Chapter 13

52 1 2
                                    

I love you I love you I love you

Paulit ulit yang nga katagang yan sa utak ko, right after I heard it parang nagfroze ang buo kong katawan, pero patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko, Hindi ko alam ang sasabihin ko, nakayakap lang sya sa akin.

Inakay nya ako papuntang kotse nya, hiningi nya sa akin yung susi ng kotse ko saka nya iyon binigay sa driver nila.

Pumasok na rin sya  agad, ayoko syang tignan nahihiya ako. May kinuha syang towel sa backseat ng kotse nya saka iyon inabot sa akin pero ayokong kunin.
"Please Mioneth" tumingin ako sa kanya, hindi ko alam pero bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko.
Ngumiti sya pero bigla syang naubo, napalaki yung mga mata ko. The thought of him na bakit sya nandito? Tapos na ba yung game nila? Pinagpawisan sya tapos nagpaulan sya. Sinong matino ang gagawa nun? Siraulo talaga.
"Hatid na kita" mahinang sabi neto tinignan ko lang naman sya habang nagdadrive, sunod sunod lang din naman yung pagubo nya. Nung nagred light linagay ko yung kamay ko sa noo nya at nagulat ako dahil sobrang init nya. Ang taas ng lagnat nya. Nagulat din naman sya sa ginawa ko pero hinawakan nya yung kamay ko paalis sa noo nya saka sya tumingin sa akin, nanginginig sya.
"I'm fine" tipid nyang ngiti, ang init ng kamay nya samantalang ang lamig lamig ng kamay ko.
I can't let him drive with his situation
"Kevin, please pullover ako na magdadrive"
Ngumiti naman ito ng mapakla, pinanlakihan ko sya ng mata para pumayag.
"No, I can't let you drive" sagot naman nya sa akin habang nagdadrive parin.
Tinignan ko lang sya ang tigas ng ulo!
"I said pullover!" Sigaw ko sa kanya, ako man ay nagulat sa ginawa ko, itinabi naman nya yung kotse, bumaba ako kahit na ang lakas ng ulan at pumunta sa banda nya at binuksan iyon. Tinitignan nya lang ako
"Move!" Sigaw ko ulit sa kanya, nahalata kong nahirapan syang gumalaw kaya tinulungan ko syang lumipat. Ibinigay ko naman sa kanya yung towel na ibinigay nya sa akin, ang init init nya.
"Let's go to the Hospital"  sabi ko at nagsimula na akong magdrive
"No, sa bahay nalang" pagtatanggi naman nya, ang kulit! Kung hindi lang malakas ang ulan edederetso ko to sa hospital. Malapit naman na kami sa bahay nila kaya napagdesisyonan ko na dun nalang.
Gabi na pero Malakas parin ang ulan nang makarating kami sa bahay nila
Bumusina ako at agad namang bumukas yung gate nila.
Bumaba ako agad nung naipark ko yung sasakyan nya, mejo nagulat pa nga yung maid nila nung nakita ako. Tinulungan naman ako ni Manang na akayin si Kevin ang bigat nya! Nakarating kami sa isang kwarto at binuksan iyon ni Manang pero ayaw nyang pumasok kaya napunta sa akin lahat ng bigat ng halimaw na to. Sinabi naman ni Manang sa akin na nasa US pa daw sina Lolo Carlo.
"Ma'am, ayaw na ayaw pong nagpapapasok ni sir sa kwarto nya" mahinang tugon naman sa akin ni Manang kaya wala na akong choice kundi akayin ng magisa tong higante na to, nagsabi din ako  sa katulong nila  na tawagan yung family Doctor nila at kahit sino sa mga kaibigan nya.
Inihiga ko sya doon sa kama nya, ang bigat!
Sumilip iyong maid at sinabing papunta na daw yung Doctor nila pero wala syang makontak ni isa kina Timo dahil umattend daw sila ng victory party. Jusko nanalo nga sira pero etong kaibigan nila inaapoy na sa lagnat. Anong gagawin ko? Basa yung damit nya hindi ko kayang ako ang magtatanggal nun kaya nga pinatawagan ko sina Timo pero wala naman sya. Hindi na ako mapakali dito sa kwarto nya.
Naisip ko yung driver nila kaya ipinatawag ko yun kay Manang, dunating naman agad si Kuya na mukhang kinakabahan naman sa pinapagawa ko sa kanya. Inassure ko nalang sya na hinding hindi sya mawawalan ng trabaho.

Kumuha na ako ng damit nya sa walk-in closet nya, naamaze pa nga ako dahil sobrang organize nun.

Habang chinecheck up sya ng Doctor lumapit naman sa akin si Manang Elly na may dala dalang damit. Mukhang damit iyon ni Nicole kinuha ko iyon at nagpasamat.

Pumasok ako sa cr ng kwarto ni Kevin and again naamaze na naman ako, malinis at ang organize ng mga gamit nya. Linagay ko na muna yung  damit ko malapit sa may sink.  Sinuot ko yung binigay ni Manang Elly na damit pero mejo masikip yung tshirt kaya lumabas ako para humiram ng tshirt ni Kevin hindi naman siguro magagalit iyong bwisit na iyon, sa kabila ng pagtulong ko sa kanya. Kumuha ako ng puti nyang shirt na sa tingin ko ay mas komportable ako.

Never Be Alone (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon