Chapter 36

46 1 2
                                    

Aubrey Mioneth's

Ang hirap nga naman talagang mag aral jusko! Title defense palang parang dumugo na utak ko, pero mabuti nalang at nairaos ko yun at after nga netong isang linggong walang pasok dahil sa holidays ay magfoflaot na ako ng mga questionnaires ko. Pero hindi pa ako nakakaprint kase naubos yung ink ng printer dito sa bahay.

Susunduin ako ngayon ni Kevin para makapagprint sa bahay nila, OA nga eh kase sinabi ko na ngang magpapahatid ako kay Manong George kaso ayaw naman nya kase sya daw talaga magsusundo sa akin.

"May niyog naman ata sa supermarket, bakit dito pa tayo bibili?" Tanong nya sa akin habang naglalakad kami papasok sa palengke, sabi ko naman kase sa kanya ako nalang bibili. Mabuti nalang at hindi yung lamborghini nya ang dala nya para hindi kami agaw pansin.

"Pangit coconut nila doon, hindi fresh" sagot ko naman sa kanya, may nakita kase akong buko juice sa facebook tapos parang nagcrave ako

"Tsaka mas mura pa" natawa naman sya sa sinabi ko, bumili kami ng dalawa since gusto din daw nyang uminom akala ko nga ayaw nya kase dito lang sa palengke binili. Binigyan naman ni Kevin ng tip si Manong

"Salamat Kuya, balik ulit kami" nakangiti kong sambit kay Manong
"Salamat din Ma'am, Sir" sagot naman ni Kuya

"Ubos ko na, tatapon ko na 'to?" Tanong nya ulit bago nya binuksan yung kotse

"'Waaaag! Kakainin ko mamaya!" nagulat pa ako sa sinabi nyang itatapon nya jusko! Sayang yung laman eh

"O sige na" natatawa nyang sagot saka nya tinap yung ulo ko at inabot na sa akin yung niyog.

"Bakit hindi nyo ako binilhan?" Nakasimangot na sabi ni Nicole ng makitang bitbit ni Kevin yung niyog

"Bukas ibibilhan kita, tara kainin natin yung laman nung niyog" sagot ko nalang sa kanya para hindi na magtampo
Si Kevin daw yung maghahati nung niyog, nakita naman daw nya kanina kung paano hatiin yun. Bahala sya.

After murderin ni Kevin yung buko ay agad na namin yun kinain ni Nicole. Pero nagtira kami para gawing buko shake.

"'Wag mong angkinin pahingi rin ako!" Agaw naman ni Kevin sa hawak ni Nicole na baso, nagshare share nalang kaming tatlo dun sa kaonteng shake.

"Ano ba yan Kuya! Bakit mo inubos?" Nginisian lang naman  nya ang kapatid nya.

"Thanks babe, lets buy coconut again tomorrow" kinindatan naman nya ako, aba't parang may new favorite na sya ha.

"Hay naku siguraduhin nyo lang na meron din ako" nakasimangot na naman si Nicole natatawa nalang talaga ako sa kanila

"Magpabili ka dun sa manliligaw mong ugok!" Binelatan lang naman nya ang Kuya nya at sakto namang dumating sila. Nandito rin sila?

"Anong gusto mo?" Parang ang lambing lambing ng pagkakatanong ni Earl nun kay Nicole
Nginitian ko naman sila, natatawa lang naman sila habang pinapanood ni Kevin na nagmamake face kay Earl. Hindi naman nagsalita si Nicole

"Gusto daw nya ng Niyog, bumili ka nga" pinalo ko naman yung braso ni Kevin, kung makapagutos talaga 'to!

"Saan nyo ba nabili yun?" Takang tanong naman ni Earl kaya ako nalang ang sumagot kase baka mamaya iba sabihin ni Kevin, kilala ko na 'yan masyado talaga nyang pinapahirapan si Earl siraulo talaga! Nagpabili naman agad si Earl sa driver nila, parang hindi lang ata si Nicole ang natuwa dahil pati rin ako.

"Mga tanga! Ako nga!" Sigaw ni Kyle kina Kevin at Earl na naghahati ng buko at sa isang hampas lang nung itak ay nahati na iyon. Ang galing ni Kyle dun!

Never Be Alone (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon