Kevin's
It's been a hectic week, nakakapagod ang daming mga requirements pero bakit si Mioneth parang hindi napapagod kahit sabay sabay nang magbigay ng mga requirements yung mga Professor namin. Siguro lagi syang kumakain nung sopas, ang sarap sarap nung linuto nyang sopas ang tanga ko nung tinanong nya kung gusto ko ng sopas tapos yung sagot ko fuck! Pero priceless yung tawa nya noon, ang saya nya tignan.
Nasa Cafeteria kaming lima ngayon, habang hinihintay si Mioneth may klase pa kase sya. Wala naman kase kaming training ngayon.
"Nate, patingin nga ako nung list ng mga requirements natin" tinignan ko lang si Kyle habang inaabot yung phone ko. Maghahabol na naman ng requirements to ngayong weekend.
"Taray ng wallpaper!" Sigaw nya nung mahawakan ang phone ko. Yung lockscreen ko yung picture naming dalawa sa dagat while yung home screen ko yung picture nyang suot yung Tshirt ko.
Habang hawak ni Kyle yung phone bigla etong tumunog senyales na may nagtext, mejo nagulat ako kase si Mioneth yun hindi naman yun nagtetext during class hours ngayon lang.
Biglang napangiti si Kyle sa nabasang text
"From Wife" ngiting malapad ni Kyle habang tinitignan kami isa isa, pataas baba din yung kilay nya.
Napangiti ako nung marining yung binasa ni Kyle na 'from wife'
"Akin na" sabi ko naman kay Kyle saka inaabot yung phone ko, umiling lang naman sya na ikinatawa nung tatlo
"Basahin mo text dali!" Suwestyon naman ni Timo kaya tinignan ko sya ng masama"Okay babasahin ko Do you really want that Sopas? Haha" pagbabasa ni Kyle sa text ni Mioneth kaya binatukan ko na sya para makuha yung phone ko.
"So sya pala yung nagluto nung pinost mong sopas sa IG" pagkokomento naman ni Mathew
Hindi ko nalang sya sinagot at nagreply nalang kay Mioneth."Sopas na kase" pagpipilit ko kay Mioneth dahil sinasabi nyang magluluto daw sya ng spaghetti meatballs or carbonara, gusto ko yung dalawang yun pero mas gusto ko talaga yung sopas.
Tinignan lang naman nya ako."Gusto ko carbonara" sabay pakita nya nung picture ng carbonara sa phone nya, ang sarap nun.
Nagtatalo kami habang naglalakad papuntang parking lot. Tumango nalang ako at hindi na umangal pa sa gusto nya baka hindi na nya ako payagang sumama sa bahay nila para kumain eh nagpumilit lang din naman ako kanina."Sama din kami!" Sigaw ni Kyle nung nasa parking lot na kami. Tinignan ko lang naman sila, na parang sinasabing 'subukan nyong sumama'
"Sure! I'll make carbonara" masayang sagot naman ng katabi ko.
"Yun naman pala eh, tara na!" Sagot din naman ni Timo, pinanlakihan ko sila ng mata. Isa! Makakatikim talaga tong mga to sa akin.
"Oo tara na" madiin ko ding sagot habang matalim akong nakatangin sa kanilang apat. Nagtatawanan lang naman sila, parang sira!
"Kevin, we need to stop in convenient store kulang ata yung pasta sa bahay" singit naman ni Mioneth habang nakatingin na sa akin kaya tumingin ako sa kanya saka ngumiti.
"Sure" epal kasi tong mga to ehPasakay na sana kami ng sasakyan ng biglang magsalita si Earl
"Guys hindi na pala kami makakasama" napangiti ako sa sinabi ni Earl
"Uhh? Bakit?" Takang tanong naman ni Mioneth, nginitian ko lang naman silang apat"May pupuntahan pala kami" sagot naman ni Matt, tama may pupuntahan kayo kaya 'wag na kayong epal.
Nanghinayang naman si Mioneth dahil hindi na sila makakasama samantalang ako nagdidiwang.Nakasakay na si Mioneth sa sasakyan ko ng hinarap ko yung apat na nakangisi, ngising aso.
"May utang ka sa amin" mayabang na sabi ni Kyle tumango nalang ako, lagi namang ako yung taya pag lumalabas kami.
BINABASA MO ANG
Never Be Alone (EDITING)
RomanceHighest rank: #8 Filipino Teen Fiction I'm not that actually 'masungit' actually friendly, palangiti, tawa ng tawa , sobrang saya ko pag kasama ko yung family ko at mga kaibigan ko ganyan ako dati, pero ngayon wala pa ata sa sampung tao ang kinakau...