26

4.2K 51 0
                                    

Chapter 26

"Andyan na sila!" narinig naming sigawan ng mga pinsan ko. Sinundo kami ng driver ni lola sa airport at ngayon ay nandito na kami sa ancestral house sa Cebu. Malapit ang bahay namin sa dagat. Likod-bahay nga lang eh. Kaya gustung-gusto ko dito.

"Kuya Elmo! PeeWee!" sigawan ng mga pinsan ko habang papalapit sa amin.

"Uy!" bati ko.

"Long time no see, dude." ani Will. Siya ang ka-age ko sa aming magpipinsan. Kaming dalawa bale ang panganay sa lahat.

"Oo nga. It's been a year diba?" sabi ko.

"Oo. Haha. Kung hindi pa nagrequest si lola, di tayo makakauwi dito." aniya.

"Haha. Alam mo naman sila mom. Sobrang busy nila sa kanya-kanya nilang work. Si Tito nga pala tsaka si tita?"

"They're still in Manila. Hindi pa maiwanan ni dad yung project niya eh. Pero they'll be here maybe after 2 days." sagot niya. Pumasok na kami sa loob at dun naabutan ko si Tita Agnes at si Lola Charito.

"Hi, tita. Lola." bati ko saka humalik sa pisngi nila.

"Lola!" excited na bati naman ni PeeWee.

"Patricia!" bati naman ni lola sa kanya.

"Eh. Lola naman eh. Wag mo kong tawagin nun. Hahaha." biro niya kay lola.

"Hay nakong bata ka talaga. Maloko ka talaga like your brother." ani lola. Tumingin siya sa akin at saka nilahad ang kamay. Kinuha ko naman iyon at saka niya ako niyakap. "How's my handsome apo?" tanong niya.

"Gwapo pa din, la. Mana pa rin kay lolo." biro ko.

"Hahaha. Yan tayo sa mana-mana na yan eh!" sabay na sabi nina Will at Raymond.

Nagdiretso kami sa hapag nang tawagin na kami ng mayordoma nila lola. Madami ang pagkain na nakahanda. Akala ko nga may fiesta eh.

"Ma, ang dami naman masyado nito." ani mom nang makita niya ang mga nakahain.

"Ate, alam mo naman si mama. Kapag may isa sa atin ang umuuwi dito eh daig pa ang fiesta sa mga handang pagkain." sambit ni Tita Agnes. Tumawa sila ni mama at kami naman ay nagsiupo na.

"Dude, punta tayo sa bayan mamaya. May tutugtog na banda dun." anyaya sa akin ni Raymond.

"Sus. If I know kuya, yung girlfriend mo lang naman kikitain mo dun eh. Hahaha." biro naman ng kapatid niyang si Raciel.

"Woah! May girlfriend ka na?!" gulat na sabi namin ni Will.

Sa aming 10 magpipinsan kasi, sina Raymond, Raciel at Richie lang ang nakatira kasama ni lola. Parehas kasing nasa Greece ang parents nila dahil sa trabaho kaya naiwan sila kay lola dito sa Cebu. Si Tita Agnes naman ay sa Manila rin nakatira. Anak niya naman si Stella, ang pinakabunso sa aming magpipinsan. Si Will naman ang anak ng panganay na kapatid nila mom na si Tito Wilfred. At sina Bonna, Claude at Gus naman ang anak ng sumunod kay mom na si Tito Hector.

"Anong girlfriend?! Wala no!" sagot niya.

"Sabagay. Paano ka nga naman magkakaron ng girlfriend eh hindi ka naman marunong magseryoso ng babae." sabi ng bagong dating na si Bonna. Siya yung sumunod sa amin ni Will. "Hi, lola." humalik siya kay lola pagkatapos ay kanila mama at Tita Agnes.

"Ts." tanging nasabi na lang ni Raymond.

"Bonna, asan ang mga kapatid mo?" tanong ni mom.

"Bukas pa sila tita eh. Kasabay nila dad."

"Buti nauna ka?" tanong ko.

"I've always wanted to get out of Manila." sagot naman niya. "Anyway. Raymond, sino naman yang babae mo ngayon ha? Bakit di ka gumaya kay Elmo and Will. Mga matitino."

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon