30

4.6K 69 4
                                    

Chapter 30

Andito ako sa isang bar sa may bayan. Naguguluhan talaga ako sa nangyari kanina. Mahal daw niya ko? Pero bigla niyang sinabi na hindi siya sigurado. Ang daya naman eh! Nung sinabi ko namang mahal ko siya, sigurado naman ako ah? Bakit kapag siya nag-aalangan? That's unfair. Love is suppose to be fair. Right?

'Man, it's been a long night

Just sitting here, trying not to look back

Still looking at the road we never drove on

And wondering if the one I chose was the right one

Oh, but I'm scared to death

That there may not be another one like this

And I confess that I'm only holding on by a thin thin thread'

"Kuya, isa pa po." sabi ko sa bartender. tumango siya saka na ako binigyan ng isa pang bote ng beer.

Tahimik na uli akong uminom. Wala namang masyadong tao dito eh. Palibhasa, it's Christmas and people are staying in their own homes to celebrate with their family. Eh ako? Heto nakatengga sa bar sa di ko malamang dahilan. I should be happy diba? Kasi sinabi niya na finally na mahal niya rin ako. Pero what am I doing? Tama nga siya. Dito ako magaling. Yung sa pag walk-out. Pero kasi, ang gulo talaga eh.

'I'm kicking the curb cause you never heard

The words that you needed so bad

And I'm kicking the dirt cause I never gave you

The things that you needed to have

I'm so sad, saaad

I'm so sad, so sad'

"Finally! I knew you'd come here." nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Raymond. "Kuya, isang beer po."

'Oh, but I'm scared to death

That there may not be another one like this

And I confess that I'm only holding on by a thin thin thread'

Tumabi siya sa akin at saka tahimik na uminom din. Bakit andito to?

"What are you doing here?" pagtataka ko.

"I'm drinking beer dude. Bawal na ba?" tanong niya.

"No. Pero you're supposed to be at home." sagot ko naman. Nagkibit-balikat lang siya at saka tahimik na uminom ulit.

"Alam mo, akala ko ako tong may pinakamalaking problema sa atin eh. Yun pala ikaw." aniya.

"Huh?" pagtataka ko.

"Si Julie. Diba? Nag-away kayo kanina? Tsk. Umalis nga siya na umiiyak eh. Nako. Kawawa naman siya dude. You made her cry." iiling-iling na sambit niya.

"Hindi kami nag-away." sabi ko.

"Weh? Eh anong nangyari kanina? Nagbatian kayo ng Merry Christmas tapos nagwalk-out ka tapos umuwi siyang luhaan? Astig nun. Pano yun?" biro niya. "Turuan mo nga ako nung technique mong ganun dali!"

"Baliw. Hindi kami nag-away. She uhm... Ano kasi eh..."

"Alam ko. She told you that she loves you. Eh anyare sayo? Bakit lumayas ka? Hindi ka ba masaya na sinabihan ka niya nun?"

"Paano mo..."

"Sa lakas ng sigawan niyo kanina, napakalabong walang makarinig na iba sa inyo. Dude, you're an asshole. You left the girl you love just because she told you that she loves you too?! How stupid!"

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon