14

4.3K 54 1
                                    

Chapter 14

Grabe talaga tong si Julie. Di man lang naawa sa akin. Iniwan na lang ako basta di pa nga ako ready sa ganito. Pero okay na din siguro to. Eh wala naman akong choice dahil sooner or later, I really have to be alone with Cielo. Kung talagang gusto kong maging kami.

"Uhm... Cielo, kapatid mo yung may birthday?" tanong ko.

"Ha? No. Nephew ko. He's my cousin's son." sagot niya.

"Ah okay. Wala kang kapatid?" tanong ko. Ang boring ko, I know. Bahala na si Batman.

"I'm an only child eh. Si Kevin ang kasama ko sa bahay."

"Ah. So sabay pala kayong lumaki?"

"Yeah. Kasi nung nawala yung parents niya, sila mommy na yung nagpalaki sa kanya so yun. Parang ano, parang naging magkapatid na rin kami." sagot niya.

"Ah. Ako may kapatid ako. Si PeeWee."

"Siya yung pretty girl na kasama ni Julie nung last week?" tanong niya. Tumango naman ako saka ngumiti. "She looks close to Julie."

"Yeah. Spoiled kay Julie yun eh. Kasi lahat ng wishes niya binibigay ni Julie." sabi ko.

"Ang saya siguro ng may kapatid no?" tanong niya.

"Hm. Masaya pero at the same time nakakaasar din minsan. Si PeeWee kasi since bunso tapos girl pa, spoiled brat siya. Aside from Julie kasi, si mom din iniispoil siya. Eh ako naman dakilang kontrabida daw ako sa kanya. But I'm just looking out for her." sabi ko.

"Haha. I think that's normal. Si Kevs din over-protective sa akin eh. Since matanda siya ng konti sa akin, he tends to baby me. Parang kapag nakikita niya ko na medyo maikli yung suot nagagalit siya. Then kapag naman medyo nallate ako ng uwi because of school, galit din siya. Dinaig niya pa dad ko eh. Haha."

"Haha. Ganun siguro talaga kapag importante ka sa isang tao." sabi ko.

"Yeah." sang-ayon niya. Napalingon kami kanila Julie na abala pa rin sa pag-aayos ng mga ibibigay sa guests. "Kayo ni Julie..."

"Hindi kami. We're just friends." sabi ko.

"Haha. I know that. You don't have to sound defensive Elmo. I was just gonna ask kung kailan kayo naging friends." aniya.

Jusme. Mukha ba kong defensive na sinabi ko kanina? Di naman ah. Eh kasi yung tanong niya eh.

"We've been friends since we're practically just a fetus. Bestfriends yung moms namin. Tapos neighbors pa kami and sabay lumaki. So yun." sabi ko.

"Masaya kasama si Julie no? Nakakainggit siya kasi ang dami niyang friends. Ako kasi mahiyain eh."

"Sobrang masaya siya kasama. She never runs out of ideas. Tsaka malakas siya mantrip. Tsaka alam mo si Julie, magaling magbasketball yan eh. Hahaha. One time, naglaro kami sa bahay kasama sina Axel tsaka Kevin. 2 on 2 kami. Akalain mong natalo namin yung dalawa. And most of the points are made by her. Kaya sina Axel sobrang natutuwa rin sa kanya." kwento ko.

"Haha. So parang ano? Tomboy siya?"

"Uy hindi ah! Julie is Julie. Sabi ko nga diba, we grew up together. Tapos she only has one sibling. Si Kuya Fort. So yun. Puro lalaki kaming nakapalibot sa kanya kaya she somehow acts like a guy. Pero no. Hindi siya tomboy." sabi ko.

"Ah. Pero ang cool lang that she's the student government's president. Tapos she's a candidate pa for Magna Cum Laude. Tapos she's handling this kind of business. Buti di siya napapagod no?" ngumiti ako sa kanya saka tumango.

"Si Julie yan eh. Basta nakakapagpasaya siya, she won't complain about the stress she's feeling. Minsan nga nahihiya na ko sa kanya kapag may problema ako eh. Kasi dagdag lang ako sa mga iniisip niya. Pero wala eh. She's all I need eh." sabi ko.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon