47

4.2K 65 0
                                    

Chapter 47

"Hey, baby. Good morning." narinig kong sabi ni Elmo. Nagising ako nang halikan niya ako at napangiti sa nakita. He prepared breakfast in bed.

"Hi." sabi ko.

"I prepared breakfast. Well, brunch na actually." aniya. Tumingin ako sa wall clock at nakitang 10:30 na pala ng umaga. Napasarap ang tulog ko.

Umupo ako at nagulat pa nang makitang nakasuot na ko ng tshirt niya.

"I put that on you. Iwas temptation." kindat niya sa akin. Umirap lang ako at patagong natawa. Temptation your face, Elmo. "Halika na, kain na tayo." anyaya niya at inilapit na sa akin ang pagkain.

I must say, naimpress ako. He's not a fan of the kitchen. Though he knows how to cook pero syempre siya, growing up with maids that cook for him, hindi siya tambay sa kusina. He prepared waffles, bacon, eggs, fruit slices and a choice of coffee and juice. Sumubo ako ng waffles and I can say na masarap siya.

"Taste good?" he asked. Tumango ako and smiled at him. "It's a good thing na uso na ang may instructions ngayon. And I think I perfected the waffle mix. Hahaha."

"Yeah you did." sabi ko. "Here. Try it." sinubuan ko siya at tumango naman siya.

"Ang genius ko talaga." puri niya sa sarili. Umirap nanaman ako at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Ako na." alok niya saka kinuha ang fork sa kamay ko. Sinubuan niya ako and he watched me as I eat the food.

"I should be the one cooking for you." sabi ko.

"No. You're the center of my universe and ang gusto ko, ako ang magsisilbi sayo. I will cook for you and I will take care of you. I will treat you like a queen and I won't let anyone hurt you. Not even a mosquito."

"Mosquito talaga?" sabi ko saka natawa. Natawa na rin siya at tumango.

"Ayokong makakagat ka ng lamok. Ayokong magalusan ka. Ayokong masugatan ka. Ayokong masaktan ka. Kasi ikamamatay ko if something bad ever happens to you."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat sabihin. Kinikilig ako na naiiyak na ewan. Ang aga-aga naman kasi, ang drama nitong si Elmo.

"Why are you saying those things?" tanong ko.

"Kasi konting araw na lang natitira para makasama kita. You'll be leaving soon and I don't know how long you'll be away from me. Kaya susulitin ko and I will make every second count. Kung pwede lang balutin kita sa kumot at ibulsa kita gagawin ko para lang alam kong safe ka."

"As long as I'm with you, I'll be safe." sabi ko. Tumango siya and kissed my forehead.

"I love you." bulong niya.

"You too." sagot ko naman.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya niya akong magswimming. Sumakay pa kami sa jetski at nagrace kaming dalawa. Syempre natalo ko siya. Mas magaling akong magdrive ng jetski kaysa sa kanya eh.

"Hoy!!! Paepal!" narinig naming sigaw ng apat na babae.

"Sina Maqui ba yun?" tanong ko.

"I think so. Tara." sabi niya saka na kami nagdrive palapit sa dalampasigan.

"Maqui!!!" sabi ko saka tumakbo palapit sa kanilang apat at yumakap.

"Ewwww!! Basa ka please!" maarteng sabi ni Peachy.

"Arte lang, peps?" natatawang tanong ni Cielo.

"Eh kasi eh. Di pa kaya ako ready mabasa. Kakagising ko lang eh." sabi niya.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon