28

4.4K 75 10
                                    

Chapter 28

Nakaupo kaming tatlo nina Will at Raymond sa beach chairs at ang ibang mga pinsan naman namin ay naglalaro ng beach volleyball sa di kalayuan. Dumating kaninang umaga sina Claude, Gus at sina Tito Hector at Tita Claudine. Si Tito Wilfred naman at Tita Bernadette naman ay mamayang gabi daw ang dating. Kagabi naman dumating si Tito Stephen.

"Hindi ka pa din magkkwento?" tanong ni Will kay Raymond.

Simula nang makauwi kami galing sa plaza kagabi ay hindi pa kami kinakausap ni Raymond. Pagdating kasi naming magpipinsan ay nakakulong na siya sa kwarto niya. Bumuntong-hininga naman siya saka na lang uminom ng softdrinks.

"Hindi na siya dapat bumalik eh." sabi niya makalipas ang ilang saglit pang katahimikan. "Dapat nagstay na lang siya sa Manila eh. She shouldn't have come back. Gugulo nanaman lalo eh."

"Bakit ba?" pagtataka ko.

"She left me to study in Manila. At first okay pa sa amin ang long distance relationship. Until one day she broke up with me dahil may iba na siyang gusto. And now she's back. Ano ang mangyayari? Kasama niya ang bago niyang boyfriend tapos ano? Ipapakilala niya ko? As what? As her ex? That's bullshit!"

"Yup. Bullshit." sang-ayon namin ni Will.

"Matatanggap ko naman kung magkaron siya ng iba eh. But what I can't accept is that she had him while she's still with me. She cheated on me and yet she has the nerve to break up with me!" sabi niya pa.

"And you can't move on? Naapakan ang ego mo?" tanong ni Will.

"I can't move on because I still love her. Nasasaktan pa rin ako. Pero wala naman akong magagawa because she chose him over me." aniya.

"I feel your pain." sabi ko naman. Napatingin silang dalawa sa akin at halatang nagtataka sila. "Julie chose some other guy over me."

"So you mean naging kayo talaga?" tanong ni Mond. Umiling ako at malungkot na napangiti.

"I liked her. Hell, I even love her. Pero wala eh. She only sees me as her most trusted bestfriend. Hanggang sa heto na. Parang hindi kami magkakilala kung magturingan."

"Fuck your lives." comment ni Will. "Kaya ayoko din magkaron ng girlfriend eh. Girls are just unpredictable."

Tumango kami ni Raymond at nagpatuloy na lang sa panunuod sa mga pinsan namin.

December 24 na. Busy na lahat ng tao dito sa bahay ni lola. Lahat ng maids ay abala na sa paghahanda ng mga iluluto para mamayang Noche Buena. Kaming magpipinsan naman ay abala sa paglalagay ng mga last minute decorations sa bahay. Sina mom naman at si lola ay abala sa pag-uusap tungkol sa mga gagamiting kubyertos mamaya.

"Super excited na ko later." sabi ni PeeWee.

"Me too! Sino ba kasing nabunot mo?" tanong naman ni Claude sa kanya.

Ugali naming magpipinsan ang Kris Kringle tuwing Pasko. Pero imbes na material na bagay ang ireregalo ay maggrant lang kami ng wish sa kung sino man ang makabunot sa amin.

"Basta it's a secret." sagot naman ng kapatid ko.

"Hm. Daya mo." sabi ni Claude. Tumawa naman kami sa kanila.

"Sana andito si Ate Julie. I wonder how will she spend her Christmas. Mag-isa pa naman siya sa kanila ngayon." wala sa sariling sabi ni PeeWee.

"Bakit?" pagtataka ni Bonna.

"Kasi Kuya Fort's out of town. Tapos sina Tita Judith and Tito Fernando naman nasa London. So technically, Ate Julie's alone this Christmas." sagot niya.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon