Aubrey Mioneth's
We went back home. The kids are so excited when they found out that they're going to ride a plane.
"Mommy we're flying!" Keith beamed
Actually kanina pa nila sinasabi iyon, nagsasalitan silang dalawa sa may malapit sa window. Kaming tatlo lang ang magkakasama sina Kuya Tobby at Tris kase ay may inaasikaso pero sila din yung magsusundo sa amin pag nakarating na kami sa Pilipinas.
We are staying in Kuya Tobby's new condo unit. Hindi ko alam kung bakit ang dami niyang unit. Si Tris gusto pa sanang sa bahay daw nila kami kaso inayawan ko kase parang masakit pa sa akin na hindi ko pa nabibili pabalik yung bahay.
Tinulungan ako nina Tris at Kuya Tobby para maipatayo ko yung pastry shop business ko, binenta ko kay Kuya Tobby yung resort namin sa Palawan good thing kase nakapangalan kay Mommy yun kaya hindi nakuha ng banko.
They're so hands on in peaking the right employees for me. Ang kapalit ng mga tulong daw nila sa akin ay libreng mga breads, cakes at drinks pag nandun sila. Balak pa ata nilang lugiin ang business ko. Sa mga anak ko pa nga lang nagaalangan na ako.
The pastry shop is doing really good since we launched it last week. Maganda rin kase yung place kase malapit sa university, madaming students na bumibili.
"Mommy can I and Kuya eat strawberry cheesecake again?"
Sinasabi ko na nga ba, etong mga anak ko ang magiging dahilan sa pagkalugi ng business namin.I was about to say No but they keep on doing cute things and I can't help it.
"Just a slice okay? We have to make a living here boys" paalala ko pa sa kanila at tumango naman ang mga 'to at pumunta sa counter.
Dumating naman si Tris at sinamahan yung dalawa sa pagkain ng cake. Mukhang sinusundo na kami, either si Tris or Kuya Tobby ang naghahatid at nagsusundo sa amin dito.
Ang aga aga ay nandito na si Kuya Tobby na nakikipaglaro sa mga anak ko, palibhasa ay sa katabing unit lang sya nagsstay. Day off daw nya kaya nandito na sya. Ibang klase talaga si Kuya Tobby.
"Tito have you been there?" Rinig kong tanong ni Kai, kaya tinignan ko naman yung tinutukoy nya sa TV, it's the picture of the Eiffel Tower.
"Yeah" sagot naman si Kuya Tobby habang nginunguya yung ginawa kong sandwich
"Really? With Tito Tris and Mom?" Balik ulit na tanong ni Kai. Si Keith mukhang walang pakealam sa pinag uusapan nila
"Nope, she's with your dad when she went there" nanlaki ang mga mata ko sa narinig na sagot ni Kuya Tobby
"You know our dad?" Tumango naman si Kuya Tobby at nakita kong lumapit na si Keith kay Kuya Tobby
Si Kuya Tobby talaga kung ano ano sinasabi, ni hindi pa nga ako handa na puntahan sya kase nahihiya ako.
Tinignan ko ng masama si Kuya Tobby pero natawa lang sya. Inaasar na naman nya ako, simula nang makauwi kami ay lagi na nyang binabanggit yung pangalan ni Kevin.
"We have to stop talking about your Dad, your Mom is ready to murder me" rinig ko pang komento ni Kuya Tobby bago ako pumunta ng kwarto para maghanda at makapunta na ng shop.
Naiwan silang tatlo sa unit, binilin ko na si Kuya Tobby na 'wag na munang sabihin kung sino ang Daddy nila. I need to make sure na tatanggapin sila ni Kevin. Kung ayaw man nya sa mga anak nya ay mas mabuting hindi nalang din sya makilala ng mga bata.
Ang daming costumers sa pastry shop, ang saya saya kong ang daming tumatangkilik sa mga binibake ko. Well yung iba lang dahil medyo busy ako sa mga bata.
BINABASA MO ANG
Never Be Alone (EDITING)
RomanceHighest rank: #8 Filipino Teen Fiction I'm not that actually 'masungit' actually friendly, palangiti, tawa ng tawa , sobrang saya ko pag kasama ko yung family ko at mga kaibigan ko ganyan ako dati, pero ngayon wala pa ata sa sampung tao ang kinakau...