Chapter 19
Nagulat ako nang sa kalagitnaan ng pagsasayaw namin ni Miguel ay bigla na lang nay sumuntok sa kanya at napahandusay siya sa sahig. It all happened so fast that when I blinked ay nasa labas na ako at kaharap ko si Elmo.
"Are you planning on getting raped?" tanong niya.
Hindi ako sumagot at kumunot lang ang noo ko sa kanya. Ano daw?
"I beg your pardon?" sambit ko. I scowled at him and placed my arms over my chest. "As far as I know, wala akong ginagawang masama sayo. And as far as I know, hindi naman tayo nag-uusap. So why do I even have to explain this to you? Bakit kailangan kong hingin ang opinion mo?"
"Yeah. Wala ka ngang ginagawang masama sa akin. Oo, di mo naman kailangan mag-explain. At putangina oo, hindi mo hinihingi ang opinion ko. Pero ano naman yang ginagawa mo sa sarili mo ha? Look at you! You're wearing make-up, you're wearing a dress and you're wearing heels. So ano yun? Akala ko ba yang mga bagay na suot mo ngayon eh kasuklam-suklam para sayo ha? Diba? It was just last week when you can't even imagine yourself wearing a skirt and now you are wearing a very skimpy dress! Punyeta naman Julie! Ano bang pinapalabas mo ha? Na one-of-the-boys ka kapag ang mga lalaking kasama mo hindi mo type tapos bitch-mode on ka kapag yung lalaking gusto mo ang kasama mo? Eh puta kulang na lang sa gitna ng dancefloor magsex kayo ni Miguel eh!" sa mga sinabi niyang yun ay bigla ko siyang sinampal. Oo. Yung solid na masakit na may kurot na sampal. Yung sampal na kulang na lang bumaligtad ang mukha niya sa sobrang lakas. Yung sampal na sobrang nasaktan ako di lang dahil sa lakas nun pero dahil na rin sa lahat ng taong magsasabi nun, kaibigan ko. Bestfriend ko pa.
"Fuck you, Elmo! Of all the people in this place, ikaw pa ang magsasabi niyan?! Akala ko kilala mo ko eh. And I thought that you'd be happy for me. Pero putangina bakit ba ganyan ka?! Napakaselfish mo!"
"Selfish na kung selfish pero putangina Julie mahal na kita!" sigaw niya.
Natameme ako sa mga sinabi niya. Ano daw? Tumingin ako sa kanya at pinagmasdan ko siya habang nakapikit siya at naghihilamos ng mukha gamit ang dalawang kamay niya.
"Tangina naman eh. Mahal na mahal na nga ata kita." paulit-ulit na bulong niya habang paulit-ulit niya ring pinapatunog ang buto niya sa daliri. "Sabi mo sa lahat ng tao dito ako dapat ang pinaka nakakakilala sayo? Paano Julie? Kung ganyan ka. Hindi ko na kilala ang bestfriend ko. Sobrang ang daming nagbago sa sobrang ikling panahon. Hindi naman ako nagkulang sayo diba? Palagi pa rin naman akong nandito para sayo. I tried approaching you pero hindi mo naman ako pinapansin. In just a snap of a finger, biglang naging itsapwera na lang ako sa buhay mo. Last option mo kapag wala ka ng makausap na iba. Pakiramdam ko tinapon mo ang 21 years of friendship natin para lang sa isang lalaking kailan mo lang nakilala. Ang mali ko lang naman sayo eh yung minahal kita eh. Golden rule natin yun pero di ko tinupad. Paano ko gagawin yun kung nagising na lang ako isang araw at naramdaman kong mahal na kita? Sinubukan kong isantabi yun but I failed. Coz the more I stop thinking about it, the more I fall deeper. Kaya lang di mo naman ako sinalo eh. At alam kong wala kang balak saluhin ako. Kasi may iba ka namang gusto eh. At hindi ako yun. Alam ko namang pang friendzone lang ako, Julie eh. Okay lang. As long as I get to keep our friendship makukuntento na ko. I hope Miguel makes you happy. Siguro lalayo na lang muna ako para naman hindi na ko makaistorbo sa inyo. Tell him I'm sorry." sabi niya saka na naglakad palayo.
I stood there as I watched his retreating back disappear. Hindi pa ako mababalik sa ulirat kung di pa ko hinawakan ni Miguel sa kamay.
"Are you okay?" tanong niya. Wala sa wisyo akong lumingon sa kanya saka kumunot ang noo nang makita ang putok niyang labi.
"I should be the one asking you that. Putok ang labi mo. Tara sa loob." anyaya ko pero di siya nagpatinag.
"Physical pain is nothing compared to the emotional pain you're feeling." sabi niya. "Julie, ayos ka lang ba?"