Chapter 12

42 1 2
                                    

I texted Kevin a while back na sa 2nd game nalang nila ako pumunta para malinis ko pa muna iyong kotse ko, tinatamad din naman akong magpacar wash. Pliguan ko nalang dito sa bahay

I keep on thinking Kevin last night he's been so gentleman towards me, napaisip tuloy ako kung totoo nga ba talaga yung mga sinabi nya na gusto nya ako. Ang bait na nya lately, nakakainis hindi naman sya ganun dati, dati naman ang suplado nya at lagi lang akong inaasar. Ngayon bakit nagiba? I mean he's been so caring. Kahapon naiinis sya dun skirt na uniform ko, alam ko namang mejo may kaiklian yun pero wala naman akong choice kundi suotin out of nowhere ipinahiram nya sa akin yung coat nya and I find it sweet.

Sabi ni Kevin kaninang tinext ko sya 2pm daw magsstart yung game nila so I make sure na bago mag2 nasa school na ako. Madami nang students nung pumasok ako sa Gym from different schools, iginala ko yung tingin ko at nakita ko sina Kevin, Timo, Kyle, Matt at Earl kasama ng ibang players sa court na nagwawarm up ata.
Nakita naman ako ni Earl at mukang sinabi nya iyon kina Kevin, agad namang napatingin si Kevin sa gawi ko tapos naglakad naman sya papunta sa akin. Ayun tuloy ang dami ng nagbubulungan at kinikilig kase papunta sa gawi ko si Kevin.
"Oh my God! Papunta si Nate dito!" May isang babaeng tumili sa may right side ko
Tinignan ko naman si Kevin at nakatitig lang naman sya sa akin kaya pinanlakihan ko sya ng mata na parang nagsasabing: itigil nya kung ano man ang binabalak nyang gawin, pero walang effect yun napangiti lang sya at nagcause lang din yun ng ingay sa mga katabi kong mga babae.

"Oh gush I'm gonna die, did Nate just smile at me?" Napailing nalang ako sa narinig ko jusko! Dream on girl! O bulag lang talaga yung babaeng yun para hindi nya nakitang sa akin ngumiti etong baliw na to.

Nakalapit na si Kevin sa akin at hinila lang ako papunta dun sa bench nila. Nagsipagbulungan na naman yung mga nakakita sa amin
"Kevin, people are looking" pagpapaalala ko sa kanya
"Don't mind them" bumaling lang naman sya ng tingin sa akin saka ako pinaupo sa likod lang ng mga upuan nilang mga players.
"Are you comfortable?" Tanong sa akin ni Kevin
"Yeah I'm alright, Go! the game is about to start" pagtutulakan ko pa sa kanya.
"Okay, okay!!" Natatawang sagot naman nya
"Goodluck!" Pagchicheer ko sa kanya saka ako ngumiti.

Nung nagstart yung game dun ko lang napansin na yung kalaban pala nila was my previous school which is Northville University. I saw Kuya Tobby on the other team, ang tagal na din naming hindi nagkikita.

After nung game which is sina Kevin yung nanalo, pumunta muna ako kay Kuya Tobby kase busy pa naman sina Kevin naguusap usap dun kasama nung coach nila

"Kuyaaa Tobyyy!" Sigaw ko nung palabas na sya ng gym
"Brey! You're here!" Nakangiting sagot naman nya
"Ay wala!" Pagbibiro ko naman sa kanya, ginulo naman nya yung buhok ko.

"Hoy bata! Nakita ko yun kanina boyfriend mo ba yun?" Nagulat ako dun sa sinabi ni Kuya Tobby, umiling naman ako tapos tumawa naman sya, baliw.

"I miss you Brey! Pati yung gagong si Tris, kung nandito sana yun edi sana nanalo pa kami" malaking adjustment din siguro ginagawa ni Kuya Tobby since pumuntang US si Tris, they've been best friends for so long.

"I miss you too Kuya, lilibre mo na ba ako?" Pagbibiro ko naman sa kanya at parang may naalala naman eto.

"Sure, when?" Wwaahhh? Did I heard it right manlilibre na si Kuya Tobby! dati kasi si Tris lang lagi nagbabayad pag kumakain kaming tatlo, kuripot daw kase tong si Kuya Tobby.
"Hmmm tomorrow lunch?" Nagagree naman si Kuya Tobby dun at napagusapn naming ivideocall bukas si Tris panigurado maiinggit yun.

"Could you wait for a while may kukunin lang ako sa kotse ko, actually pinabibigay yun ni Tris eh" tumango naman ako paglabas ni Kuya Tobby tumingin ako sa banda nina Kevin, nagsensyas kase sya kanina na hintayin ko sya magbibihis daw.
Nung tumingin ako nandun lang sya nakatayo at nakatitig sa akin na mistulang may nagawa akong kasalanan. Lumapit naman ako dito

Never Be Alone (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon