Chapter 39

17 1 2
                                    

Nathaniel Kevin's

Pinagmasdan ko lang sya habang papunta syang rest room, definitely something is wrong.

"Ikaw kase bakit mo sinabing tataba sya?" Singhal ko kay Kyle na busy sa phone nya

"Ako pa? Baka ikaw kase 'di ba ikaw yung may kasamang ibang babae" seryosong sagot naman nya.
Suddenly it hits me, may kumausap sa akin kanina na dati naming classmates nung first year and Mioneth wanted to eat a while back but I made her wait....  kaya ba sina Kyle at Matt na ang kasama nyang kumakain?

"Siguro nagtatampo lang yun" seryoso ding sabi ni Matt, still they're busy with their phones.

Inilabas ko na rin yung phone ko at nakita ko yung mga IG stories nila Kyle, Matt at Mioneth. Nagcomment nalang ako sa mga stories nila

To Mioneth
I'm your date not them. Love you wife

To Kyle
F*ck you!

To Matt
Screw the word 'My' because she's Mine

Nakita ko namang nagkatingan yung dalawa at nagtawanan pa. Mga siraulo.

Nakabalik narin si Mioneth at parang namumula ata yung mga mata nya.

"Babe, you cried?" Inalalayan ko syang makaupo sa tabi ko. Kumuha naman sya ng pagkain at isinubo agad iyon

"Sira! Hindi napuwing lang ako" tapos tumawa ng peke hindi talaga magaling magsinungaling.

"Let's dance" aya ko sa kanya kase busy na rin sya sa phone nya

"Maya nalang sakit na ng paa ko, sumayaw kase kami kanina nina Matt at Kyle. Right my boys?" Napatingin naman yung dalawa sa kanya at tumango tango.

Naguusap na sila ng mga kung ano ano at tumatawa narin sya but not her usual self. I mean iba yung tawa.
Sobrang kilala ko na sya na ultimo tono ng tawa nya ay madidistinguish ko kung alin talaga doon ang masaya.

Napalitan naman yung music ng party song kaya inaya ni Mioneth yung dalawa. Nakita ko pang nagpabuhat si Mioneth sa kanila yung nakahawak sya sa magkabilang braso nina Matt at Kyle.

Kaninang ako yung nag aya ayaw nya, ngayon sya pa nag aya.

Something is off! And I'm getting pissed! But it's my fault, I know. Why did I not even think that she'll feel bad when I made her wait a while back. That I forgot that she hasn't eaten anything this day aside from breakfast.

Naiinis ako sa sarili ko na parang ang inconsiderate ko! F*ck self f*ck!

Matagal pa bago ako tumayo at sundan sila sa dance floor. Alam ko namang walang magbabalak na lumapit kay Mioneth since kasama naman nya yung dalawa. Kahit siguro babaero yung dalawa ay over protective yun sa mga kaibigan nilang mga babae. Kanina nga talagang ipinaramdam nila na ako yung may mali at si Mioneth agad yung kinampihan nila.

Naabutan ko silang nagtatawanan doon, sina Matt at Kyle lang naman yung sumasayaw si Mioneth tatawa tawa lang. Syempre peke.

I approach her at inilagay yung kamay ko sa likod nya. Bigla namang nagbago yung expression ng mukha nya.

"Can we talk?" Nakatingin lang sya sa akin tapos nagiba ulit yung music into romantic song.

Balak pa ata nyang kasayaw si Kyle kase tatawagin na sana nya pero hinawakan ko yung mga kamay nya para ilagay sa balikat ko. Halatang nagtatampo... kaya mahal na mahal ko 'to eh.

"Are you mad at me?" Narinig ko naman na napabuntong hininga sya

"Nope" tipid na sagot nya

"You are" pilit ko sa kanya

Never Be Alone (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon