Chapter 45
"Good morning, beautiful!" bati ni Elmo nang magising ako.
It's been 2 weeks since our fight at simula nun ay mas naging sweet siya at maalaga. And each passing day just makes me fall in love with him even more.
"You're an early visitor." sabi ko sa kanya.
"Coz today, we'll have your cast off!" masiglang sabi niya.
"Ngayon ba yun?" pagtataka ko.
"Yes, baby. See?" aniya at pinakita pa ang reminder sa phone niya.
'Goodbye, cast!'
"Haha. Alright. I'll take a bath then we'll go." sabi ko at tumayo na sa kama. Agad naman siyang umalalay sa akin hanggang bathroom saka niya binalot ang right leg ko para hindi mabasa.
Pagdating sa orthopedic clinic ay agad kaming inassist ng nurse sa procedure room kung saan naghihintay ang doctor na si Dr. Diokno.
"Good morning, Julie and Elmo!" bati niya. "Elmo, please help her up the bed."
"Okay po." tango ni Elmo.
"Good morning, doc." sagot ko naman. Binuhat ako ni Elmo paakyat sa kama at agad akong kinabahan sa nakitang equipment. "Ah, eh... Doc, diba grinder ng tiles yan? I mean, that's the material used for cutting tiles diba?" kinakabahang tanong ko.
Natawa sa akin si doc at umiling. Baliw na nga ata to. Feeling ko tropa siya nung killer sa Chainsaw Massacre eh. Mga tipong bestfriends sila. Ganun.
"No it's not. Though they look the same, but this one's not sharp na makakasugat. See?" aniya and demonstrated how the thing works. Inilapat niya ang blade nun sa balat niya at saka ini-on. Napapikit ako dahil baka magtilamsikan na lang ang dugo pero nang marinig siyang tumatawa ay napadilat ako. "It's not dangerous, Julie. It's only meant to remove casts and not skins and bones." pabirong sabi niya.
"Sure ka doc?" di pa rin ako makapaniwala sa kanya.
"Yeah. Try mo." sabi niya saka pa nilapat sa balat ko ang grinder.
"It tickles." ngiti ko.
"Exactly. So are you ready?" aniya. Tumango ako kaya umupo na siya sa stool and started grinding my cast off. Humawak naman ako kay Elmo dahil kahit pa nakakakiliti ang pakiramdam nun ay nakakakaba pa rin.
Makalipas ang ilang minuto ay natanggal na iyon.
"Finally!!!" sigaw ko. "I've been dying to scratch this leg. Sobrang kati!" sabi ko.
"Hahaha. You can scratch now. But don't scratch too much at baka masugatan ka." paalala ni doc.
"Thank you po, doc." sabi ni Elmo and shook hands with him.
"Anytime. Oo nga pala, Elmo. Exercise Julie's leg para magheal pa ng husto. Kasi even if the cast is off, di pa rin yan totally healed. And Julie, wag ka na muna magsusuot ng heels okay? Anything na mapprone ka sa pagkatapilok. And massage your legs in the morning and at night." aniya.
"Okay po, doc. Thank you." sabi ko.
"Alright. If ever na sumakit, punta lang kayo dito okay?" sabi pa ni doc. Tumango kaming dalawa saka na siya umalis.
Nakauwi na kami sa bahay at tuwang-tuwa si manang nang makita niyang wala ng semento sa paa ko.
"Ay mabuti naman at tinanggal na yung sagabal sa paa. Mukha kang robot nung may semento ka anak eh." sabi niya.
"Manang talaga." sabi ko.
"Hahaha. Manang, diba para siyang si Astroboy? Hahahaha." sabi naman ni Elmo. Nag-apir sila ni manang at nagtawanan. "Ay hindi! Megaman pala!"