Chapter 40
"What?!" gulat na sabi ko. "What hospital? Nasabihan niyo na ba sina tito? Okay. I'll be right there." sabi ko saka na tinapos ang call.
"Oh. San ka pupunta?" tanong ni Will.
"I have to go to the hospital. Julie had an accident." sambit ko.
"Ha?!" gulat na sabi ni Bonna. "Sasama kami!"
Umalis na kami sa bahay nila Will at nagdrive na ako papunta sa hospital na sinabi ni Maqui. Wala sa pwesto ang puso ko at hindi ako mapakali.
"Dude, kalma ka muna. Baka mapaano tayo niyan eh." ani Will na katabi ko sa harap.
"Sorry. Nag-aalala lang ako kay Julie." sabi ko.
"Alam ko. Kami din naman eh. But think about our safety first. Hindi naman aalis ang hospital." sabi niya. Tumango ako saka na lang huminga ng malalim at nagconcentrate sa pagddrive.
"Miss, saan po yung kwarto ni Julie Anne San Jose?" agad na tanong ko sa nurses' station.
"Room 308 po sir." sagot niya.
"Thanks." tumakbo na kami nina Will at Bonna paakyat sa kwarto ni Julie. Hindi ko na nga inisip mag elevator dahil mabagal iyon.
"Elmo." ani Maqui nang buksan ko ang pinto.
"What happened?" tanong ko.
"Nabundol siya ng ATV eh." sagot niya.
"Bakit? Paano nangyari?"
"Nakikipagrace kasi siya sa amin papunta sa beach and hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya. Eh yung isang employee ng resort, nagrroving siya gamit yung ATV and ayun. Hindi niya napansin si Julie and ganun din si Julie sa kanya kaya nabundol niya." explain ni Maqui.
"Anong sabi ng doctors?" tanong ko.
"May fracture lang siya sa right leg niya kaya ayan, may cast siya. Other than that wala na. Mabuti nga daw hindi natamaan yung ulo eh." sabi naman ni Cielo.
"Okay." tango ko.
Lumapit ako sa natutulog na si Julie saka umupo sa monoblock na nasa tabi ng kama niya. Hinawakan ko ang kamay niya and kissed the back of her hand.
"Onga pala. Guys, sina Will and Bonna. My cousins." sabi ko kanila Maqui.
"Hi." sabay-sabay na sabi ng tatlo.
"Maq, dumating na ba sila tita?"
"Padating pa lang sila. Galing pa kasi silang Bulacan eh." tumango ako saka na lang pinagmasdan ang natutulog na si Julie. "You want anything, Elmo? Bababa lang kami to buy some food."
"No. Kayo na lang." sabi ko. Sumama sina Will at Bonna sa kanilang tatlo kaya naiwan akong mag-isa para bantayan si Julie.
"May sugat ka na sa mukha. Tapos may pasa ka sa braso. Sabi ko naman sayo na mag-iingat ka kapag di mo ko kasama eh. Look at you." sabi ko sa kanya kahit pa alam kong natutulog siya.
"Malayo naman sa bituka, dear." sagot niya saka dahan-dahang dumilat. "Hi."
"Hello." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. "How are you feeling?"
"Better. Andito ka na eh." aniya. Ngumiti ako and squeezed her hand. "I'm sorry."
"Hey, you don't have to be sorry. It was an accident." sabi ko. "Get some rest. Please." pinunasan ko ang mga luha niya saka pa siya hinalikan sa noo.
Natulog na uli si Julie at hinintay ko naman ang pagdating nina Tito Fernando at Tita Judith.
"What happened?" tanong ni Tita Judith pagpasok nila.