Chapter 14

45 1 0
                                    

It's Saturday morning and I'm preparing para sa isang event na ininbitahan ako ni Kevin. Binyag daw kase ng anak ng pinsan nya. Ang dami kong alibi para lang hindi sumama sa event na to kase naman nahihiya ako sa mga kamag anak nya.  Ang kulit nya kagabi nung hinatid nya ako dito sa bahay after naming magdinner. Hindi daw sya aattend nung binyag pag hindi ko daw sya sinamahan, konsensya ko pa pag hindi sya pumunta eh isa sya sa mga ninong.

10 am daw yung binyag, eh 8am na wala pa sya, may pasabisabi pa syang bago mag 8 daw nya ako susunduin kase mejo malayo daw yung venue. Pero naisip ko baka natraffic lang,  habang hinihintay ko yung baliw na yun napagisip isip kong magmake up naman kase pulbo lang talaga yung inapply ko sa mukha ko kanina. Hindi ko alam kase sa sarili ko kung bakit ako hindi nagmamake up, kaya ang pale pale ng mukha ko. Natry ko na din naman nang manood ng mga tutorials, pero kase talaga nakakalimutan ko din. Kunware nanood ako kagabi at sinasabi sa sarili na 'magmamake up na ako bukas' pero in the end hindi ko rin lang din naman nagawa. So ngayon gagawin ko na.

After minutes na pagmamake up ko, actually ang light lang din naman ng linagay ko. Naglip stick, naglagay ng blush on at inayos konte yung kilay, yung blush on ginaya ko yung nauuso ngayon na Drunken blush.

Hawak hawak ko pa yung suklay ko nung may nagdoorbell, naisip ko naman na si Kevin na yun kaya inayos ko na yung mga gamit ko at lumabas na.

I'm wearing a pastel pink dress at tenernohan ko nalang nung white top sider kong sperry shoes.

"Hey, I'm so sorry for making you wait" ngumiti lang naman ako at sinara na ng maayos yung gate, ipinagbukasan nya ako ng kotse.
Nakatingin lang sya sa akin nung sumakay ako, ngumiti ako ulit pero di pa rin sya kumikibo.
"Kevin it's fine as long as we won't be late kaya tara na" tumango naman eto at nagsalita

"You look so gorgeous as always" hindi ko alam pero feeling ko naginit yung mukha ko, dahil ba to sa linagay kong blush on?
Pagkasakay naman nya, tinitigan ulit ako.
"What?" Takang tanong ko naman kase nga jusko parang hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko.
"Nothing, seatbelt" paalala naman nya saka ko sinuot yung seatbelt

Tahimik lang naman kami habang na sa byahe, si Kevin sulyap ng sulyap naman sa akin, di ko alam sa kanya parang may gustong sabihin na ewan. Sira ulo talaga.
Sa pagkailang ko sa pasulyap sulyap nya kinonect ko sa speakers nya yung Spotify ko at nagpatugtog. Feeling ko mas okay na nung may music.

Malapit ng mag-10 pero mukhang malayo pa ata.
"Malayo pa tayo?" Tanong ko nung nagred light, tumingin naman eto sa akin.
"Mejo, pero aabot tayo don't worry" tsaka naman sya ngumiti, naramdaman ko namang parang bumilis yung tibok ng puso ko dahil dun sa pagngiti nya. Kaya umiling iling ako jusko nahahawa na ata ako sa pagkasira ng ulo ng kasama ko.

"Are you okay?" Tanong pa nya nung mapansin akong umiiling, saka sya nagmaneho ulit. nagsign naman ako na wala lang iyon.

"I'll call Timo kung nagstart na" sabi nya sabay kuha  ng phone nya sa bulsa nya, siraulo talaga to gagamit ng cellphone na nagdadrive sya? Jusko kung hindi lang to nagdadrive eh binatukan ko na naman. 

Pagkakuhang pagkakuha palang nya nung phone nya inagaw ko na, saka ko sya sinamaan ng tingin, natawa naman eto na mas lalo ko pang kinainis.

"Eyes on the road! Ako na ang tatawag" inis na bulyaw ko sa kanya.
"Yes Ma'am" sagot nya at tumawa na naman pero nasa daan parin naman ang tingin.

Inabot ko naman saglit yung kamay nya para maiunlock nya yung phone nya.
" You should regester your finger print their on my phone " pagkokomento naman nya. Hindi nalang ako sumagot at hinanap yung pangalan ni Timo. Dinail ko na nung nakita ko saka niloudspeaker.

"Nate loverboy asan kana?" Bungad ni Timo nung sinagot nya, natawa naman ako dun. At mukang narinig naman nya yung tawa ko saka nagsalita ulit
"Hi Aubrey!"
"Nagstart na?" Tanong ko sa kanya
"Hindi pa, madami pang wala, saan na ba kayo?" Si Kevin na yung sumagot since hindi ko naman alam kung nasaan na kami.
"More or less 20 minutes pa" sagot naman ni Kevin
"Okay, sabi naman nung organizer kanina adjustable daw yung 10am so baka 10:30 magstart"

Never Be Alone (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon