Aubrey Mioneth's
"What's with that face?" Nakakunot na tanong sa akin ni Kevin nang mapansing lumungkot ang expresyon ng aking mukha dahilan sa mga pinag-iisip ko.
"Nothing, I'm just happy" pagbabalewala ko naman sa mga iniisip ko.
"Whatever you're thinking off specially when it is not good, please stop. Nothing bad will happen again... I'm here always" sabay halik sa noo ko
Siguro nga napaparanoid lang ako, eh nagkalat nga yung mga secury details namin sa buong resort nina Kyle.
Umahon na rin kami pagkatapos naming sumakay ng banana boat. Gabi na rin at nagugutom na ako, yung cake lang kase yung kinain namin kanina since hindi pa nakapagluto yung mga cook.
Paglabas ko ng kwarto namin ni Nicole ay nakita ko agad si Kevin na ang pula pula ng mukha. Natawa ako sa nakita, panigurado iniscrub nya mukha nya kaya bumalik ako ng kwarto para kumuha ng moisturizer at face cream para mawala naman yung pamunula ng mukha nya.
"Gwapo ko na ulit 'di ba babe?" Kumindat pa sya sa akin pagkatapos nyang sabihin yon. Pinapahiran ko ng cream yung mukha nya pero ang likot nya kinikiliti nya ako sa tagiliran ko, malapit ko ng sundutin yung eyeballs nya.
"Mejo" tipid kong sagot sa kanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay aba mataray na rin! Tinaasan ko nga rin. Pero hindi ko inasahan yung pagkiliti nya sa magkabila kong bewang. Sira ulo talaga!
"Stop! Kevin stop!" Natatawa kong sigaw sa kanya jusko nakakahiya tong pinaggagawa nya sa akin baka makita kami ng mga kasamahan namin.
"Say 'ang gwapo gwapo mo Kevin' muna" ang sarap tadyakan ng pagmumukha ng isang to! Pero hindi ko magawa nakakinis at wala akong choice kundi sabihin iyon para matigil na tong baliw na to.
"Happy?" Tanong ko ng matigil sya ng sabihin ko yun kanina, sinamaan ko lang din sya ng tingin habang sya nakangiti na ewan. Nirecord pa nga eh kaya parang siraulong pinakikinggan yun sa phone nya.
"Ipapalapa kita kay Akiro pag balik natin bukas!" Mataray kong duro sa kanya, pero hindi man lang natinag at tawa parin ng tawa ang mokong.
"I'm his dad, he can't do that Mommy ni Akiro" oo nalang nga! Diniinan pa nya yung word na Mommy jusko talaga! Hindi ko alam kinikilig ako pag sya nagsasabi nung Mommy ewan! Baliw narin siguro ako.
Hindi ko nga malimutan kung paano nya sinabi dun sa matanda at kay Doc Karl na fiancée nya ako, tapos may sing sing na rin. Siraulo nga lang sinabi nyang engaged na kami eh hindi nga mukhang pangengagement yung singsing na binigay nya kaya binatukan ko sya noon. Pero ang ganda nang singsing ko.
Feeling ko kumislap yung mga mata ko nang makita yung table na puno ng mga pagkain, mas nagutom ata yung mga alaga ko pagkakita ng mga iyon. Pero bigla akong nahiya hindi ko nga alam hindi ako masanay sanay sa kanila.
"You can eat all you want babe" bulong sa akin ng katabi ko siguro napansin nyang ang konte ng laman ng pinggan ko.
Napangiti ako sa sinabi nya. Kabisado na nya talaga ako pag ganitong nananahimik ako.Morning comes and I am so anxious about the Civil Service Exam results, this is target release day. Alam ko namang hindi ko yun kailangan pero I just want to challenge and prove myself, na kahit mayaman ako ay kaya ko rin yung exam na iyon kung makakapasa man ako.
Medyo mahina ang internet connection dito sa resort nina Kyle, medyo malayo rin kase sa city proper. Bakit ba ako kinakabahan? Eh okay lang naman kung hindi ako makapasa. Tahimik akong nagsscroll sa mga names, Lord sana pumasa!
"That's your name! Babe you did it!" Biglang may yumakap sa akin. Ni hindi ko namalayan na nandito pala sya sa tabi ko at sya pa ang unang nakakita ng pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Never Be Alone (EDITING)
RomanceHighest rank: #8 Filipino Teen Fiction I'm not that actually 'masungit' actually friendly, palangiti, tawa ng tawa , sobrang saya ko pag kasama ko yung family ko at mga kaibigan ko ganyan ako dati, pero ngayon wala pa ata sa sampung tao ang kinakau...