind of flaw. It's beautiful for me..." she whispered while intensely staring at me.
I stared back at her. We're both staring at each other and then after a minute she quickly turned her head into the other side. Nakita ko kung paanong namula ang buong mukha niya pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin.
I just chuckled when she remained silent until we reached our school.
Nang huminto na ang bus ay nagmamadaling tumayo si Ciarra sa kinauupuan niya.
"Um, excuse me," she said, not even looking at me.
Siya kasi iyong nakaupo sa tabi ng bintana kaya kailangan ko munang umalis sa upuan ko para makaalis na rin siya.
I stood up my chair slowly. Natatawa kasi ako sa kanya pero sa isip ko lang. Ayokong ipakita sa kanya na tinatawanan ko siya kasi baka ano pa ang gawin sa akin nito.
"Ayos ba, bro?" tanong ni Joshua sa akin nang makalapit ako sa kanila.
Agad kong tinanggal ang ngiti sa mukha ko at sinamaan siya ng tingin. "Ewan ko sa iyo," I replied. Inunahan ko na siyang bumaba sa bus.
Hindi ko alam kung bakit masyado silang persistent na asarin kaming dalawa ni Ciarra sa isa't isa. Ganoon na yata ka-boring ang buhay nila kaya kami ang pinagdidiskitahan.
Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa caf. Kakain na lang muna kami doon bago kami umuwi. May gig pa raw kasi kami mamayang gabi kaya pinapauwi na kaagad kami.
Humiwalay sa amin sila Felix dahil may iba silang pupuntahan kaya sila Raven na lang ang kasama ko.
"Why are you silent?" I asked her.
Kami na naman kasi ang magkatabi habang naglalakad. Syempre si Joshua na naman ang may pakana nito. Daming alam nun sa buhay, e.
Agad kumunot ang noo ko nang biglang sinamaan ako ng tingin ni Ciarra. "Don't talk to me. I'm shy!" she said and then she wrinkled her nose. That made me chuckle.
Oh, god! She's too cute to handle! Sobrang tempted akong kurutin ang ilong niya kaso baka hindi na talaga ako kausapin nito.
"Bakit ka naman nahihiya?" I asked although I can already sense kung gaano siya nahihiya sa akin. I just want to keep our conversation going.
"Bakit ba kasi ikaw palagi iyong nakakasama ko? Doon na nga lang ako kay Cassy!" sagot niya sa akin habang namumula na naman ang kanyang mukha. Mabilis din niya akong iniwan at lumapit kaagad siya kay Cassy.
Naiwan akong mag-isang naglalakad sa likod hanggang sa nakarating kami sa caf.
"Oh, aalis na kayo?" Diego asked Cassy.
"Um, yup. Biglang nag-text iyong leader namin sa thesis, kailangan daw kami ngayon for some revisions," Cassy replied.
Nagmamadali naman silang umalis pagkatapos nun. Sayang naman. Gusto ko pa sanang asarin si Ciarra, e.
Pagkaalis na pagkaalis pa lang nila Cassy ay naramdaman ko namang hinihimas ni Joshua ang balikat ko.
"Umalis na iyong love of my life mo. It's okay, bro. Magkikita pa naman kayo bukas," Joshua said to me seriously.
Okay? Parang tanga lang.
"Bakit ka pa ba nandito? Nasaan na ba kasi iyong crush mo? Doon ka na nga lang!" sagot ko sa kanya kasi paulit ulit na talaga siyang ganyan sa akin.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #2) Lost Steps (COMPLETED)
General FictionGab Nikko Ignacio is an orphan living with his four cousins. A day came, in the library, a girl named Ciarra Flojo caught his attention because she's reading the favorite novel book of his mom. She caught more of Gab's attention when she uttered the...