Chapter 55
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa baba. Parang ang daming tao? May bisita ba kami? Pupungas-pungas pa ang mata ko nang bumaba ako at laking gulat ko nang makita kung sino ang mga bisita namin.
"Julie Anne!!!!" sabay-sabay na sigaw nina Maqui, Peachy, Cielo at Bonna. Sumugod sila sa akin at sabay-sabay akong niyakap. Ako naman parang tuod lang dahil sa pagkabigla ko.
"Ano ba yan! Tila naman ako yumakap sa kawayan!" reklamo ni Peachy.
"Ayaw mo ba nun Tabs? Apple na lang kulang." asar ni Maqui sa kanya.
"Loko ka ha!" ani Peachy. Tumawa lang naman sina Cielo at Bonna sa kanila. "Ano Julie? Ganyan na lang tayo?"
"H-ha? H-hindi. Ano kasi..." bigla akong yumakap sa kanilang apat at saka napaiyak. "Shet kayo! Bakit di niyo sinabi na you're coming here? Mga leche talaga kayo!" iyak ko.
"Ah, bee? Anong part ng surprise ang may sabing dapat sabihan ang isusurprise? Pakiexplain." ani Maqui.
Tinignan ko naman silang apat saka ngumuso. Bwiset na mga to. Babarahin pa ko eh ngayon na nga lang uli kami nagkita.
"Uwi na dun. Balik ng Pinas!" utos ko at saka pa sila kunwaring tinutulak palabas ng bahay.
"H-hoy! Wag mo kami idawit ni Cielo diyan!! Nananahimik kami!" angal ni Bonna.
"Oo nga, Ju! Wag ganun!" sabi naman ni Cielo.
"Julie mahal ang ticket! Nakaalis na yung eroplano. Cancelled na lahat ng flights!" sabi naman ni Peachy habang tumatawa.
"Kasi naman eh. You came all the way here para lang bara-barahin ako. Yung totoo?" sabi ko sa kanila.
"Aysus! Drama mo, bee. Di mo ba namiss yun? Kasi kami oo." sabi naman ni Maqui sabay yakap sa akin. "3 years kaya kitang di nabara personally, Julie Anne. Nakakamiss yun ha!"
Yumakap na rin ako pabalik sakanya at sumali naman sina Peachy, Cielo at Bonna.
"Pero teka. Bakit biglaan?" tanong ko.
"Haha. Actually late pa nga kami. Supposedly kasi our arrival would be Friday last week. Kasi nga diba graduation mo last Saturday? So yun. Eh kaso heto kasing Peachy Margarette Tan na to, mali pala ang flight details na sinabi niya. Kaya ayan! Late na!" ani Bonna.
"Oh. Eh sorry na. Medyo naduling eh." sagot naman ni Peachy. "Yaan niyo na. Atleast we're still here." dagdag pa rin niya.
"Eh kaso nga tapos na graduation ni Julie. Alam mo yung feeling na nakaready na yung luha ko, tabs? Yung stage bestfriend ang peg ko? Andun na eh! Ready to cry na ko kaya lang wrong move ka eh! Ayan tuloy. Paano pa ko makakadrama?"
"Talaga yats?" tanong ni Peachy. Tumango naman si Maqui sabay lumingon sa akin si Peachy. "Halika babe." aniya.
"Oh. Saan tayo pupunta?" pagtataka ko.
"Gusto ka daw makita ni Maqui maggraduate. Hala sige. Reenact natin for her." agad naman siyang nakatanggap ng malakas na pagbatok mula kay Maqui. "Ouch!!"
"Taba ng utak mo ha?!" ani Maqui. "Teka. Bee, medyo kakadating lang talaga namin eh. Patulog?"
"Hahahaha. Sus. Yun lang pala eh. Let's go sa guest room."
Habang nagpapahinga sila ay tumulong naman ako kanila mama at Ate Steffie na magprepare para sa mga pagkain. Ngayon lang free si mama kasi nagfile siya ng leave. Turns out na alam pala nilang lahat na dadating sila Maqui.
"Mama, ang daya mo. Bakit di niyo sinabi?" tanong ko. Tumawa lang naman siya at nagpatuloy sa paghiwa ng ingredients para sa lulutuin niyang food.
"Kasi sabi nila wag ko daw sasabihin sayo." simpleng sagot niya.