Nathaniel Kevin's
"Mommy! Daddy!" Lahat kami ay napatingin sa sumigaw
Si Kai na bagong gising na nagkukusot pa ng mata. Lahat sila ay natahimik, natigil yung mga tawanan nila kanina. Pinuntahan ko naman ang anak ko at binuhat.
"What do you want?" Sumandal lang naman eto sa akin at tinignan lahat ng mga tao sa bahay
"My back is itchy Daddy" nakapout nyang sabi
Lumapit naman si Mioneth sa amin na may dala nang baby powder. Napansin kong pinagmamasdan lang nila kami.
"Pasensya na Tito, Tita at Lolo Carlo pero P*tangina Nate! Ganyan ka na ba kadesperado na 'wag kang iwan ni Aubrey at nag ampon pa kayo ng bata!" Bulalas ni Kyle na natatawa
"Gag* Nate saan mo nakuha yang bata?" Tanong din Matt
"Language people. There's a kid here" nakatingin lang naman sila sa aming tatlo pero si Mommy ay lumapit na sa amin para makita ng malapitan ang apo nya.
"Who are you po?" Magalang na tanong ni Kai kay Mommy
"I'm your Grandma" halos maiyak iyak na naman si Mommy nang makarga nya si Kai. Lumapit din si Daddy sa kanila.
"Saang banda ng mukha ng anak ko ang ampon?" Baling ko sa kanila na tinitignan parin si Kai
Gulat na gulat talaga silang lahat sa revelation namin. Tuwang tuwa din sina Mommy sa anak namin ni Mioneth, hindi nila alam may isa pang natutulog sa taas.
"Aba't akalain mo nga nama—" hindi natuloy ni Timo yung sinasabi nya nang may nakitang tumabi sa amin ni Mioneth.
Nagpabaling baling na naman yung tingin nila sa batang kandong ni Mommy at sa batang nasa pagitan namin ni Mioneth. I should have installed a camera para makita nila ang mga pagmumukha nilang gulat na gulat.
"You're our visitors po? Did you bring foods po?" Masiglang tanong ni Keith sa mga nakatitig sa kanya
"P*tangina Nate! Baka may isa pa sa taas? Palabasin mo na lahat para hindi kami nagugulat" natawa kaming dalawa ni Mioneth sa sinabing iyon ni Timo
"tutangina Nate?" Tinignan ko ng masama si Timo
Sina Kyle, Matt at Earl naman ay tatawa tawa lang."Go to your Kuya, say Hi to Grandma and Grandpa there" sagot nalang ni Mioneth kay keith at mabilis namang syang pumunta kina Mommy.
Kinwento namin ni Mioneth kung kailan kami ikinasal at kung paano nya nalaman na buntis sya. I'm actually planning to ask her again for another wedding this time with our love ones
"Hanep ka bro nakashoot ka ng dalawa 5 years ago" natatawang komento ni Kyle sa akin
Nginisian ko lang naman sila pero ramdam ko yung tingin ng asawa ko kaya kininditan ko nalang sya.
"Kuya! Tinupad mo yung hiling ko 5 years ago!" Tiling sigaw ni Nicole habang buhat buhat si Keith
Siniko naman ako ni Mioneth at tinanong kung ano daw yung hiniling ni Nicole sinabi ko nalang na during nung Europe tour namin ay humiling si Nicole ng pamankin.
Masiglang pinakilala naman nung kambal ang sarili nila sa mga bisita namin. Tuwang tuwa si Mommy at Daddy pati narin si Lolo na pinapanood yung dalawa. Nagpakilala din yung mga kumag kong mga kaibigan.
"Ohw a lot of Tito" humagikgik pa si Kai pagkasabi nya non
"We have six tito's now and two Tita" nagtaka naman sila sa sinabi ni Keith Kaya tinanong nila mga 'to
BINABASA MO ANG
Never Be Alone (EDITING)
RomanceHighest rank: #8 Filipino Teen Fiction I'm not that actually 'masungit' actually friendly, palangiti, tawa ng tawa , sobrang saya ko pag kasama ko yung family ko at mga kaibigan ko ganyan ako dati, pero ngayon wala pa ata sa sampung tao ang kinakau...