48

3.7K 73 3
                                    

Chapter 48

"You sure everything's here?" tanong ko kay Julie habang sinasara ang maleta niya.

"Yeah." sagot niya saka na lumabas mula sa walk-in closet niya.

Suminghap ako at tumingin sa kanya. She's going to London today.

"What?" tanong niya. "Okay lang ba yung suot ko? I mean, I'm just going to sit on the plane for 17 hours."

Tinignan ko ang suot niya. Nakacheckered polo siya, black skinny jean, sneakers at nakabraid lang ang buhok niya. Dala niya ang hand-carry bag niya at ang passport at ticket niya.

"Uhm... Y-yeah. You look great kahit ano pang suot mo." sagot ko. "Uhm... Are you ready?" tanong ko.

"Ikaw?" umiling ako at agad siyang yumakap sa akin. "Me too." she breathes.

"But you have to." sagot ko saka sinuklian ang yakap niya. "I'm gonna miss you."

"I'll miss you too." aniya.

Kumalas na ako sa yakap saka na kinuha ang maleta niya at hinawakan ang kamay niya.

"Let's go?" tanong ni Kuya Fort. Tumango kami at saka na sumakay sa kotse.

Pagdating sa airport ay binaba ko na ang mga gamit niya at nilagay sa luggage cart habang nagpapaalam siya sa kapatid niya at kay Ate Steffie.

"Don't worry about us. Ako bahala kay Elmo." sabi ni Kuya Fort sa kanya.

"Just study hard, baby. Alam naman naming kaya mo yan. Enjoy ha?" sabi naman ni Ate Steffie. Tumango si Julie saka pinunasan ang luha niya.

"Ate, ninang ako ha?" sabi niya kay Ate Steffie. Natawa naman ito at tumango.

"Syempre naman. Ikaw ang principal sponsor ng baby namin no." sagot naman ni Ate Steffie. "Besides, sa September pa naman ang due date ko. Kapag nagpabinyag kami, magfacetime na lang tayo. Haha." biro pa niya.

Narinig ko na ang pagtawag sa flight niya kaya tinawag ko na siya.

"Dear..." untag ko. Lumingon siya sa akin at agad na lumapit at yumakap. Kinulong ko naman siya sa mga bisig ko at naramdaman ko na lang ang pag-agos ng mga luha niya sa damit ko. "Mag-iingat ka dun ha? Wag kang masyadong magpupuyat. Iba ang timezone natin pero para sayo, willing akong magpuyat at hindi matulog para lang makausap kita. Mag-aaral ka ng mabuti ha? Tsaka wag mong kakalimutan yung vitamins mo. Tapos kapag masakit ang ulo mo, itulog mo tsaka uminom ka agad ng gamot. Wag kang magsusuot ng maiiksi kung nasa labas ka ha? Wala ako dun para protektahan ka. Wag kang magsusuot ng heels, clumsy ka pa naman. Tsaka magsuot ka ng jacket ha? Madali ka pa namang sipunin kapag malamig. Tsaka bonnet para di lamigin yung ulo mo. Magsuot ka ng gloves kapag sobrang lamig tsaka socks ha? Tsaka wag kang magpapalipas ng gutom. Tsaka babe, tandaan mo mahal na mahal kita ha?" tuluy-tuloy na paalala ko sa kanya. Tumango siya sa dibdib ko at naramdaman ko pa lalo ang pag-iyak niya.

Tumingala siya sa akin at saka niya pinunasan ang mga luha ko. Umiiyak na rin pala ako hindi ko pa namalayan.

"Wag kang mambababae dito ha? Ako lang dapat babae diyan sa buhay mo maliban kay PeeWee at Tita Priscilla. Wag ka din uuwi ng lasing ha? At wag kang makikipag-inuman kapag hindi sina Will at sina Axel kasama mo. Mag-aral ka din mabuti ha? Sa June na yung exam niyo dito. Kaya mo naman yan eh. I trust you. Tsaka baby, mahal na mahal din kita." aniya. Umiyak na ko lalo at saka pa sinubsob ang mukha ko sa leeg niya. "Wag mo ko masyadong mamimiss. Baka wala pang isang oras bumalik na ko dito."

"Julie, baka malate ka." ani Kuya Fort.

Tumango na si Julie at saka na ko kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon