Chapter 17

45 5 0
                                    

Chapter 17

"You sure you wanna come with me?" I asked her.

Cia quickly nodded as she said, "Yeah. I'll behave!"

A hell week had passed and we're back to sticking together like we used to do before. Magkasama na ulit kami palagi. Gaya dati.

And I'm just so happy that I was brave enough to confess to her.

Because if not, paniguradong hindi pa rin ako nakaka-tulog sa gabi kaka-isip kung gusto rin ba ako ni Cia.

"I know. But you will just get annoyed with some of my bandmates... especially Bryant."

"It's okay. I can handle."

"You sure?"

"Yeah. I wanna be friends with them."

Nandito pa rin kami sa stall ng siomai rice habang nagtatalo kung dapat ko ba siyang isama sa practice namin sa studio. Problema ko kasi sila Bryant. Baka ma-bwisit lang siya sa mga 'yun.

Baka magpa-rinig lang nang magpa-rinig 'yun kapag nandoon si Cia. Bitter pa naman 'yun. Palibhasa walang jowa.

Actually kaya pinipilit talaga ni Cia na sumama dito ay dahil gusto daw niyang magkaroon ng mga kaibigan na mahilig sa music.

She's really friendly... kaso mahiyain.

I let out a deep sigh before I said, "Fine. Let's go."

Hinawakan ko na 'yung kamay niya bago kami sabay na naglakad papunta sa studio. Tapos na parehas 'yung class namin at ayaw pa naman niyang umuwi kaya tambay na lang muna siya sa studio.

"Wow, putangina! Sana all!" sigaw kaagad ni Bryant nang makita niyang kasama ko ngayon si Cia. Ito na nga 'yung sinasabi ko, e.

Sinuklian ko lang siya ng sama ng tingin.

I felt obliged in introducing all of them to Cia since it is their first encounter with each other... as to what Cia had told me.

"Nakaka-fresh ba talaga kapag merong jowa? Survey lang," tanong ni Bryant kay Cia. There he starts.

"Oo siguro. Kaya ka mukhang zombie, e." Felix shot back.

"Are you implying that I look like a zombie because wala akong jowa?" Bryant asked back.

"Bakit? Hindi ba?" si Felix.

"Ohhh! Isang puntos para kay Felix!" sabat naman ni Kent na parang merong fliptop battle sa pagitan nina Bryant at Felix.

"Payag ka nun, bro? Mukha ka raw zombie. Kung ako 'yan, 'di ako papayag. Susuntukin ko kaagad 'yan," sulsol naman ni Timo kay Bryant.

"Parang mga tanga," sabat ni Regina sa isang gilid. May natitira pa palang matino sa bandmates ko. Thank God.

"I told you, they're pretty annoying," I whispered to Cia.

She chuckled. Ang lambing naman! "Sanay na ako sa mga katulad nila. I'm always with Cassy, remember?"

Napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya. Oo nga pala! Isa rin 'yun, e!

"They have something in common—loud and talkative."

May sasabihin pa sana sa akin si Cia kaso natigil kami sa pagbu-bulungan nang biglang umubo ubo si Bryant. Ang epal.

"Ready din naman akong makipag-bulungan, jowa na lang 'yung kulang!" Bryant said, nagpapa-rinig.

(S.P.U. Series #2) Lost Steps (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon