Special Chapter

3.8K 59 2
                                    

5 Years Later

Andito kami sa isang ice cream parlor ngayon. It's my 6th birthday and we're celebrating it with Elmo and his family. Nakasuot ako ng blue tshirt and black shorts tsaka nakasuot ng Vans na pambata. Elmo was wearing the same outfit though his shirt was color orange.

"Mom! I want Julie's ice cream too!" sambit ng batang Elmo habang kinakalabit pa ang mommy niya.

"Anak, you told me na yung Chocolate Overload ang gusto mo. Kaya yun ang inorder ko for you." sabi naman ni Tita Priscilla.

"Julie, share kayo ni Elmo ha?" sabi naman sa akin ni mama. Tumango ako saka tumingin kay Elmo na nakatitig sa ice cream dish ko.

"What flavor is that?" tanong niya.

"Birthday Ice Cream." sagot ko naman. "Gusto mo?" tanong ko.

He smiled his toothless smile and nodded. Ngumiti din naman ako saka inusog ang ice cream dish sa gitna naming dalawa and started sharing.

"Aww. Look at you two!" bulalas ni mama. "Oh dali, picture muna kayo." sabi ni mama sa amin saka kinalabit si Kuya Fort na siyang may hawak ng camera.

"Julie, Elmo smile muna. 1...2...3!" pinicturan kami ni Kuya Fort at pagkatapos nun ay ginulo niya ang buhok naming dalawa ni Elmo. "Happy Birthday, baby!" bati niya sa akin and even kissed my cheek.

"Thank you, kuya!" sabi ko.

"Nakakatuwa no? They always share what one of them has." ani papa kay Tito Edward.

"Oo nga eh. Alam mo, magiging sobrang close yang dalawang yan. Parang kami ni kuya nun. We share everything kaya sobrang close kami." sang-ayon naman ni Tito Edward.

Tumango sina mama at Tita Priscilla sa kanila. Kami naman ni Elmo ay patuloy lang sa pagkain ng ice cream ko. Maya-maya ay dumating na rin ang ice cream niya at nang ilagay yun sa harap namin ay tumingin siya sa akin.

"Share tayo ha?" sabi niya sa akin. I smiled and nodded and we ate his ice cream too.

Pagkatapos naming kumain sa ice cream parlor ay nagtungo kami sa isang amusement park. Nakahawak ako kay kuya nun at si Elmo naman ay kay Tito Edward.

"Julie!" tawag niya sa akin. Lumingon kami ni kuya at nakita ko siya pumiglas kay tito saka siya tumakbo palapit sa amin and held my hand. "Sakay tayo sa airplane!" aniya.

Tinuro niya ang isang ride na puro eroplano ang sasakyan. Tinignan ko naman si mama sa likod at tumango sila ni papa kaya tumakbo na kami ni Elmo papunta dun.

"Hey wait up!" narinig kong sigaw ni kuya. Tumatawa lang naman kami ni Elmo as we run hand in hand towards the ride.

"When I grow up, I will be a pilot. Tapos lilipad tayo hanggang outerspace!" sabi niya sa akin nang makasakay na kami.

"Ako din!" sabi ko naman.

"Kung saan ka, dun din ako." he said and held my hand again.

*****

"Bru!!!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin and saw Elmo running towards us.

It was our Junior year in highschool. Uwian na namin from school nun and pupunta kami nina Maqui at Peachy sa mall to buy materials for our project.

"Oh?"

"Gusto mo sumama? We're gonna play basketball." aniya nang makalapit sa akin.

"I can't, bru. May project kami sa Arts eh." sagot ko.

"Really? Edi sama na lang ako sa inyo."

"Tara na, bee!" untag ni Maqui na naghihintay na sa may kotse namin.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon