Chapter 08
#LostSteps08
"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo... Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo..." The crowd was singing along with the band IV Of Spades.
"Grabe sobrang galing nilang tatlo!" Cia shouted in the middle of the song, her voice sounded as if she was about to cry.
"Ang cool pa ng outfits nila! Ang unique!" I replied.
Maybe, there was something wrong with what I've said because I saw how she pout her lips. Ang attractive lang talaga nung lips niya!
"Sayang, wala na si Unique sa IVOS. 'Di ko tuloy siya makikita ngayon... Sana makita ko siya!" she wished out of nowhere.
"Yung sana mo na iyan, sana ko na din. Sana makita mo na si Unique..." I looked at her. And she's also looking at me. I smiled.
"Um, tungkol nga pala sa sinabi ko kanina. That's only for our friendship. Walang malisya 'yun, okay?"
Unti unting kumunot ang noo ko. "Ano ba 'yung sinabi mo sa akin kanina?" I asked. Wala naman kasi akong natatandaang may sinabi siyang posible kong lagyan ng malisya.
"Hala. Hindi mo ba narinig? Buti na lang talaga!"
"Ano ba kasi 'yun?" I asked, curious.
She shook her head. "Wala!" She even let out a quick laugh.
"Hindi ka naman mageexplain kung wala lang 'yung sinabi mo..." sagot ko habang pinanliliitan siya ng mata. "Ano nga kasi 'yun? Sabihin mo na!"
"Ugh, kulit mo!" she said, almost stomping her feet like a kid.
"Weird mo!"
"Wala nga kasi! Promise! Just forget it and then we're good!"
Okay. Pero hindi ako naniniwalang wala lang iyon! Hindi ko talaga maiwasang ma-curious kung ano ba talaga iyon! So in the end, nanahimik na lang ako at hindi ko siya kinausap buong rakrakan. Para naman makonsensya siya noh! Tapos sasabihin niya na sa akin.
Pagkatapos ng rakrakan ay may pinuntahan kaming restaurant para kumain ng dinner. While walking towards the entrance door of the resto, I felt someone poking my side.
"Hey, are you mad at me?" Cia asked. I remained silent. Konting acting pa para makonsensya siya lalo. "Huy, sorry na! Pansinin mo na ako— oh my god!"
Tila nakalimutan niyang kausap niya ako dahil mabilis niyang nilapitan 'yung lalaking gustong gusto niyang makita. Si Unique Salonga. Tignan mo nga naman, oh. Kanina ang nakita niya personally ay 'yung IVOS. Tapos ngayon naman ay 'yung former vocalist nila. I guess, today is her lucky day.
Pinapanood ko siya habang magkausap sila ni Unique. Ilang saglit lang ay naglabas na ng camera si Cia at nag-picture silang dalawa. Habang ako naman ay dumiretso na sa table na para sa amin.
"Bakit ang tahimik mo?" tanong sa akin ni Joshua pagkaupo ko pa lang.
Bakit nga ba nakalimutan kong parang babae sa sobrang daldal itong si Joshua?! Bakit ba sa kanya ko pa naisipang tumabi?!
"Tahimik naman talaga ako ah."
"But not as the usual. Sumobra naman yata pagiging tahimik mo ngayon. Anong meron? Selos ka dun?" He discreetly pointed Unique using his lips.
"Baliw ka ba? Bakit ako magseselos?"
"Aba malay ko sa iyo!"
"Saan ba nanggagaling iyan?" Huh. Bakit naman ako magseselos? Hindi ako ganoon kababaw, noh.
![](https://img.wattpad.com/cover/150062016-288-k773384.jpg)
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #2) Lost Steps (COMPLETED)
Ficción GeneralGab Nikko Ignacio is an orphan living with his four cousins. A day came, in the library, a girl named Ciarra Flojo caught his attention because she's reading the favorite novel book of his mom. She caught more of Gab's attention when she uttered the...