27

4.2K 57 1
                                    

Chapter 27

Maaga akong nagising kinabukasan. Medyo na-good mood ako dahil sa nangyari kahapon. Bati na kami nina Maqui at Peachy at isa na rin si Cielo sa close friends ko. Bumaba ako sa kitchen at nagulat pa si manang nang makita ako.

"Good morning manang!" masiglang bati ko.

"Oh! Ayos ka na ba? Kahapon lang eh matamlay ka ah?"

"Haha. Nako. Okay na po ako. Bati na kami nila Maq eh." sagot ko.

"Mabuti naman. Ano? Kakain ka na ba? Ipagluluto kita. Anong gusto mong kainin ha?" sunud-sunod na tanong niya.

"Yung favorite ko, manang." nakangiting sabi ko.

"Osige. Maupo ka na diyan at magluluto ako."

Pinanuod ko si manang habang hinahanda niya ang ingredients para sa kakainin ko. Ewan ko ba. Basta ang gaan lang ng pakiramdam ko.

"Ang ganda ata ng gising mo ngayon." sabi ni manang habang naghihiwa ng ham.

"Ah. Sakto lang po." sagot ko.

"Si Elmo pala nasa Cebu no? Nakausap ko si Vicky kanina eh. Ang sabi niya kahapon daw ng umaga umalis."

"Opo. Dun daw sila magpapasko eh."

"Ah. Kay Donya Charito. Eh bakit nga pala parang hindi na nadadalaw yung batang yun dito ha?" tanong ni manang.

"Ano kasi manang eh. Medyo may tampuhan po kami kaya ayun."

"Ganun ba? Nako. Magpapasko na anak. Magbati na kayo." sabi niya sa akin.

"Opo. Ayoko din namang hindi kami magkaayos ni Elmo. First time naming mag-away ng ganito katagal eh. Medyo namimiss ko na yung magulo sa buhay ko. Hahaha."

"Hahahaha. Nako ikaw bata ka talaga. Mabait naman yang kababata mo eh. Sobra ka nga alagaan nun. Naalala mo ba dati? Nung mga bata pa kayo, nakakain ka ng pagkain na may hipon, iyak siya nang iyak kasi akala niya mamamatay ka na. Nako! Naalala ko yun. Ayaw niyang umuwi sa kabilang bahay dahil baka daw di ka na niya makita ulit. Hahahaha." kwento niya. "Minsan nga iniisip ko, bakit kaya di na lang maging kayo no? Tutal sobrang kilala niyo naman na isa't isa."

"Haha. Manang, magkaibigan po kami ni Elmo." sabi ko.

"Ay nako. Yan nga ang maganda sa isang relasyon. Yung magkaibigan muna bago naging kayo. Kasi alam niyo na ang mga ayaw at gusto ng isa't isa. Hindi na kayo mahihirapan. Isa pa, kapag magkaibigan kayo bago pa naging kayo, hindi na kayo mahihirapan sa pakikisama. Diba? Hindi niyo na din kailangan magpaimpress."

Ngumiti lang naman ako sa sinabi niya.

"Bakit anak? May iba ka bang gusto?" tanong niya.

"Nako. Wala po."

"Edi gusto mo si Elmo?" tanong niya. Hindi naman ako nakasagot kaya tumawa siya. "Sabi ko na nga ba eh! Pinagdasal ko talaga yan eh. Gabi-gabi akong nagnonobena para lang sa inyo ni Elmo. Lagi kong hinihiling na mauntog kayong parehas at mahulog sa isa't isa! Hay! Salamat naman sa Diyos."

"Manang talaga." sabi ko.

"Nako. Julie, dalaga ka naman na. Tsaka hindi naman siguro ako ang kauna-unahang nagdasal nun no? Panigurado namang madami na ang nakapansin sa inyo." aniya. "Oh. Kumain ka na ha? At makipagbati ka na kay Elmo. Gusto ko pa alagaan ang magiging anak niyo."

"Manang!" tumawa lang naman siya at saka na umalis ng kusina.

Nasa mall kami ngayon nina Maqui, Peachy at Cielo. Napilitan lang talaga silang sumama sa akin kasi tapos na sila mag Christmas shopping. Samantalang ako, heto. 4 days before Christmas pa naisipang mamili.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon