25

4.4K 55 1
                                    

Chapter 25

"Julie, kakain na." sabi ni manang mula sa labas ng kwarto ko.

"Hindi po ako gutom, nang." sagot ko.

"Mula pagdating mo kahapon galing sa orphanage hindi ka pa kumakain. Baka naman magkasakit ka niyan. Mapapagalitan kami ng mama at papa mo. Sige na anak. Kain ka na kahit konti lang."

"Mamaya na lang po. Hindi pa po talaga ako nagugutom."

Narinig ko na ang pag-alis ni manang mula sa pinto ng kwarto ko. Umupo ako sa kama at saka nilibot ang tingin ko sa loob ng kwarto. Ang dami ng nagbago. Parang dati, itong kwarto ko yung tambayan ni Elmo kapag wala siyang magawa sa kanila. Pero ngayon, parang wala ng sense yung kwarto ko kasi wala naman na yung gumugulo sa mga gamit ko.

Kukunin ko sana ang laptop ko nang mapukaw ng attention ko ang isang makapal na envelope. Kinuha ko yun at saka tinignan ang laman. Isa itong scrapbook na kulay itim ang cover at may nakaprint gamit ang silver marker na:

'26 Signs That You Are In Love With Your Bestfriend by Maqui & Peachy'

"Signs?" pagtataka ko.

Nagpunta ako sa kama at muling umupo saka ko binuklat ang scrapbook. Sa bawat page nun ay may pictures kami ni Elmo. Siguro nakuha nila yun sa Instagram ko or sa Facebook. Nakakatuwa dahil makikita dun na ang tagal na pala talaga naming magkaibigan ni Elmo.

Nilipat ko ang page at nakita ang iba pa naming pictures. May picture pa nung naglaro kami ng basketball sa village. Siguro ay 16 lang kami nito. Nagchampion ang team namin dahil sa akin. Sa picture, parehas kaming nakasuot ng black na basketball jersey. Parehas pawisan pero malalapad ang ngiti namin. Sa sumunod na page naman ay yung picture namin ni Elmo nung nagouting kami. Mga 19 years old ata kami nito. Nagpunta kami nun sa Mt. Banahaw at dahil umaambon ay naging madulas at maputik kaya sa picture namin ay puno kami ng putik sa damit maging sa mukha. Sa sumunod na page naman ay ang picture namin nung nagpunta kaming magbabarkada sa Palawan. Kuha ito sa beach. Nakasakay ako sa balikat ni Elmo at parehas kaming nakapose na parang macho. Naalala ko ang ginawa namin nun. Naglaro kami ng chicken fight sa dagat at kaming dalawa ang nanalo laban kanila Maqui at Gino.

"We've been with each other in every stage of our lives. Napakalabo ngang hindi mahulog ang isa sa atin."

Sinara ko na ang scrapbook nang maramdaman ko ang nagbabadyang luha sa mata ko. Agad akong bumaba at saka na lang lumabas at nagpunta sa bahay nila Elmo. Naabutan ko si Yaya Vicky na nagdidilig sa labas ng bahay nila kaya nilapitan ko siya.

"Hello po Yaya Vicky!" bati ko.

"Uy, Julie! Ngayon ka na lang uli napadalaw ah." masiglang sambit niya.

"Oo nga po eh. Uhm. Andyan ba si Elmo?" tanong ko.

"Nako umalis. Eh akala ko nga kasama ka niya eh. Makikipagkita daw siya sa mga kaibigan niya." sagot niya.

"Ah ganun po ba? Nako baka gabi na umuwi yun. Bukas na lang siguro ako babalik."

"Ay nako. Aalis sila nila madam bukas. Sa Cebu daw sila mag Papasko dahil yun ang gusto ni Donya Charito." aniya.

"Ah. Ganun po ba? Kailan sila babalik?"

"Hindi ko alam eh. Pero mukhang hanggang pagkatapos na sila ng New Year dun."

After New Year? Pero kasal ni kuya ng January 3. Hindi ba siya pupunta? Pero he's the bestman.

"Uhm... Yaya, si PeeWee ba andyan?"

"Umalis sila ni madam eh. Nagrush si madam bumili ng mga panregalo."

"Ah. Osige po. Thank you na lang yaya." sabi ko. Ngumiti siya at tumango kaya naman pumihit na ako at naglakad pabalik sa bahay.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon