Chapter 41
It's been a week since the accident and I hate it. Hindi ako makakilos ng maayos. Di ako makalakad. Nakakainis! Sa dinadami-dami naman kasi ng tatamaan nung ATV bakit yung legs ko pa? Pwede namang sa puno na lang. Bakit kailangan legs pa? Argh! Kagaya ngayon. Aalis na sila mama at papa pabalik ng London. Hindi man lang ako makapagsuot ng pants dahil ang laki nung cast sa paa ko.
"Dear, magshorts ka na lang or dress. Halika na. Ako na magbibihis sayo." sabi ni Elmo.
Kanina pa siya nakatambay dito sa kwarto ko habang hinihintay akong magdecide ng isusuot.
"Wala ako sa mood magdress. Ayoko magshorts. Malamok."
"Lalagyan kita ng Off lotion tsaka ng anti-mosquito patch. Come on, baby. Tayo na lang hinihintay nila." aniya.
May narinig akong katok sa kwarto at sumilip si mama mula sa uwang nun.
"Are you guys ready?" tanong ni mama.
"Di pa po bihis si Julie eh." sabi naman ni Elmo.
"Sige na Elmo. Ako na muna bahala dito." sabi ni mama kaya lumabas saglit si Elmo sa kwarto.
"Tutulong na lang po ako maglagay ng luggage niyo sa kotse." paalam niya.
Pagpasok ni mama ay umupo siya sa kama ko. Ako naman ay nakaupo sa wheelchair. Ugh. I hate wheelchairs.
"Why aren't you dressed yet?" tanong niya sa akin.
"Do you really have to go now? I'm not yet well, ma. Can't you stay just until the cast comes off?" himutok ko. I feel like a five year old kid again.
"Honey, we can't stay long. The hospital needs us." sagot niya.
"But I need you too." sabi ko naman. Umiyak na ako na parang bata saka pa marahas na pinunasan ang mga luha ko. I'm just gonna miss my parents so much. Ilang taon nanaman nito bago sila uuwi.
"Aww, sweetie. Please don't make this hard for us. Alam ko na yung vacation namin is not very long compared to the years we stayed in London pero sweetie, you know mama and papa needs to work diba?"
"Ma, I'm a college graduate already. And when I pass the board exams, I can finally have work and you and papa can just stay here and be with us." sabi ko. "Wag na kasi kayong umalis." hikbi ko.
"We've talked about this already. Diba?" aniya saka pinunasan ang luha ko. "Did you tell him about it?" umiling ako at niyakap niya na lang ako.
"I can't..." sabi ko. "Mahirap eh. Parang... Basta. Mama, stay here na lang please."
"You have to if you really want this. Besides, maiintindihan ka naman niya if he loves you." sabi niya.
"Ayoko siyang iwan."
"You're not gonna leave him naman, anak."
"Ang hirap, ma." iyak ko at yumakap ng mahigpit sa kanya. "Stay here na lang so that I won't be feeling this way. Please mama."
"Anak, you agreed to this already diba? Everything's settled already. Ikaw na lang ang hinihintay."
"But I only agreed because he wasn't part of my life yet..."
"He has always been a part of your life. And even if you will push through with our plan, he will still be a part of your life."
Nakarinig kami ng katok mula sa pinto at agad akong humiwalay kay mama at mabilis na pinunasan ang luha ko.
"You ready?" tanong ni Elmo.
"Yeah. 5 minutes." sabi ni mama. "Fix yourself. And think about it again. Okay?" tumango ako saka na lang naisip na yung isang dress na binili ko ang isusuot ko.