Chapter 35

25 1 0
                                    

Aubrey Mioneth's

"Ate si Kuya naospital!"

Bungad ni Nicole bago pa man ako makapagsalita. Parang nanigas pa ata ang katawan ko dahil sa narinig kaya madali akong nagligpit ng gamit ko at nagmadaling lumabas sa opisina.

Sabi ni Nicole kanina ay nasa school daw si Kevin ng biglang mahimatay kaya itinakbo nila ito sa hospital dahil wala din daw yung Doctor sa school. Hindi naman sya makapunta dahil may quiz daw sya ngayon at sina Tita ay wala sa bansa.

Nakita ko namang lumabas yung Doctor sa room nya bago pa man ako makalapit doon.

"Doc ano pong nangyari sa patient?" Tinanong pa nung Doctor kung kaano ano ko yung pasyente, sinabi ko nalang na Girlfriend nya ako siguro naman may karapatan pa akong sabihin iyon dahil wala pa naman kaming napaguusapan na break na talaga kami.

"Over fatigue lang ang patient, don't worry mamaya gigising na sya"

Alam kong stress na sya sa ojt nya dahil sobrang tutok si Tito sa pagtrain sa kanya tapos heto pa ako at dumagdag sa mga problema nya.

Hindi ko napigilan ang hindi maiyak ng makita syang nakahiga doon na mukhang hinang hina, ang itim ng paligid ng mga mata nya at parang pumayat pa sya. Anong ginagawa nya sa sarili nya? Hindi ba sya kumakain ng mabuti?

Hinawakan ko yung kamay nya at hinalikan iyon, God! I miss him so much!

"I'm so sorry this is all my fault, if only I believe you in the first place. I'm sorry" kung sana kase pinaniwalaan ko sya edi dapat ay wala sya dito at hindi kamy nag-away.

"It's okay" nagulat pa ako ng sumagot sya dahil itinakip ko yung kamay namin na hawak ko sa mga mata ko.

Parang nahiya naman ako sa kanya ng tinititigan nya ako kaya binitawan ko nalang yung kamay nya at napayuko ulit.

Sinabihan ko muna syang matulog at bibili ako ng pagkain nya at tatanungin ko rin yung doctor kung pwede daw ba syang maligo dahil amoy pawis daw sya. Parang hindi naman.

Mukhang stress reliever narin ata ngayon ang paglalaro ng basketball. Hindi naman kami masyadong nagusap kanina dahil nga nahihiya ako sa pagtitig nya sa akin.

Sinabi ng Doctor na hindi sya pwedeng maligo dahil may lagnat din daw sya, punas-punasan nalang daw sya kung maaari. Tinulungan ko naman syang pumunta ng CR dahil may nakakakabit sa kanyang IV. Hindi ko alam mukhang naligo naman ata, sobrang kulit talaga ng taong 'to.

Nung lumabas sya ay napansin ko naman na parang hindi naman sya totally naligo, mukhang nagpunas lang talaga.

Tinignan naman nya ako, hahawakan ko sana yung dextrose nya ng magsalita sya.

"Pwede mo ba akong tulungan para mahugasan yung ulo ko" tumango nalang ako at pumasok na rin sa banyo.

Bakit ba naiilang ako sa kanya? Jusko naman! Magkaharap kami ngayon at kasalukuyan kong pinupunasan yung buhok nya para matuyo ito. Nakatingin parin talaga sya sa akin at kanina pa talaga nagpapalpitate yung puso ko.

Sa kalagitnaan ng katahimikan namin ay nagsalita sya
"I miss you" napatingin naman ako sa kanya at parang nagtubig naman iyong mga mata ko.

"I miss you too, I'm sorry Kevin, sorry talaga" naiyak na ako ng tuluyan

"Shh don't cry babe. I'm the one should be saying sorry here. I'm sorry kase pinangunahan kita" hinawakan nya yung isang pisnge ko

"Hindi, kase di ba hindi kita pinaniwalaan" napakatigas kase ng ulo ko at hindi ko matanggap noon na hindi ko sila totoong kamag anak dahil parang napamahal na sila sa akin lalo na si Hanna.

Never Be Alone (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon