Chapter 21

39 1 0
                                    

Mioneth's

Akala ko binibiro na naman ako ni Kevin na bumalik sya pero nung nasa gate na ako nakita ko si Tris at Kuya Tobby.
"Happy Birthday" nakangiting bati ni Tris sa akin at inabot ang bouquet ng bulaklak kaya inakap ko naman sya binati rin ako ni Kuya Tobby at may dala silang mga pagkain kaya inaya ko na sila papasok.

"Grabe Tris anong akala mo sa Pinas? Parang bumabyahe ka lang papuntang Probinsya ah" pagbibiro ko sa kanya totoo naman kase parang last month lang nung umuwi sya ngayon nandito na naman which is good naman pero feeling ko gumagastos to ng malaki para lang makauwi.

"Parang di mo naman kilala yan, para sayo gagawin lahat" sagot naman ni Kuya Tobby, natawa lang naman ng mahina si Tris

"Daming regalo ah at ang dami ring bulaklak" si Kuya Tobby talaga lahat nalang pinapansin
"Kanino galing" tanong naman ni Tris
"Yung mga bulaklak galing sa mga bata sa ampunan kase doon ako nagcelebrate ng birthday ko tsaka yung mga regalo galing sa mga friends ko" kumakain na silang dalawa habang ako dito parang ginigisa ng mga tingin nila.
"Parker?" Agad na tanong ni Tris, pag sinabi kong friends sya agad?
"It's not just the Parker you know" sagot ko naman pero totoo naman kase most of those gifts kay Nicole galing. Tinignan lang naman ako ni Tris na nagsasabing ituloy ko ang pagsasalita, kaya naman sinabi ko nalang na close na ako sa mga Parker.
"Since when have you been close to Parkers?" Tanong naman ni Kuya Tobby kaya tinignan ko naman sya ng masama.
"Since Tris went to U.S. I met Mr. Carlo Parker in cemetery, the grand father of the Parker that you know " ano bang meron sa kanila at tanong sila ng tanong. Alam ko naman na kilala nila ang mga Parker kase matunog din naman ang pangalan nila sa business industry tsaka sila nga bumili nung shares nung may nagpull out ng shares sa company namin.

Madami pa kaming napagusapan pero hindi na tungkol sa mga Parkers napunta na sa mga kalokohan ni Kuya Tobby.
Tinext ko naman si Kevin para tanungin kung nakauwi na ba sya at sinabi ko na rin na nandito sa bahay sina Tris at Kuya Tobby. Matagal pa sya bago nakapagreply kala ko pa nga tulog na eh nagreply lang sya ng 'Okay' pero bakit ganon? Iba yung feeling ko dun sa reply nya parang ang cold.

Napagplanuhan nilang dalawa nina Tris at Kuya Tobby na pumuntang Tagaytay kinabukasan, hindi sana ako sasama pero kase dalawang araw lang si Tris dito, may sched sana ako today which is magshoshopping with Nicole ng mga pangWinter outfits. Super nakokonsensya ako nung tumawag ako sa kanya pero sabi naman nya okay lang.

Good thing kase dalawang araw lang si Tris dito sa pinas at magkalapit pa ng time yung flight namin kaya sumabay na ako sa kanya papuntang airport hinatid naman kami ni Kuya Tobby. Ipinaalam ko pa tong trip na to sa kanya buti talaga pumayag kahit mukhang ayaw nya kay Kevin, he also confronted me kung ano bang meron kami ni Kevin sinabi ko nalang yung totoo na nanliligaw sya. Dami nyang bilin na magingat daw ako sa kanya kase babaero daw feeling ko naman hindi kase wala ngang naging girlfriend eh.

Nakaupo at naguusap kami ni Tris nang dumating sina Kevin at Nicole. Sa nakalipas na dalawang araw ang tipid nya magreply nakakainis sya.
"Ate I miss you na agad" sabi ni Nicole na natatawa
Ipinakilala ko naman sila kay Tris at as usual nagtanguan lang sila ni Kevin.
"Hi po" bati naman ni Nicole kay Tris
"Hi, Nicole right?" Sagot din naman ni Tris sa kanya

Si Nicole bigla akong binulingan
"Ate yang Kuya Tris na yan parang kamukha ni Sehun ng EXO" kaya tinignan ko naman si Tris
"Pero baka ako lang ate" dagdag pa nya
Iba rin tong batang to, adik na masyado sa mga kpop at yung akala ko na kamukha ni Kevin si Kang Daniel yun din pala tingin nya.

Magboboard na si Tris kaya kailangan na nyang pumunta.
"I'll see you again, take care ha" pagbibilin sa akin ni Tris
"Ingat din tsaka pakisabi kina Tita at Tito sunod ako promise" hindi sila makakauwi this coming Christmas at ang gusto pa nga sana nina Tita isabay ako ni Tris papunta sa U.S pero eto nga mas nauna naman tong trip namin nina Kevin sa Seoul. But I promised to Tris na after this Seoul Trip ay pupunta agad doon.

Never Be Alone (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon