17

4.2K 57 2
                                    

Chapter 17

"So Julie, about dun sa acquaintance party next week, sure ka ba na papayag sina Maqui na sila na mag-organize? Di ba masyadong minamadali?" tanong sa akin ni Jam.

Andito kami ngayon sa Snackers, yung isang resto pa ni Kuya Mico. Tapos na kaming kumain at nagpplano na lang sa mga kailangan para sa party na gagawin next Saturday.

"No it's okay. Isa naman ako sa co-owners nung business eh. Tsaka mas madali tayong matatapos if we ask for their help." sabi ko. Tumango na sila kaya tinawagan ko na si Maqui.

"If you're telling me that you finally realized na mahal mo ang bestfriend mo then go. Pero kung iba yan, nevermind." bungad niya. Napakunot ang noo ko saka ako huminga ng malalim.

"Maq, I'm calling you kasi para sa school to."

"Okay. Talk to me later then." wala sa mood na sabi niya.

"Maqui naman eh!" angal ko.

"Tsk. Ano ba yun Julie Anne? Graduate na kaya ako! Ayoko na mastress ulit pwede?" aniya.

"Tsk. About sa party ng school to. I need your help."

"Wala akong kilalang clown." aniya.

"Hindi kasi kailangan yun! Will you let me finish first?"

"Ano ba yan! Oh ano ba kasi yun?" halata sa boses niya ang irita.

"Meron ka ba ngayon? Ang sungit mo."

"Ano? Magtatanungan na lang ba tayo dito ng schedule ng menstruation o pag-uusapan natin yang party chuchu na yan?"

"Tsk. Sungit talaga. Anyway, yung party kasi ang theme namin is ice. So we're thinking na kung pwedeng sa ice bar gawin. Diba may friend kang owner ng ice bar? Baka naman we can have a discount since friend mo naman siya."

"Ang kuripot mo talaga. Puro discount nasa utak mo." sabi niya. "Tatanungin ko siya mamaya. Ano pa?" tanong niya.

"Uhm. Free na yung photobooth eh. Tapos since sa bar naman na yun, I guess kasama naman na sa package yung drinks and food. Uhm. Yung giveaways na lang."

"Edi magbigay kayo ng tig-iisang bag ng ice. Simple oh."

"Maqui..."

"Tsk. Kasi naman eh. I'll ask kung pwedeng jigger glasses yung giveaways." aniya.

"Okay! Thanks, Maq."

"Yeah whatever. And pwede? Pag tatawag ka yung kapag naramdaman mong mahal mo na si Elmo. Okay?"

"Bye Maqui! Love you!" sabi ko saka na tinapos ang call. Bakit ba kasi pinipilit nila ni Peachy na mahal ko si Elmo? Bestfriends kami for Christ's sake!

"So?" sabay-sabay na tanong nila.

"All set!" sabi ko.

"Winner!" malanding sabi ni Douglas.

Nagkwentuhan pa kami habang nagpapalipas ng oras sa resto. Mahaba kasi ang break naming lahat kaya naisipan na lang naming magstay dun.

"Uy! Si Elmo yun diba?" tanong sa akin ni Mia.

Lumingon ako sa direction ng tinuturo niya at nakita nga si Elmo na naglalakad. Kasama niya sina Axel, Jack at Kevin. Mukhang galing sila sa Burrito Brothers sa tapat ng Snackers.

"Onga pala, Japs bakit di kayo sabay ni Elmo ngayon? Diba pag Monday, bestfriends' lunch day niyo yun?" pagtataka ni Camille.

"Ah. Wala. Nakapayag na kasi akong sumama sa inyo eh." sabi ko na lang.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon