53

2.9K 58 0
                                    

Chapter 53

The last time I talked to Elmo was the day after he went out with the boys which was two weeks ago. Although tuwang-tuwa ako when he told me about Jack getting married, medyo napapaisip pa rin ako dahil hindi talaga siya tumatawag sa akin. Pag ako naman ang tumatawag ay hindi niya sinasagot. And when I send him messages ay lagi lang seenzoned.

"Kainis. Anyare dun?" tanong ko sa sarili ko sabay upo sa breakfast bar.

"Juwee!" lumingon lang ako kay Summer at pagkatapos ay nagbalik ng tingin sa kawalan.

Inalala ko yung kwentuhan namin about Jack's engagement. Sabi niya pa na hindi daw siya makapaniwala. Well, ako rin naman. Eh paano naman kasi, sa lahat ng barkada niya, si Jack ang may pinakamaraming babaeng inuuwi. I mean, you know? Basta! Kahit naman di niya inoopen sa akin yun eh alam ko eh. Kasi naman no. Nung minsan na naisipan namin dati nung college na sa condo ni Jack maglaro ng PS4, may naabutan kaming girl dun na suot lang is yung polo niya. Kaya ayun. Uso naman yung alam na eh.

"You look cranky." puna ni Ate Steffie sa akin.

Kaming tatlo nanaman nila Summer ang nandito sa bahay. Sila mama at papa busy sa hospital. Si kuya naman sa construction firm na pinagttrabauhan niya. Ako naman, wala yung mga bata sa hospital. Bukas pa ang balik ni Jal for her chemo at si Panda naman ay hindi nagpupunta sa hospital kapag walang session ang kapatid niya. Si Ate Steffie naman, mula nang magmigrate sila dito ay hindi na siya pinagwork ni kuya. Di naman kasi uso ang yaya dito eh. Babysitter, oo. Pero full-time yaya hindi. Kaya sila lang ni Summer ang madalas maiwan dito pag wala kaming lahat.

"Wala to ate. I think I just woke up on the wrong side of the bed." sabi ko naman.

"Really? For a week already? Siguro dapat baligtarin na natin yung bed mo para good mood ka na ulit. Hahaha." biro niya. Natawa naman ako saka napailing. "What's wrong?"

Suminghap ako saka ko binigyan ng cookie si Summer.

"Elmo hasn't called me or messaged me. The last time we talked was two weeks ago." himutok ko.

"Maybe he's just busy. Malay mo may big project sila." sabi naman ni ate.

"Hay. Knowing Elmo, ate. Kahit nga pagtrim niya ng nails ibabalita pa niya sa akin eh. No matter how busy he is, he will still find time to text me if he can't call me." sabi ko.

"Juwee sad?" tanong ni Summer. Nilahad niya ang mga bisig niya kaya kinarga ko siya mula sa high chair niya at inupo sa counter.

"No, sweetie. Ninang's not sad. She's worried." sagot ko naman.

"Why wowwy?" matamlay akong ngumiti saka siya hinalikan sa pisngi.

"Because ninong hasn't talked to her yet." si Ate Steffie ang sumagot.

"Ewmo?" tanong niya saka tumingin sa akin. Marahan naman akong tumango at napangiti nang ipat niya ang ulo ko. "Don't cwy, Juwee."

"I'm not crying, baby." sabi ko naman. "Hm. Ninang's free the whole day. Do you want me to take you to the park?" tumingin ako kay Ate Steffie at tumango naman siya. "Sama ka na ate. Let's have a girl bonding!" dagdag ko.

Pagkatapos naming makapagbihis na tatlo ay umalis na kami sa bahay. Malapit lang ang Primrose Hill sa bahay. Pwede nga lakarin eh. Pero dahil kasama namin si Summer at hindi siya fan ng paglalakad kaya nagkotse kami. Pagdating dun ay umupo kami ni Ate Steffie sa isang bench habang pinapanuod naman si Summer na tumakbo.

"Baby! Don't go too far!" sigaw ni Ate Steffie sa kanya. Tumango lang naman si Summer saka na nagpunta sa isang grupo ng toddlers din.

"Alam mo ate, when Sofia and I went here after school one time, nakita namin dito si Jude Law with his family." sabi ko.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon