Chapter 44

19 1 0
                                    

Aubrey Mioneth's

It's been five years since I left Philippines at limang taon na rin simula nang malaman kong hindi pala ako nagiisang umalis ng bansa, hindi lang din kami dalawa kundi tatlo kami. Nalaman kong ipinagbubuntis ko pala ang mga anak namin ni Kevin sa mismong araw ng pag alis ko. Hindi ko man lang nahalata na buntis nga pala talaga ako that time. When I wanted to be alone, destiny doesn't want it. Indeed I'll never be alone.

Kambal ang dinala ko, twin boys to be exact. Kevin must have been so happy if he only finds out that I was pregnant that time. Pero umalis ako at inilayo ko sa kanya ang mga anak nya.

"Mommy are you crying?" A two pair of arms wrap around my legs

Lahat nalang namana nila sa Daddy nila from their sweet gestures, to being rude and of course their looks. They're really a small versions of Kevin.

"No, I'm just slicing onions that's why" tinignan lang naman nila ako na parang alam nila na nagsisinungaling ako.

"Okay, next time Mom, don't put onions to sopas so you won't cry" nasa America kami pero sopas ang paborito nila.

"Okay babies" nagbend down ako para humingi ng kiss

"Hey Keith why does your kiss full of saliva?" Natatawa kong tanong sa anak ko pero natawa lang naman sya at bumalik na sa sala namin.

We're living in a small apartment here in New York. Masaya kaming tatlo. They're really a blessing to me.

"Tito Tris and Tito Tobby is here!" Rinig kong sigaw ni Kuya Tobby sa mga anak ko

A few months after I left Philippines, Tris keep on bugging me kung nasaang sulok ako ng mundo ginamit nya pa si Tita Tanya para lang makausap ako. I badly need help during those times kase nauubos ko na yung pera ko, thats why I told him where I am. Sobrang gulat nya ng makita akong buntis noon.

Nakita kong may bagong laruan na naman yung mga anak ko. Sobrang spoil na nila kay Kuya Tobby.

"Where's my hug then?" Dinamba naman ng yakap at halik nung dalawa si Kuya Tobby

"Kuya Tobby may dala ka na namang larauan? Wala na akong paglalagyan sa dami na ng laruan nila" natawa lang naman sa akin si Kuya Tobby

"Next time house and lot na ibibigay ko para may paglagyan ka ng madaming laruan nila, malakas 'tong mga 'to sa akin eh. Right boys?" Naghigh five pa silang tatlo na akala mo naman naintidihan nila yung sinabi ni Kuya Tobby. On going ko palang kase sila tinuturuan ng Filipino.

Si Kuya Tobby sobrang giliw na giliw kase nya sa mga anak ko. Minsan nga sya pa nga naglalabas sa mga 'to kase si Kuya Tobby yung lagi dito sa New York. Kahit sobrang busy ata nya ay lagi sya dito sa apartment namin.

"Sinasabi ko naman kase sayo na lumipat na kayo. Malaki yung bagong bahay namin sa L.A" tugon ni Tris sa akin habang nakatingin sa mga bata

Simula nang ipinanganak ko sina Kai at Keith ay halos hindi na sila umuwi ng Pilipinas, meron pa nga noong kapapanganak ko palang ay nagtake sila ng leave nila sa kompanya nila para lang alalayan ako sa pagaalaga. So, talagang kinalakihan na nung mga anak ko sina Tris at Kuya Tobby.



"Dinner is serve!" Sigaw ko sa kanila kase nandito na naman sa apartment namin sina Tris at Kuya Tobby. Badtrip daw si Kuya Tobby sa kliyente nila kaya lumipad agad papunta dito sa amin. Ganoon na ngayon ang nababadtrip, stress reliever na raw nya ang mga anak ko.

Never Be Alone (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon