Chapter 18

33 1 0
                                    

Aubrey Mioneth's
Bakit parang nakita ko si Kyle kanina o namalikmata lang ako? o baka kamukha lang, Siguro nga. Tinitignan ko lang yung mga reports dito sa resort kase hindi na to nacheck since nung nawala sina Daddy. Habang pinagaaralan ko yung mga iyun ay may nagpatong ng Milktea sa table ko kaya napatingin naman ako sa kung sino man iyon and it was Avery again,
"Milktea?" Alok nya sa akin, ngumiti nalang ako ayoko ngang inumin yun baka may gayuma pa eh tapos mejo ayoko na yung company nya real talk kanina na naman dun sa dagat buti nalang nakaisip agad ako ng paraan para lumayas na, sabi kase nung isang empleyado namin na si Shasha babaero daw to eh kaya layuan ko na daw kaya natakot naman ako baka nga may hidden agenda talaga tong bwisit na to sa akin, assumera ko ata dun? Hindi rin nagiingat lang.
Salita lang naman sya ng salita hindi ko nalang sya kinakausap ngumingiti nalang ako para naman hindi ako masyadong masama pero kase ang epal na nya promise. Ano bang gagawin ko para lubayan ako neto?
Nasa malalim akong pagiisip ng may magsalita

"Here's your ice cream wife" eehh????? bumilis ata yung tibok ng puso ko sa narinig, hindi ako pwedeng magkamali sa nagsalitang iyon ayoko syang tignan nakatutok lang yung tingin ko sa mga papel, so hindi ako nagkamali kanina na si Kyle nga iyong nakita ko, nandito sila bakit? Bakit dito pa? Sa dinami dami ng mga beach dito sa pinas bakit dito? kunware kalmado ako pero ang totoo parang gusto nang kumawala ng puso ko sa ribcage ko jusko!

"Wife?" Tanong nung bwisit na Avery
"Yes, do you have a problem with that? So if you Don't have any questions may you excuse us?" Mayabang na sagot ni ano basta yung naiisip nyo sya iyon.
Umalis naman agad si Avery at umupo doon si Kevin, finally umalis na din yun. Tinignan ko lang naman sya, nakatitig lang din naman sya sa akin. Bakit ganun ang gwapo? Wait what? Ano yung naisip ko? Eraaaaaasseee!!
"Mapa-Manila o La Union madami talagang asungot na umaaligid sayo" bigla syang nagsalita dun ko lang narealize na nakatitig pala ako sa kanya.
Okay Mioneth hugutin mo ang katarayan mo! Taray mode alert ka! Remember nagmomove on ka. Ay ang taray nung nagmomove on na naisip ko naging kami ba?
"So?" Mataray kong sagot saka tinuon ulit yung attension sa mga papeles, tamang acting lang para mapaniwalang wala akong pake sa kanya pero natawa lang sya sira ulo talaga to!
"I miss you so much" napatingin ako sa kanya did I heard it right na namiss nya ako? Hindi ako magpapaapekto sa sinasabi ng Yabang na to! If I know habit  nya lang akong pagtripan. Napatingin naman ako sa kanya at Hindi ko alam pero bakit ganun parang sincere naman yung mukha nya. Damn Kevin Damn!
"Sto-" hindi ko pa man natatapos yung sasabihin ko nung nagsidatingan sina Timo, Kyle, Earl at Mathew
"Hindi pa ba kayo oorder gutom na kami!" Sabi ni Mathew na mukhang tuwang tuwa na makita ako
Binati nila ako at kumain na kami wala akong nagawa kundi kumain kasabay sila naiilang lang ako kay Kevin kase hindi sya nagsasalita pero panay ang tingin.
"Aubrey ang ganda dito, sulit na sulit namin yung gastos ni Nate" natatawang sabi ni Kyle. Kyle will always be Kyle kahit saan magpunta maingay parin and what did he say? Sagot lahat ni Kevin yung pagstay nila dito? Bakit?

Nung nagpaalam si Kevin na pupuntang restroom, umalis na rin ako doon sa resto, gusto kong maglakad lakad. Buti nalang at wala masyadong mga tao dito sa napili kong lakaran, ang peaceful sa pakiramdam sana ganito nalang palagi.

I keep on asking myself kung nakamove on na ba ako sa nangyari sa pamilya ko, hanggang ngayon hindi ko parin masagot, I questioned God why did he took them all to me and I realize I should'n do that. God has always a reason for everything including my situation. Siguro kung sumama ako kina Tris noon nakapagmove on  na siguro ako ngayon. Ang bigat bigat parin sa dibdib na wala na sila although sanay naman na akong magisa. Pero nasanay kase akong kasama sila lagi. Siguro hindi nila magawang maging peaceful dahil sa akin kase hindi ko pa sila nileletgo, feeling ko burden ako sa kanila na lagi nalang nila akong nakikitang malunkot, Mommy don't want me to be sad. She always tells me to look at the brighter side, she always tells me to be always Happy  but how can I be happy now that they will no longer be with me, but I know they're with me all the time.
I inhaled the cold breeze habang tumutulo na naman ang mga luha ko
"I love you Mommy, Daddy, Allice and Xander, You will be forever in my heart and  now I want you all to be peacefully rest.... I'm letting you all to go"

Never Be Alone (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon