22

4.3K 61 1
                                    

Chapter 22

Ilang weeks na ang lumipas at hindi pa rin kami nag-uusap ni Julie. Minsan nagkakasalubong kami sa school pero di naman kami nagpapansinan. As if we're strangers to each other. Ang saklap lang talaga ng ganun. Kasi simula bata kami, kaming dalawa na ang magkasama. Pero ngayon parang di namin kilala ang isa't isa.

"Kuya, let's go Christmas shopping." anyaya sa akin ni PeeWee.

It's Sunday at dahil nga iba na ang araw ko sa orphanage ay libreng-libre na ako tuwing Sunday. Malapit na pala ang Pasko. Ang bilis naman ng panahon. Parang kahapon magkasama kaming mag Christmas shopping ni Julie. Tapos ngayon, parang di na kami magkaibigan.

"Okay." sabi ko.

Umalis na kami sa bahay after breakfast at nagtungo sa mall. Wala naman akong bibilin maliban sa regalo ko kay PeeWee, kay mom, kay Cielo, kanila Maqui at Peachy, sa basketball team at kay coach, at syempre kay Julie. Ni hindi pa nga ako sigurado kung dapat ko pa ba siyang bigyan eh. Baka naman kasi hindi niya tanggapin.

Naghiwalay kami ni PeeWee sa mall dahil sabi niya madami daw siyang bibilin at alam naman niyang maiinip lang ako kapag sinamahan ko siya sa lahat ng pupuntahan niya. Matagal pa naman siyang mamili. Kaya naman dumiretso na lang agad ako sa isang store at saka na bumili ng para sa kanya at kay mom. Pagkatapos kong bilhin yung para sa kanila ay nagpunta naman ako sa isa pang store at binilan ng magkaibang design ng coffee mug sina Maqui at Peachy. Sa kanilang tatlo kasi nila Julie, silang dalawa ang mahilig sa coffee at syempre sila kasi ay mga nagttrabaho na. Pumunta naman ako sa isang bookstore at binilan ng libro si Cielo. Mahilig kasi siyang magbasa at nung minsan napagkwentuhan namin yung librong matagal na niyang hinahanap pero palaging out of stock. Mabuti na lang at meron sa bookstore na to. Nagpunta rin ako sa isang sportshouse at dun bumili ng mga tshirt para sa buong team at isang basketball para kay coach.

Naglalakad na ako palabas ng store nang nagvibrate ang phone ko. Isang Viber message mula sa kapatid ko.

PeeWee:

I'm with Ate Julie, kuya. Wanna come here? Andito kami sa Amy's. 😊

Naglakad na ako sa sinabing café ni PeeWee at agad ko silang nakitang nakaupo sa couch sa may bandang dulo. Lumapit ako at nakitang napangiti ang kapatid ko.

"Let's go PeeWee." anyaya ko.

Bigla namang kumunot ang noo nilang dalawa at matama pa akong tinignan ni PeeWee.

"Already? Kakadating mo pa lang kuya eh. Let's eat first." aniya.

"I'll go home. Sumabay ka na lang sa kanya if you want to stay." sabi ko at saka na tumalikod. Hindi naman sumunod sa akin si PeeWee kaya dire-diretso na akong umalis ng shop at ng mall.

Dumating ako sa bahay at naabutan si mom na nasa sala at nagbabasa ng libro.

"Hi mom." bati ko.

"You left your sister sa mall? She called me."

"Yeah. She's with Julie naman eh." sagot ko. "Akyat na ko ma."

"Hold on." sambit niya. "Will you please sit down and tell me what is going on?" she asked.

"It's nothing, mom. Promise." sabi ko naman.

"No young man. That is not just nothing. Now you sit down and tell me what is going on!"

Agad akong umupo sa kabilang sofa at saka tumingin kay mom pagkatapos ay sa kawalan. Suminghap ako saka na nagsimulang magkwento.

"Actually, hindi ko talaga alam kung anong nangyari. We were just doing our usual stuffs. Kung paano kami since we were kids. And then we went to this party that they organized and this guy came up to her. At first it was really okay with me. I was even teasing her about him. Pero bigla na lang akong nagstart maasar when I saw them na laging magkasama. Nakakainis lang because I don't know what's more frustrating. Yung magkaron siya ng manliligaw? Or yung magmahal siya and that guy is not me. Ang gulo, ma. I just woke up one day and I feel jealous about Julie and that guy. Gusto ko ako lang. Ako lang yung lalaki sa buhay niya. Ayoko ng may kahati. Selfish na kung selfish, ma. But I'm in love with my bestfriend."

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon