Chapter 25

42 3 0
                                    

Chapter 25

"So... what's your plan now? You'll find a new part-time job?" asked Cia.

I sighed. Earlier in the morning, Cia was outside of my apartment. Hindi ko alam kung paano niya nalaman 'yung tungkol sa band.

Tumalon si Turbo at saka umupo sa hita ko. I massaged his head and he seemed to like it. Buti na lang dinala ni Cia 'yung aso niya... nakaka-wala ng stress 'yung cuteness niya.

"San ba magandang mag-apply as part-timer?" I asked back.

"Meron akong classmates na part-timer sa isang fast food restaurant. Kaso 'di ko alam kung magkano 'yung kita nila dun," she replied. "Kelan mo ba balak mag-hanap?"

"Tomorrow... siguro," I replied.

"Okay then. Samahan kita?"

"May quiz kayo, 'di ba?" I reminded her because she probably forgot about it.

She chuckled. "Right." Natigil kami sa pagku-kwentuhan nang biglang may kumatok sa pinto. "Are you expecting someone other than me?" she asked, I creased my forehead.

"Wala," I answered. "Baka 'yung kapit-bahay lang." I shrugged as I stood up and walked towards the door.

Upon opening it, I saw the landlady smiling uneasily at me. "Magandang tanghali, hijo!" bati niya sa akin.

Ngumiti ako pabalik. "Magandang tanghali rin po! Tuloy po kayo." Iminuwestra ko sa kanya ang loob ng apartment saka siya tuluyang pumasok. "Ano pong sadya niyo?" I politely asked.

Naupo naman siya sa sofa bago ngumiting muli sa akin. "I'm here to inform you that I am not anymore the landlord of this building."

"P-Po?" gulat kong tanong. For some unknown reason, I can't completely comprehend what she said. Si Cia naman ay gulat din tulad ko.

"Hijo, ibinenta ko na ang lupang kinatatayuan ng building na ito. And according to the new owner, gigibain na ito at tatayuan niya ng mansion. At saka, sa isang araw niya na raw ito ite-takeover kaya mabuti sana kung makaka-hanap ka na agad ng malilipatan. Pasensya ka na sa abala, ha," paliwanag niya.

Saglit kong hinilot ang aking sentido. I feel like I'd be sick again because of such headaches. Huminga ako ng malalim. "That's fine, Ma'am. I had fun staying in here."

"Pasensya ka na talaga, ha." She stood up the sofa. "Maiwan ko na kayo at mukhang may ginagawa kayong dalawa." Ngumiti siya ulit bago lumabas ng aking apartment.

Nanghihina naman akong napa-upo. What now? Bakit naman ganon?

Naramdaman ko 'yung pag-tapik ni Cia sa balikat ko. "Ayos ka lang?"

I took a deep breath. "Yeah... I guess I have to pack my things again."

Tumahol si Turbo kaya napa-tingin kami ni Cia sa kanya. Naka-ngiti siya sa amin habang gumagalaw galaw 'yung buntot niya. And just by seeing him doing that, I found comfort. Unti unting kumalma 'yung pag-iisip ko pagkatapos kong makita 'yung naka-smile na Turbo.

"Tulungan na kita. Bakit naman kasi ngayon ka lang nasabihan? Konti lang tuloy 'yung oras mong maka-hanap ng bagong lilipatan," malungkot niyang sinabi. Huminga na naman ako ng malalim. Nakaka-stress naman.

So imbes na makapag-pahinga ako ng maayos habang nandito si Cia, we ended up packing my things. Buti na lang din pala 'di pa ako natutuloy sa pamimili nung bagong appliances. Konti lang 'yung gamit na kailangan naming i-pack.

(S.P.U. Series #2) Lost Steps (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon