Chapter 14
On the weekend, I found time to go to a cemetery and visit my family's tomb. I failed to visit them on their death anniversary this year because I was busy as hell that time. Tumapat kasi sa finals week ng last semester iyong death anniversary nila kaya naman hindi ako nakapunta. Kung hindi naman ako busy at walang ginagawa ay bumibisita naman ako rito, gaya ngayong araw.
Pinagpag ko muna ang puntod ni Mama saka ko inilapag ang isang basket ng bulaklak. Tapos ko na ring lagyan ng mga bulaklak ang mga puntod ng aking ama at mga kapatid. Naupo ako sa damuhan habang nakatitig doon.
"Hi, Ma..." panimula ko. "Alam mo ba? In love na ako sa isang babae..."
Bigla namang umihip ang hangin kaya napangiti ako. Ngunit agad ding napawi iyon.
"Kaso naduduwag ako, Ma. First time ko kasi..." Napakamot ako sa aking batok dahil sa sinabi.
Ilalabas ko na lang ngayon lahat ng nararamdaman ko. Para gumaan ang kalooban ko.
"Sana nandito ka, Ma. Para merong magbibigay sa akin ng lakas ng loob..."
Huminga ako ng malalim nang sumagi na naman sa isipan ko iyong nangyari sa nakaraan.
"Miss na miss ko na po kayo..." Pinahid ko naman ang konting luha na pumatak sa aking pisngi. "Basta, Ma, tutuparin ko iyong pangako ko sa inyo na magiging successful akong tao."
Nanatili lamang ako doon ng mahigit isa't kalahating oras.
Nakakagaan ng loob.
Sometimes, all you really need is silence... To have a peace of mind.
"Mahal ko kayong lahat... Babalik ulit ako dito sa susunod." Ngumiti ako habang hinahaplos ang kanilang mga puntod.
Nagdesisyon na akong umalis dahil tirik na tirik na ang araw. Pinapasadahan ko ng tingin ang kapaligiran habang naglalakad ako papunta sa sasakyan.
Mayroong mga tao sa ibang dako nitong sementeryo. Inililibot ko ang aking paningin sa kabila pang panig nang may mahagip ang aking mga mata na pamilyar na tao.
Pumikit pa ako para masiguro na hindi ako namamalik mata.
Naisipan kong kuhanan sila ng picture para may maipapakita ako kay Cassy kapag nagtanong ako sa kanya mamaya.
Searching for Cassy was the first thing I did when I arrived home. Good thing she's just hanging around in the kitchen while eating some sweets.
"Cass," I called her. Itinaas lang niya ang kanang kilay, nanatiling nasa phone ang kanyang paningin.
"What?" she lazily replied.
"I have a question."
"Ano?" tamad na tamad niyang tanong.
"Since when did you became friends with Cia?"
She looked at me maliciously while having a crease on her forehead. "Since senior high school. Why do you ask?"
Tumango ako sa isinagot niya. "Ah, so, na-meet mo na iyong parents niya?"
Bahagyang lumiwanag ang kanyang mukha at saka ngumiti na parang kinikilig. "Magpapakilala ka na sa parents niya as manliligaw ni Cia?" patili niyang tanong.
Napa-buntong hininga na lang ako. Masyadong advance mag-isip itong si Cassy. Sakit sa ulo.
"Baliw, hindi!"
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #2) Lost Steps (COMPLETED)
General FictionGab Nikko Ignacio is an orphan living with his four cousins. A day came, in the library, a girl named Ciarra Flojo caught his attention because she's reading the favorite novel book of his mom. She caught more of Gab's attention when she uttered the...