Chapter 5
"Hi, Julie!" nagulat ako when a guy came up to me. Tumingala ako para makita siya and despite of the strobe lights and the blacklights, ay nakilala ko kung sino siya.
"Uy! Hi, Miggy!" bati ko pabalik.
"Hi! I thought you won't remember me." nakangiting sabi niya. Natawa ako at napailing.
"Of course not." sabi ko. "Onga pala. Related ka ba sa debutante?" tanong ko.
"Yeah. She's my cousin. Si Candace. The only princess sa family."
"Kaya pala eh." sabi ko.
"Anyway. You guys did a great job around here. Kayo ang nag-organize diba?"
"Yeah. Haha."
"Nice. I think my aunt likes your job. She looks pleased." sabi niya sabay tingin sa tita niya na nakaupo kasama ang sa tingin ko'y family members din nila at nagkakatuwaan.
Tumingin ako sa paligid at nakitang wala sila Maqui at Peachy sa dancefloor. Maging si Elmo ay nawawala.
"Uhm. I think my friends went out." sabi ko.
"Ah ganun ba? Sorry. Haha. Maybe we can bond some other time? Yung tahimik?"
"Yeah sure. Uhm... May auditions for the dance competition next week. You guys are the judges diba? Kasama ng officers?" tanong ko.
"Yes. I'll see you then?" aniya.
"Yeah. See you! Nice to see you here, Migs." nakangiting sabi ko sa kanya.
"You too, Julie." he replied and we went our separate ways.
Lumabas ako ng hall and looked for my friends. Wala si Maqui and Peachy sa mobile bar sa loob kaya naisip ko na baka nasa photobooth sila na nakaset-up sa labas by the pool. And sure enough they are there.
"Maq! Peach!" tawag ko.
Lumingon sila sa akin sabay senyas na lumapit ako. Tumakbo naman ako and squeezed in between them just in time for the camera. We took several shots using props and doing wacky poses.
"Hey. You guys seen Elmo?" tanong ko nang makuha namin ang last picture na naprint.
"Hm. I think kanina nasa may mobile bar siya eh. Not sure though." sagot ni Peachy.
"Uy. Si Miggy ba yung kumausap sayo kanina sa dancefloor?" tanong naman ni Maqui.
"Yeah." simpleng sagot ko.
"As in The Miggy Que? Yung leader ng dance troupe?" tanong ni Peachy.
"Uh... Oo?"
"Taray! Ikaw na talaga girl. Ikaw na!" sabay na sabi nila ni Maqui saka pa nag-apir.
"Huh?" pagtataka ko. Anong meron?
"Ang shunga mo lang. May crush sayo yun since highschool diba?" sabi ni Peachy.
"Gaga. Paano niya naman malalaman eh daig pa lalaki niyan kung kumilos. Tomboy yan eh! Hahahahaha." halakhak ni Maqui.
"Hoy hindi ah! Baliw!" sabi ko. "Makatawag naman ng tomboy."
"Hahahaha. Joke lang! Eh kasi naman. 21 ka na NBSB pa din. Kalokang to!" ani Maqui.
"Oh bakit? Si Peachy din naman ah."
"Girl iba ako. Majubis ako so alamona. Hahaha. But you! You are one hot girl! Actually madami namang nagkakandarapa sayo eh. Medyo basted lang agad kasi nga boyish ka. Haha. Sayang. Ang gwapo pa naman nila." sabi naman ni Peachy.