Chapter 32

17 1 0
                                    

Nathaniel Kevin's

I smiled when she said it's fine to stay the both of us here in this room. My plan worked easily!

"Hoy Kevin! Ano talaga ang totoo namali ka ng pag reserve o MINALI mo?"

Nagulat pa ako ng batuhin nya ako ng charger ng phone nya.  So, nakita nyang nakangiti ako?

"Why babe?" Patay malisya ko namang sagot sa kanya pero pinanliitan nya lang ako ng mata at parang yung bote ng  pabango na nya ang ibabato nya.

"'Wag mo kong ma-Why why babe diyan, Nathaniel Kevin Parker" parang nakakatakot yung pagkakasabi nya ng buong pangalan ko jusko!

"Fine! Sinadya ko talagang maliin. Kase naman....I just wanna be with you throughout this trip" nakakunot lang yung noo nya pero nakangiti naman. Kaya hinila ko sya pahiga sa kama, gusto ko nalang matulog ng ganito, yung yakap yakap ko sya.

"Ang landi mo talaga" natatawa nyang sabi sabay palo sa balikat ko

"Hindi ka pa ba sanay?" Kinindatan ko naman sya. Natawa naman sya sa ginawa ko pero umarte syang parang nasusuka ng makatayo na sya.

Watching her sleeping by my side is one of the things I wanted to do in this trip. This will be my real reward bonus lang talaga yung pamamasyal namin dito sa Japan.

As long as I want to cuddle with her in this kind of weather eh hindi pwede kase may nagawa na akong itinerary namin. Ngayong first day namin ay sa DisneySea kami pupunta, one of the places she wanted to visit. According to her this is her 4th disney land to visit, Sabi pa nga nya ang hindi nalang nya napupuntahan ay yung Disneyland sa Florida at Paris. Naiingit nga daw sya kay Nicole kase nakapunta na sya sa Disneyland Paris.

If we get another time I'll bring her there, maybe a birthday gift again. We just really need to finish our OJT on time so that we can travel again and of course I need to save money for that trip.

She's so hyper walking around, hila lang sya ng hila sa akin. I took a picture of her while holding her hand. May album na nga ako na halos ganoon lang ang mga kuha nya.

"You took a picture of me again?" Napansin ata nyang bumagal ako sa paglalakad

"Yeah, now smile" sabay tapat ko ng phone ko sa kanya ngumiti naman sya.

"Sira!" Bigla nyang sabi sabay batok sa akin. Nagulat pa ako sa ginawa nya, paanong naging sira na naman ako? Napailing nalang ako at inakbayan sya saka hinalikan ang noo nya.

Bumili kami ng headband, sabi nya hindi raw kompleto ang ang Disneyland trip nya pag wala syang nabiling head band o Mickey ears kaya ngayon namimili sya.

"Kevin, bagay 'to sayo" inilagay nya yung napili nya sa ulo ko
"... at eto naman sa akin" natatawa nyang sabi

Tinitigan ko lang sya ng masama dahil sungay ng demonyo ang binigay nya sa akin samantalang yung kanya ay halo.

Tawa parin sya ng tawa, pinicturan pa nya ako eh. Kung hindi lang talaga pambudol sa akin yung mga tawa nya eh talagang maiinis ako dahil pinangangalandakan nyang ako ang masama sa aming dalawa.

"Sige para hindi kana mainis palitan nalang natin yang saiyo" kukunin na nya sana yung headband sa ulo ko pero pinigilan ko nalang sya.

Never Be Alone (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon