Chapter 06

49 6 0
                                    

Chapter 06

#LostSteps06

"Bakit naman kasi pinatulan mo pa iyong hayop na iyon, e! Ayan tuloy nagkasugat iyong mukha mo," sabi ni Cia habang nililinis ang mga sugat ko.

"Oo na, mali ako. Dapat hindi ko na 'yun pinatulan kasi lasing siya. Sorry na po, ma'am," sagot ko. "Aray naman!"

Bigla ba naman kasing idiin iyong bulak sa sugat ko kaya ang sakit tuloy.

"Ginusto mo iyan, e!"

"Grabe, you're making this really hurt."

Mukhang nakonsensya naman siya sa sinabi ko.

"But thanks kanina, ah? I don't know what will I do to get away with that guy kung hindi ka dumating..."

"Ano ba kasing ginagawa mo sa labas kanina nang mag-isa?"

Naglakad muna siya palayo sa akin para itapon iyong mga bulak na ginamit niya sa paglinis ng sugat ko.

"Nawawala daw kasi iyong keyfob ni Cassy so I went outside to check kung dala ba talaga niya iyong car niya."

Napatingin kaming pareho kay Cassy na mahimbing na natutulog sa backseat.

I tried to stop myself from laughing. "Ah, ganon ba," I replied.

Umarko naman bigla iyong kilay niya. "Bakit ka natatawa?"

"Nakalimutan niya kasing inihatid ko siya papunta dito kanina..." And then I burst out laughing.

"Alam mo minsan hindi ko na lang talaga alam iyong gagawin ko," sagot niya habang naiiling.

**********

"Sobrang sakit na ng ulo ko. Tangina," sabi ni Joshua pagkalabas na pagkalabas pa lang namin sa room.

"Gago, muntik ka nang marinig nung mga proctors," sagot ni Chris sa kanya habang natatawa.

"Pake ko sa kanila. Mas inaalala ko iyong braincells kong paubos na."

"Konti lang naman iyong ganoon mo. Hindi naman kawalan kung maubusan ka."

Joshua quickly raised his middle finger. Finals kasi ngayon kaya patayan talaga sa pagsasagot ng exam. Isang subject na lang naman iyong sasagutan namin mamaya.

"Legit ba iyong uuwi dito si Andrei?" I asked habang naglalakad kami papuntang caf.

"Yup. Actually, susunduin natin siya mamaya," Joshua replied.

"Talaga? E paano si Nariah? Diba umaasa pa rin iyon kay Andrei?"

"I don't know with Andrei. And besides, that was his shits so just leave it alone with him."

All of us halted when we saw Nariah. She's just a few meters away from us. Meron siyang kausap na lalaki tapos mukhang nag-aasaran silang dalawa.

"Sino 'yun?" I asked Chris since lagi naman niyang kasama iyong squad ni Nariah.

"Callian, her friend," Chris answered.

"Just a friend?"

"Yeah. Don't put colors on it. At saka wala naman sigurong masama kung magkaroon siya ng boyfriend, diba? After what Andrei did to her? She deserves to be genuinely happy..."

Pinanliitan naman siya ng mata ni Joshua. "Sinabi mo sa kanya na uuwi si Andrei? Iyong bro codes, ah..."

"Hindi ko sinabi kahit na may karapatan siyang malaman iyon. Kung nakakasama at nakikita mo lang kung paano siya nasasaktan dahil kay Andrei, sure ako na makokonsensya ka rin sa kagaguhan ni Andrei. Nariah doesn't deserve to be left alone without any explanation from him," sagot ni Chris.

(S.P.U. Series #2) Lost Steps (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon