20

4.5K 69 5
                                    

Chapter 20

"Gave it already." ani PeeWee pagsilip niya sa kwarto ko.

"Thanks, PeeWee." sabi ko saka na nagtuon uli ng pansin sa tv.

"Kuya, why didn't you go to the orphanage today?" tanong niya. Pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa tabi ko.

"I asked for a new schedule." sagot ko.

"Why?" tanong nanaman niya.

"PeeWee, I have other things to do." sabi ko trying to dismiss the subject.

"Are you and Ate Julie in a fight? I mean, you've been ignoring each other for a week already. Tapos kanina, instead na ikaw magbigay sa kanya personally nung band-aids and food, ako pa inutusan mo."

"Halika nga dito." sabi ko at saka ko siya pinalapit lalo sa akin. Inakbayan ko siya and we both stared at nothing.

"Bakit kuya?"

"Friends fight PeeWee. Pero your Ate Julie and I are not in a fight. Uhm... Ano ba? Ano..."

"You're avoiding each other." sabi niya. "You like her. Diba? You liked her since then?"

"I don't know..."

"You're in love with her kuya. I can see it in your eyes."

"Paano mo naman nasabi? Di ka pa naiinlove." sabi ko naman.

"Kuya, your eyes are your worst enemies. Alam mo ba yun? I know how you look when you're happy and when you're not. I know how you look like when you're in love kasi kay Ate Julie mo lang naman pinapakita yung ganun emotions mo eh. Yung nagssparkle yung eyes mo as if they are diamonds."

Natawa ako saka ko ginulo ang buhok niya and kissed her temple.

"Alam mo, kakabasa mo ng mga librong binibigay ni Julie, kaya ka nahahawa sa kanya. You've become a hopeless romantic." sambit ko. "Sige na. Go back to your room or something. Istorbo ka matutulog ako eh."

"You've been sleeping the whole day. Signs ng brokenhearted yan kuya. Hahaha." halakhak niya.

"Get out of my room, PeeWee. I'm going to sleep again." sabi ko.

"Haha. Whatever." aniya saka na lumabas ng kwarto ko.

As usual, hindi na ako maagang nagising kinabukasan. Wala rin ako sa sarili nang maghanda para sa school.

"You look like a zombie." puna ni PeeWee sa akin.

Tumingin ako sa kanila ni mom at parehas lang silang nakatitig sa akin.

"Is there something wrong anak?" mom asked. Umiling naman ako and continued with my breakfast.

"Bye, ma." paalam ko pagkatapos.

"You're late kay Julie. Baka naiinip na yun." sabi niya.

"Uhm... Ano kasi..."

"They're not in good terms now, mommy. They haven't talked for a week kaya yun. Di na sila sabay pumapasok ng school."

"Talaga?!" gulat na tanong ni mom. "Why is that?"

"Long story, ma. I'll go ahead." sabi ko saka na nagmadaling umalis.

Pagdating sa school ay agad akong sinalubong nina Axel.

"Brad! Alam mo na ba?" tanong ni Jack.

"Ang alin?"

"Na nanliligaw na si Miguel kay Julie. Alam mo na ba yun? Ha? Ha? Ha?" si Kevin.

"Ah. Oo alam ko na yun." sagot ko.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon